Pamantayan sa Pagiging Karapat-dapat para sa Tulong ng FEMA

Kapag nag-aplay ka para sa tulong, titingnan ng FEMA upang matiyak na natutugunan mo ang ilang mga kinakailangan. Dapat tiyakin ng FEMA na ang lahat ng mga aplikante para sa tulong ng FEMA ay nakakatugon sa ilang mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat bago magbigay ng tulong. Matuto pa tungkol sa kung ano ang hinihiling ng batas na gawin ng FEMA.

feature_mini img

I-download ang Fact sheet ng Programa ng Mga Indibidwal at Sambahayan (link sa Ingles tungkol sa pagiging karapat-dapat at mga kinakailangan.

Sino ang Kwalipikadong Makatanggap ng Tulong ng FEMA mula sa Programa ng Mga Indibidwal at Sambahayan?

Bago ka makatanggap ng anumang tulong, dapat mong matugunan ang mga sumusunod na pangkalahatang kondisyon ng pagiging karapat-dapat.

Katayuan ng Pagkamamamayan

Tanging ang mga mamamayan ng Estados Unidos, mga hindi mamamayang nasyonal, o mga kwalipikadong hindi mamamayan ang karapat-dapat na tumanggap ng tulong mula sa FEMA.  Samakatuwid, kailangang i-verify ng FEMA ang lahat ng katayuan ng mga aplikante bago magbigay ng tulong.

alert - info

Alamin ang tungkol sa mga kinakailangan sa katayuan ng pagkamamamayan at imigrasyon para sa pederal na pampublikong benepisyo.

Pagpapatunay ng Pagkakakilanlan

Kailangan mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan gamit ang isang wastong numero ng Social Security. Karaniwang sinusuri ng FEMA ang pagkakakilanlan mo gamit ang mga pampublikong rekord kapag nag-aplay ka. Kung hindi ma-verify ng FEMA ang iyong pagkakakilanlan sa ganitong paraan,  maaari kaming humingi ng higit pang impormasyon.

alert - info

Repasuhin ang mga uri ng mga dokumento na maaari mong ibigay tupang i-verify ang iyong pagkakakilanlan.

Pagpapatunay ng Pagmamay-ari/Pag-ookupa

Para sa ilang uri ng tulong, dapat kumpirmahin ng FEMA na ang bahay na napinsala ng kalamidad ay ang pangunahing tirahan mo. Para sa Pagkukumpuni ng Bahay o Tulong sa Pagpapalit, kailangan ding kumpirmahin ng FEMA na pagmamay-ari mo ang tirahan sa oras ng kalamidad.                 

Karaniwang bini-verify ng FEMA ang impormasyong ito sa pamamagitan ng isang awtomatikong paghahanap ng mga pampublikong rekord kapag nag-aplay ka. Kung hindi makumpirma ng FEMA ang iyong pag-ookupa o katayuan ng pagmamay-ari sa pamamagitan ng paghahanap sa mga pampublikong rekord, maaari naming hilingin sa iyo na magbigay ng mga karagdagang dokumento para sa pagpapatunay.

alert - info

Repasuhin ang mga uri ng mga dokumento na maaari mong ibigay i-verify ang pag-ookupa sa bahay at/o pagmamay-ari.

Hindi Natugunan na Pangangailangan Pagkatapos ng Seguro

Ang FEMA ay hindi makakapagbigay ng tulong para sa mga pangangailangan sa kalamidad na natugunan na ng ibang mapagkukunan, tulad ng seguro o iba pang mga programa. Ngunit, kung hindi saklaw ng iyong seguro o ibang programa ang lahat ng iyong pangangailangang sanhi ng kalamidad, maaari kang maging karapat-dapat para sa tulong mula sa FEMA.

  • Dapat mong sabihin sa FEMA ang tungkol sa anumang saklaw ng seguro na mayroon ka na makakatulong sa iyong mga pangangailangang sanhi ng kalamidad kapag nag-aplay ka para sa tulong ng FEMA.
  • Kung mayroon kang saklaw ng seguro, kakailanganin mong bigyan ang FEMA ng patunay ng kasunduan sa seguro o isang sulat na nagpapaliwanag na tinanggihan ka ng saklaw bago matukoy ng FEMA kung anong tulong ang karapat-dapat para sa iyo.
alert - info

Maaaring direktang i-upload ang mga dokumento sa iyong mga online na DisasterAssistance.gov account o bisitahin ang isang sentro ng paghuhulog ng dokumento na malapit sa iyo (mga link sa Ingles).

Mag-aplay para sa Tulong

Kung sa tingin mo ay natutugunan mo ang mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat sa itaas, maaari mong kumpletuhin ang isang aplikasyon para sa tulong ng Programa para sa Mga Indibidwal at Sambahayan ng FEMA sa DisasterAssistance.gov (link sa Ingles).

Maaari ka ring mag-aplay ng personal, online, o sa pamamagitan ng telepono.

Ang FEMA ay inaatasan ng batas na tiyakin na ang anumang tulong na ibinigay sa mga naapektuhan ng isang malaking kalamidad ay naibigay nang tama, nang walang pagdodoble ng tulong mula sa ibang mga mapagkukunan, ginagamit para sa mga kinakailangang gastusin na may kaugnayan sa kalamidad, at hindi nakuha sa pamamagitan ng mapanlinlang na paraan.

Ang mga pederal na batas ay nangangailangan ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang FEMA, na magtrabaho upang mahanap at mangolekta ng anumang mga pagbabayad na ginawa nang hindi wasto dahil sa pandaraya.  Ang mga batas na ito (mga link sa Ingles) ay kinabibilangan ng:

Kapag nag-aplay ka para sa tulong ng FEMA, dapat mong sabihin na ang lahat ng impormasyong ibinigay mo ay totoo. Ang iyong aplikasyon ay isang legal na dokumento at ang impormasyong ibibigay mo sa amin ay ibinibigay sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling—ibig sabihin maaari kang humarap sa mga kasong kriminal, kabilang ang hanggang limang taon na pagkakulong, kung bibigyan mo ang FEMA ng maling impormasyon na alam mong hindi totoo o hindi tama. Maaaring suriin ng FEMA ang impormasyong ibinibigay mo sa amin sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba pang mga pinanggalingan. Labag sa mga batas ng pederal at estado ang paggawa ng mga maling pahayag o pagpigil ng impormasyon upang makakuha ng tulong sa FEMA.

Ang mga kawani ng FEMA ay kinakailangang mag-ulat ng pinaghihinalaang panloloko sa Opisina ng Inspektor Heneral (OIG) ng Departamento ng Seguridad ng Bansa. Iniimbestigahan ng OIG ang mga posibleng kaso ng pandaraya at isinasangguni ang mga ito sa Departamento ng Hustisya upang mag-imbestiga at gumawa ng legal na aksyon kapung kinakailangan. Sisimulan din ng FEMA ang pangongolekta ng isang potensyal na utang, anuman ang laki ng utang, kapag nakuha ang tulong sa pamamagitan ng mapanlinlang na paraan.

Huling na-update