Makakatulong ang FEMA na suportahan ang iyong pagbawi mula sa isang malaking sakuna.
Para sa tulong medikal: Tumawag sa 9-1-1
Pagsisimula
Pagbabago ng FEMA sa Programa ng Tulong sa Sakuna
Noong Marso 22, 2024, ipinatupad ng FEMA ang mga makabuluhang pag-update sa tulong sa sakuna. Basahin ang tungkol sa mga update.
Kumuha ng mga tip sa mga hakbang na dapat gawin bago mag-apply para sa tulong sa sakuna, tulad ng pagkuha ng mga larawan at paggawa ng listahan ng mga pinsala at paghahain ng claim sa iyong kumpanya ng seguro.
Tuklasin ang mga hakbang na dapat gawin pagkatapos mag-apply para sa tulong sa sakuna tulad ng pagsusuri sa iyong aplikasyon, pagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan at pagmamay-ari ng bahay, pagkuha ng inspeksyon sa bahay at pagsumite ng dokumentasyon.
Alamin ang tungkol sa kinakailangang dokumentasyon, mga paraan upang magsumite ng apela at kung ano ang gagawin pagkatapos magsumite ng apela kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA.
Daan patungo sa Pagbawi
Bagama't hindi pareho ang landas ng lahat ng mga nakaligtas sa sakuna patungo sa pagbawi, dinadala ka ng interactive na tool na ito sa mga karaniwang proseso at kinakailangang sundin na makakatulong sa iyo na makakuha ng suportang kailangan mo pagkatapos makaranas ng sakuna.
Magsimula sa Daan patungo sa Pagbawi
Pag-unawa sa Mga Uri ng Tulong
Galugarin ang Programa ng Mga Indibidwal at Kabahayan (Individuals and Households Program, IHP) na nagbibigay ng tulong sa pananalapi at direktang serbisyo sa mga karapat-dapat na indibidwal at kabahayan na apektado ng sakuna, na may mga gastos na hindi nakaseguro o hindi gaanong nakaseguro at malubhang pangangailangan.
Alamin ang tungkol sa ilang iba pang mga programa na dinisenyo upang suportahan ang mga nakaligtas sa sakuna na inaalok ng FEMA kabilang ang pangangalaga sa masa, pagpapayo sa krisis, pamamahala ng kaso, mga serbisyong ligal, at tulong sa kawalan ng trabaho.
Karagdagang Mga Mapagkukunan
Kumuha ng impormasyon tungkol sa mga patakaran, gabay, at fact sheet ng mga programa ng Tulong sa Indibiduwal ng FEMA, kabilang ang Programa at Gabay sa Patakaran sa Tulong sa Indibidwal ng FEMA (FEMA Individual Assistance Program and Policy Guide, IAPPG). (Ang ilang mga mapagkukunan ay nasa Ingles lamang)
Basahin ang tungkol sa mga pangunahing pagbabago sa aming mga programa ng Tulong sa Indibidwal (Individual Assistance, IA) upang matugunan ang mga makasaysayang hamon na kinakaharap ng mga nakaligtas sa sakuna.