Tulong para sa Pabahay at Iba Pang Pangangailangan

Tinutulungan ng FEMA ang mga indibidwal at pamilyang may mga pinsalang dulot ng sakuna sa kanilang mga tahanan bilang resulta ng sakunang idineklara ng pangulo. Makakatulong kami sa iba pang pangangailangan sa tulong, gaya ng mga pangangailangan sa pangangalaga sa bata na dulot ng sakuna, medikal na gastos dahil sa sakuna o kinakailangang gamit para sa paglilinis.

Hindi nagbibigay ang FEMA ng tulong para sa mga maliit na negosyong naapektuhan ng sakuna. Ang aming katuwang, ang Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo, SBA), ay nag-aalok ng mga loan na may mababang interes para sa pinsala sa negosyo. Dagdag dito, hindi kami nag-aalok ng tulong sa pabahay para sa mga sekundaryang tahanan, para lang ito sa iyong pangunahing tirahan.

Ang Sinasaklaw ng Tulong ng FEMA

Mga Sambahayan

Tulong sa Iba Pang Pangangailangan

Tulong sa Mga Kritikal na Pangangailangan

Makakapagbigay ang FEMA ng tulong para sa mga bagay na hindi saklaw ng insurance para sa mga may-ari ng tahanan at nangungupahan.

Hindi ka maaaring tumanggap ng tulong mula sa iyong kompanya ng insurance at FEMA para sa parehong pinsala. Kapag ginawa ito, isa itong pagdodoble ng mga benepisyo at ilegal na panloloko sa insurance.

Mag-apply para sa Tulong ng FEMA sa DisasterAssistance.gov

External Link Arrow

Mga Sambahayan

Maaaring ibigay ng Individuals and Households Program (Programa sa Mga Indibidwal at Sambahayan) ng FEMA ang mga sumusunod na uri ng tulong.

  • Tulong sa Pansamantalang Pabahay: Maaaring makakuha ng pinansyal na tulong ang mga may-ari ng tirahan at umuupa upang umupa ng pansamantalang lugar na matitirhan kung hindi matitirhan ang iyong tirahan dahil sa sakuna, at wala kang saklaw sa insurance para sa pansamantalang pabahay. Kung walang makukuhang mauupahang ari-arian, maaaring maglaan ng yunit ng pabahay ng pamahalaan sa ilang lugar bilang panghuling opsyon.
  • Reimbursement ng Mga Gastos sa Tinutuluyan: Reimbursement ng mga gastos sa hotel para sa mga may-ari ng tahanan o nangungupahan para sa maiikling haba ng panahon dahil sa kawalan ng access o utilidad, kung hindi saklaw ng insurance o anumang ibang programa.
  • Pagsasaayos ng Tahanan: Pinansyal na tulong sa mga may-ari ng tahanan sa pinsalang dulot ng sakuna sa kanilang pangunahing tahanan, kapag hindi saklaw ng insurance ang pinsala, para gawing ligtas, malinis o angkop sa pag-okupa ang tahanan. Maaaring kasama sa tulong ang mga pondo para sa mga hakbang para pigilan ang panganib, gaya ng pagpigil sa bubong, hurno, heater ng tubig, o pangunahing panel ng kuryente, para makatulong na mabawasan ang dami ng pinsala sa tahanan sa mga sakuna sa hinaharap, kung napinsala ng sakuna ang mga bagay na iyon.

    Tingnan ang Dokumento ng Impormasyon sa Pagpigil sa Panganib sa Ilalim ng Individuals and Households Program.
  • Pagpapalit ng Tahanan: Pinansyal na tulong sa mga may-ari ng tahanan para makatulong na palitan ang kanilang tahanang nawasak sa sakuna, kapag ang sakuna ay hindi sinasaklaw ng insurance.
  • Konstruksyon ng Permanenteng Pabahay: Direkta o pinansyal na tulong para sa konstruksyon o pagpapaayos ng isang tahanan. Nangyayari lang ang ganitong uri ng tulong sa ilang partikular na natatanging kaso kung walang ibang uri ng pabahay na posible.

Tulong sa Iba Pang Pangangailangan

Available ang pinansyal na tulong para sa mga kinakailangang gastos at matinding pangangailangang direktang dulot ng sakuna, kasama ang:

  • Mga gastos sa pangangalaga ng bata
  • Mga medikal at dental na gastusin
    • Maaaring magbigay ang FEMA ng tulong para sa suporta at kagamitan sa pagpapasuso sa ilalim ng Medikal at Dental na
      tulong kapag nagbigay ang aplikante ng wastong sumusuportang dokumentasyon (Isang nakasulat at pinirmahang pahayag mula
      sa isang medikal na provider na nagpapatunay sa pangangailangan para sa medikal na kagamitan bago ang sakuna.)
  • Mga gastusin sa burol at paglibing
  • Pinsala sa mga mahalagang gamit sa sambahayan (muwebles sa kwarto, mga appliance); damit; mga tool (espesyal o pamprotektang damit at kagamitan) na kailangan para s aiyong trabaho; mga kinakailangang materyales sa edukasyon (mga computer, libro sa paaralan, supply)
  • Fuel para sa pangunahing pinagmumulan ng init (langis na pampainit, gaas)
  • Mga panlinis na gamit (vacuum para sa basa/tuyong bagay, dehumidifier)
  • Pinsala sa mahalagang sasakyan
  • Mga gastos sa paglilipat at pagtatago na dulot ng sakuna. Ito ay ang paglilipat at pagtatago ng mga mahalagang gamit sa sambahayan para mapigilan ang higit pang pinsala, gaya ng mga kasalukuyang pagpapaayos, at pagbabalik ng pag-aari sa pangunahing tirahan ng aplikante.
  • Iba pang kinakailangang gastos o matinding pangangailangan ayon sa tinukoy ng FEMA
alert - info

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Tulong sa Iba Pang Pangangailangan, mangyaring bisitahin ang Kabanata 3, Seksiyon VI sa Individual Assistance Program and Policy Guide (Gabay sa Programa at Patakaran sa Indibidwal na Tulong, IAPPG).

Tulong sa Mga Kritikal na Pangangailangan

Kung hiniling ang isang Critical Needs Assistance (Tulong sa Mga Kritikal na Pangangailangan, CNA) at binigyan ito ng pahintulot para sa isang idineklarang sakuna at natutugunan ng aplikante ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado, maaari siyang makatanggap ng pinansyal na tulong para sa kanyang mga agaran at kritikal na pangangailangan habang pansamantalang inilikas mula sa kanyang pangunahing tirahan.

Mga bagay para sa pagligtas at pagpapanatili ng buhay kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • Tubig
  • Pagkain
  • Paunang lunas
  • Mga resetang gamot
  • Formula para sa sanggol
  • Suporta at kagamitan para sa pagpapasuso
  • Mga diaper
  • Mga gamit para sa personal na kalinisan
  • Gasolina para sa transportasyon
Huling na-update noong