Pagpapalit ng Mahahalagang Dokumento

Pederal

Pang-estado at County

Pinansyal at Pangsambahayan

Maaaring mabigat sa pakiramdam ang pagpapalit ng nawawalang dokumentasyon pagkatapos ng sakuna.

Makakatulong sa iyo ang mga link at patnubay sa pahinang ito na makapagsimula sa mga resource mula sa estado at mga federal partmer kung paano palitan ang mga mahahalagang dokumentong iyon.

Tandaan: Available lang sa Ingles ang ilang link sa pahinang ito.

Graphic
Illustration of a paper with empty checkmarks and text blocks with one large checkmark

Mga Pederal na Dokumento

  • Mga Social Security card: Puwede kang humiling ng bagong card online sa SSA.gov, o magsagot ng aplikasyon para dito at dalhin sa iyong lokal na opisina ng Social Security kasama ng valid na identification. Maaari ka ring tumawag sa 800-772-1213 (TTY 800-325-0778) para sa tulong.
  • Mga Medicare card: Para palitan ang iyong card, tumawag sa Medicare sa 800-633-4227 (TTY 877-486-2048), pumunta sa iyong lokal na opisina ng Social Security, humiling ng bagong card sa pamamagitan ng iyong online account sa Social Security, o pumunta sa Medicare.gov.
  • Mga pasaporte: I-report ang iyong nawawalang pasaporte online, sa pamamagitan ng mail, o sa personal. May detalyadong impormasyon ang Department of State sa  kung paano simulan ang proseso ng pagpapalit ng iyong pasaporte.
  • Permanent Resident Card (Mga Green Card): Pumunta sa U.S. Citizenship and Immigration Services upang kumpletuhin ang Form I-90 at simulan ang proseso ng pagpapalit sa iyong permanent resident card. Puwede mong i-file ang form online o sa pamamagitan ng mail. 
  • Mga rekord sa militar: Nagtatago ang National Archives ng mga rekord sa militar. Puwede kang humiling ng mga duplicate na rekord ng serbisyo, gayundin ng mga rekord na medikal at pangkalusugan.

Mga Dokumento ng Estado at County

  • Mga lisensya sa pagmamaneho at mga photo identification card: Nagpapanatili ang iyong state Department of Motor Vehicles ng mga kapalit sa lisensya sa pagmamaneho at photo identification card.

Mga Rekord na Pinansyal at Pangsambahayan

  • Patunay ng address/paninirahan: Makipag-ugnayan sa iyong lokal na utility company upang makakuha ng kamakailang bill.
  • Impormasyon sa insurance policy: Tawagan ang iyong insurance company o agent at humingi ng kopya ng iyong policy, kasama ang Declaration Page. 
  • Mga rekord ng federal tax: Tawagan ang Internal Revenue Service sa 800-829-1040, Lunes hanggang Biyernes, o mag-login sa irs.gov.

  • Mga rekord na medikal at reseta: Makipag-ugnayan sa iyong doktor, klinika, o botika; Ang mga rekord na medikal at reseta ay mata-track sa elektronikong paraan.
  • Mga rekord ng real estate at property: Makipag-ugnayan sa isang real estate agent, escrow agent, iyong mortgage company, sa opisina ng iyong County Assessor.
  • U.S. Savings Bonds: Pumuntsa TreasuryDirect upang mag-report ng nawawala o nasirang bond at humiling ng kapalit.
Huling na-update