Pagkatapos ng sakuna, nagsasama-sama ang mga tao para tumulong. Upang malubos ang iyong mga kontribusyon, mahalagang sundin ang mga pamantayan sa responsableng pagbibigay ng donasyon at pagboboluntaryo. Ang mga subok na at totoong pinakamahuhusay na gawain sa ibaba ang pagbibigay sa iyo ng ideya sa pagsisimula.
Maaari ka ring mag-email sa Yunit ng mga Donasyon ng FEMA para sa mga sagot sa iyong mga partikular na tanong o para gumawa ng materyal na donasyon.
Pinakamainam ang Pera
Ang mga pinansyal na kontribusyon sa mga kinikilalang organisasyong tumutulong sa sakuna ay ang pinakamabilis, pinaka-flexible at pinaka-epektibong paraan ng pagbibigay ng donasyon. Alam ng mga organisasyong na mismong kumikilos kung anong mga bagay at kung gaano karami ang kailangan, madalas na bumili nang maramihan na may mga diskwento at, kung maaari, bumili sa mga negosyong lokal sa sakuna, na sumusuporta sa pagbangon ng ekonomiya.
Upang makahanap ng listahan ng mga pinagkakatiwalaang organisasyon na ilalagay ang marami mong kontribusyon sa pinakamahusay na posibleng paggamit, bisitahin ang Mga Boluntaryong Organisasyon sa Bansa na Aktibo sa Sakuna.
Mga Materyal na Donasyon: Kumpirmahin kung Ano, Saan at Kailan
Ang mga donasyong bagay ay kailangan. Gayunpaman, kung walang maingat na pagpaplano, ang mga donasyong produkto ay higit pang magpapabigat sa isang komunidad na nasa krisis na. Ang pag-alam kung ano ang kailangan, kung saan ito kinakailangan, at pagkuha doon sa tamang oras ay ang susi. Mabilis na nagbabago ang mga kritikal na pangangailangan. Bago mangolekta, kumpirmahin ang pangangailangan.
- Hindi lahat ng bagay ay kailangan. Hindi kailanman kailangan ang pinaglumaang damit.
- Pinakamainam ang mga bultong donasyon. Iisangn bagay na inayos at nakakahon na nakalagay sa pallet.
- Mahalaga ang pagtiyempo. Napakaaga at huling-huli na at walang makikinabang.
- Aayusin pa ang mga pangangailangan sa transportasyon. Paano ito makakarating sa lugar na kailangan?
Kumonekta para Magboluntaryo
Huwag pumunta nang mag-isa sa mga lugar ng sakuna.
Alam ng mga pinagkakatiwalaang organisasyon na nagpapatakbo sa mga apektadong lugar kung saan kailangan ang mga boluntaryo. Depende sa sakuna at kasalukuyang yugtong kinapapalooban nito, lubos na nakakatulong ang mga boluntaryo upang matiyak na makakabalik ang mga nakaligtas sa kanilang mga bagong normal. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga matatag nang organisasyong non-profit, maaaring isaalang-alang ang naaangkop na kaligtasan, pagsasanay at mga kasanayan.
Mas lalong nagtatagal ang pagbangon kaysa sa atensyon ng media. Magkakaroon ng mga pangangailangan sa boluntaryo ng maraming buwan, madalas nang maraming taon, pagkatapos ng sakuna. Madalas na kailangan ang tulong mo pagkatapos ng sakuna.
Paano Kayo Makakatulong
Kung mayroon kang mga bagay na ido-donate, oras para magboluntaryo bilang pagsuporta sa nonprofit, o cash na ibibigay at may mga tanong, mag-email sa Yunit ng mga Donasyon ng FEMA. Gustung-gusto naming tulungan ka, tulungan ang iba.
Upang makahanap ng listahan ng mga pinagkakatiwalaang organisasyon na maaaring mailagay ang inyong malaking kontribusyon sa pinakamabuting posible na paggamit nito, karagdagang impormasyon sa mga donasyon at iba pang mga mapagkukunan, bisitahin ang National Voluntary Organizations Active in Disaster.