Bago Ka Mag-aplay
Kumuha ng mga larawan ng iyong nasirang bahay at mga ari-arian para sa sarili mong mga rekord.
Gumawa ng listahan ng mga nasirang/nawalang bagay, na maaaring makatulong kapag nakikipag-ugnayan sa iyong seguro o nakikipag-usap tungkol sa iyong mga pagkalugi sa isang inspektor ng FEMA.
Kung mayroon kang seguro (tulad ng baha, may-ari ng bahay, umuupa, sasakyan o iba pang uri ng seguro), mangyaring maghain ng claim sa iyong tagapagbigay ng seguro sa lalong madaling panahon. Hindi mo kailangang ihain ang iyong claim bago mag-aplay para sa tulong sa kalamidad ng FEMA, ngunit kakailanganin mong ibigay sa FEMA ang iyong kasunduan sa seguro o pagtanggi bago isaalang-alang para sa ilang uri ng tulong.
Kung kailangan mong maghanap ng mga tirahan na malapit sa iyo, i-text ang SHELTER at ang iyong zip code sa 43362.
Para sa mga agarang pangangailangan, makipag-ugnayan sa iyong lokal na mga opisyal ng pamamahala sa emerhensiya, mga boluntaryong ahensya o tumawag sa lokal na 2-1-1.