Nagbibigay ang Individuals and Households Program (Programa sa Mga Indibidwal at Sambahayan, IHP) ng FEMA ng mga pinansyal at direktang serbisyo sa mga kwalipikadong indibidwal at sambahayang naapektuhan ng isang sakuna, na may mga kinakailangang gastos at matinding pangangailangan na hindi sakop ng insurance o kulang ang sakop ng insurance. Ang tulong ng IHP ay hindi pamalit para sa insurance at hindi nito mababayaran ang lahat ng pagkawalang dulot ng isang sakuna. Ang layon ng tulong ay ang matugunan ang iyong mga pangunahing pangangailangan at dagdagan ang mga pagsisikap sa pagbangon sa sakuna.
Maaaring kasama sa Tulong IHP ang:
- Mga pondo para sa pansamantalang pabahay habang hindi mo kayang tumira sa iyong tahanan, gaya ng tulong sa upa, o reimbursement para sa mga gastos sa hotel
- Isang yunit sa pansamantalang pabahay, kung inaprubahan para sa sakuna, kapag hindi ka makagamit ng tulong sa upa dahil sa kakulangan ng mga available na mapagkukunan sa pabahay
- Mga pondo para suportahan ang pagpapaayos o pagpapalit ng mga tahanang inookupa ng may-ari na nagsisilbing pangunahing tirahan ng sambahayan, kasama ang mga ruta ng acces na pribadong pagmamay-ari, gaya ng mga daanan, kalsada, o tulay
- Mga pondo para sa iba pang gastusing dulot ng sakuna at matinding pangangailangan na hindi sakop ng insurance o kulang ang sakop ng insurance, gaya ng pagsasaayos o pagpapalit ng personal na pag-aari at mga sasakyan, o mga pondo para sa paglipat at pagtatago, mga bagay na para sa medikal, ngipin, pangangalaga ng bata, burol, at iba pang bagay na inaprubahan ng pamahalaan ng iyong estado, teritoryo, o tribo
- Mga pondo para sa tulong sa pagpigil ng panganib para makatulong na pigilan ang mga kwalipikadong may-ari ng tahanan na mag-ayos o muling magtayo ng mga mas matatag at matibay na tahanan.
Inaatas ng Batas sa Privacy sa FEMA na kumuha ng nakasulat na pahintulot mula sa aplikante para ibahagi ang kanilang mga tala sa tulong sa sakuna sa isang ikatlong partido. Ang mga aplikanteng nais na bigyan ng pahintulot ang FEMA na ibahagi ang kanilang impormasyon sa isang ikatlong partido ay dapat na kumpletuhin ang FORM NG FEMA NA FF-104-FY-21-118: Pahintulot sa Paglalabas ng Impormasyon sa Ilalim ng Batas sa Privacy at ibalik ito sa FEMA.
Ang mga aplikanteng kailangan ng Ipinagpatuloy na Tulong sa Pansamantalang Pabahay ay maaaring humiling ng karagdagang tulong sa pammaagitan ng pagkumpleto ng Form ng FEMA na FF-104-FY-21-115: Aplikasyon para sa Ipinagpatuloy na Tulong sa Pansamantalang Pabahay at dapat itong ibalik sa FEMA kasama ang sumusuportang dokumentasyon.
Alamin ang Tungkol sa Tulong sa Pabahay ng FEMA

Maunawaan ang pangkalahatang pamantayan sa pagiging kwalipikado na kailangang matugunan para makatanggap ng tulong.

Alamin ang tungkol sa mga kinakailangan sa katayuan ng pagkamamamayan at imigrasyon para sa mga pederal na pampublikong benepisyo.

Suriin kung ano ang sinasaklaw ng FEMA para sa mga sambahayan at iba pang pangangailangan.

Alamin kung paano mag-apply para sa tulong online, gamit ang telepono o sa personal.

Iba Pang Programa para sa Tulong
Dagdag sa pabahay, ang FEMA ay may iba pang programa sa Tulong sa Indibidwal na idinisenyo para suportahan ang mga nakaligtas sa sakuna, gaya ng Tulong sa Kawalan ng Trabaho Dahil sa Sakuna, Pagpapayo sa Krisis, Mga Legal na Serbisyo sa Sakuna at higit pa.
Mag-apply Para sa Tulong
Bago ka mag-apply para sa tulong, nasa ibaba ang mga hakbang na kailangan mong gawin para simulan ang proseso ng iyong pagbangon:
Unang Hakbang: Kumuha ng mga litrato ng iyong napinsalang bahay at mga gamit.
Pangalawang Hakbang: Gumawa ng listahan ng mga napinsala/nawalang gamit.
Pangatlong Hakbang: Makatipid ng oras. Kung mayroon kang insurance, dapat kang maghain ng claim sa iyong kumpanya ng insurance. Kung wala kang insurance, magpatuloy sa Pang-apat na Hakbang.
Pang-apat na Hakbang: Ngayong handa ka na para mag-apply para sa tulong sa sakuna o gusto mo ng higit pang impormasyon sa mga uri ng tulong na available, mangyaring gamitin ang isa sa mga sumusunod na paraan.
Aplikasyon sa Internet o Smartphone
Maaari kang mag-apply para sa Individuals and Households Program o maaari mong tingnan ang katayuan ng iyong aplikasyon sa DisasterAssistance.gov. Maaari mo ring i-access ang FEMA gamit ang isang smartphone sa pamamagitan ng pag-download sa aplikasyon mula sa aming website o sa pamamagitan ng application store ng iyong mobile provider.
Gamit ang Telepono
Maaari kang tumawag sa FEMA nang walang bayad sa 800-621-3362 para mag-apply para sa tulong o suriin ang katayuan ng iyong aplikasyon.
Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption, o iba pang serbisyo sa pakikipag-ugnayan, pakibigay sa FEMA ang partikular na numerong nakatalaga para sa serbisyong iyon.
Sa Personal
Maaari kang bumisita sa isang Disaster Recovery Center (Sentro sa Pagbangon
sa Sakuna, DRC) ng FEMA. Para maghanap ng mga lokasyon ng DRC:
- Bisitahin ang DisasterAssistance.gov
- Tingnan ang mobile app ng FEMA
- O tumawag sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362
Maaari ding bumisita sa mga tahanan sa iyong lugar ang mga miyembro ng pangkat ng Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna. Magkakaroon sila ng opisyal na identipikasyon ng FEMA na may litrato.
Sa Pamamagitan ng Mail o Fax
Maaari mong ipadala ang mga update sa iyong aplikasyon sa pamamagitan ng mail
o fax.
IPADALA SA:
FEMA
P.O. Box 10055
Hyattsville, MD 20782-8055
I-FAX SA:
Attn: FEMA
800-827-8112
Mga Dokumentong Kailangan Mong Ibigay sa FEMA
- Sulat ng pagtukoy ng insurance. (Tandaan: Hindi makakapagbigay ang FEMA ng tulong para sa mga kawalang saklaw ng insurance.)
- Patunay ng pag-okupa o pagmamay-ari
- Patunay ng ID