Posibleng Tirahan at Tulong sa Pabahay para sa mga Nakaligtas sa Kalamidad

Ang mga nakaligtas sa kalamidad na may pinsala sa kanilang pangunahing tirahan ay maaaring maging karapat-dapat para sa Tulong sa Tirahan at Pabahay ng FEMA.

Pagsasauli ng Gastos sa Panunuluyan

Tulong sa Pag-upa

Tulong sa Panandaliang Tirahan

Pagkukumpuni/Pagpapalit ng Bahay

Direktang Temporaryong Pabahay

Pagsasauli ng Gastos sa Panunuluyan

Pera para sa pagsasauli ng gastos sa mga hotel, motel, o iba pang panandaliang panunuluyan kung ikaw ay pansamantalang lumikas dahil sa kalamidad.

Sino ang Maaaring Kwalipikado?

Isang nakaligtas sa kalamidad:

  • Kung sino ang nanatili sa isang hotel, motel, o iba pang panandaliang panunuluyan habang lumikas sa kanilang pangunahing tirahan

*Kung ikaw ay naapektuhan ng isang kalamidad na idineklara noong o pagkatapos ng Marso 22, 2024, ang perang ito ay magagamit lamang kung hindi ka makakatanggap ng pera para sa Pag-alis sa ilalim ng Tulong sa Iba Pang Pangangailangan.

Tulong sa Pag-upa

Maaaring available ang mga pondo para sa mga kwalipikadong nakaligtas na nangangailangan ng lugar na pansamantalang tirahan habang kinukumpuni ang kanilang tahanan, o hanggang sa makakuha sila ng permanenteng pabahay.

Sino ang Maaaring Kwalipikado?

Isang nakaligtas sa kalamidad:

  • Na ang kanyang tahanan ay hindi matirhan na resulta ng kalamidad
  • Na pumayag na lumipat
  • Na ang mga pangangailangan sa pabahay ay hindi sakop ng seguro

Alamin kung paano mag-aplay.

Graphic
An apartment building.

Tulong sa Panandaliang Tirahan

Kung naaprubahan para sa kalamidad, maaaring magbigay ang FEMA ng temporaryong tirahan gamit ang mga kalahok na hotel para sa mga karapat-dapat na nakaligtas sa kalamidad.

Sino ang Maaaring Kwalipikado?

Isang nakaligtas sa kalamidad:

  • Na lumikas at nagtago sa mga lokasyon ng emerhensiyang silungan
  • Na ang tahanan ay hindi matirhan o hindi mapupuntahan dahil sa sakuna

Kung hindi ka pa nag-a-aplay para sa tulong, alamin kung paano mag-aplay.

Graphic
A hotel.
alert - info

Kung nakumpleto mo ang isang aplikasyon para sa tulong sa kalamidad ng FEMA, isasaalang-alang ka para sa Tulong sa Pasamantalang Tirahan (TSA) kung ang programa ay inaprubahan ng iyong estado, teritoryo, o pantribu na pamahalaan. Aabisuhan ka ng FEMA kung karapat-dapat ka para sa programa.

Pagkukumpuni/Pagpapalit ng Bahay

Maaaring magkaroon ng tulong pinansyal para sa mga karapat-dapat na may-ari ng bahay upang muling itayo o gumawa ng mga pangunahing pagkukumpuni upang ang kanilang tahanan ay ligtas, malinis at gumagana.

Sino ang Maaaring Kwalipikado?

Isang may-ari ng bahay:

  • Na ang pangunahing tirahan ay tinukoy na hindi matirhan pagkatapos ng isang inspeksyon ng FEMA
  • Na ang kailangan sa pabahay ay hindi sakop ng seguro

Alamin kung paano mag-aplay.

Graphic
A house with a cloud over it with water in front of it.

Direktang Temporaryong Pabahay

Ang ganitong uri ng tulong ay nagbibigay ng pansamantalang paggamit ng mga temporaryong yunit ng pabahay na inisyu ng FEMA sa mga kwalipikadong nakaligtas.

Sino ang Maaaring Kwalipikado?

Ang mga nakaligtas sa kalamidad na may pinsala sa kanilang pangunahing tirahan ay maaaring maging karapat-dapat para sa Tulong sa Tirahan at Pabahay ng FEMA.

* Ang Direktang Temporaryong Tulong sa Pabahay ay awtorisado sa bawat kalamidad at maaaring hindi palaging available.

Huling na-update