Proof of Occupancy
Patunay ng Pagmamay-ari
Pinalawak na Flexibility
Kailangang i-verify ng FEMA kung nakatira kayo sa address sa inyong aplikasyon bilang inyong pangunahing tinitirhan bago magbigay ng halos lahat ng uri ng Tulong na IHP. Kailangan ding i-verify ng FEMA na kayo ang may-ari ng bahay bago magbigay ng Tulong sa Pagkukumpuni ng Tahanan o Pagpapalit.
Bilang bahagi ng aming pagsisikap na mapabilis ang proseso ng tulong sa sakuna at mabawasan ang hirap ng mga aplikante, sinusubukan naming i-verify ang paninirahan at pagmamay-ari sa pamamagitan ng paggamit ng atuomated na paghahanap sa mga pampublikong record.
Kapag hindi namin ma-verify kung saan kayo nakatira o kayo ang may-ari ng bahay na inyong inilista sa inyong aplikasyon, hihingan ka namin ng mga dokumento para mapatunayan ang inyong paninirahan at/o pagmamay-ari para matulungan kaming matukoy kung kwalipikado kayo para sa tulong.
Nauunawaan namin na ang pagbibigay ng mga dokumento pagkatapos makaranas ng sakuna ay nagiging mahirap. Nagpatupad kami kamakailan ng mga bagong patakaran upang mabawasan ang mga hadlang sa access na naranasan ng mga populasyong hindi sapat na naseserbisyuhan.
Ang FEMA ay tumatanggap ngayon ng mas maraming uri ng dokumento para ma-verify ang pagmamay-ari at paninirahan, at tumatanggap din ng mga dokumento mula sa mas malawak na saklaw ng petsa kaysa sa tinanggap namin noong nakaraan.
Magbasa pa tungkol sa mga pagbabago sa polisiya ng Indibidwal na Tulong.
Patunay ng Paninirahan
Ang FEMA ay tumatanggap ng sumusunod na mga dokumento bilang patunay na nakatira kayo sa inyong bahay bago ang dineklarang sakuna. Kailangan lamang ninyong magbigay ng isa sa mga dokumentong nakalista sa ibaba.
- Kasunduan sa pagpaparenta o pabahay.
- Resibo ng renta.
- Utility bill (kuryente, tubig/kanal, atbp.).
- Pay stub.
- Statement sa bangko o credit card.
- Lisensya sa pagmamaneho, identification card na ibinigay ng estado, o card ng rehistro ng botante.
- Pahayag ng publikong opisyal.
- Bill ng medical provider.
- Mga dokumento ng Social service organization (hal. Meals on Wheels).
- Rehistro ng motorsiklo.
- Mga affidavit ng Paninirahan o iba pang dokumento sa korte.
- Liham o mail na ipinadala sa iyong address mula sa isang employer, pampublikong opisyal, organisasyon ng serbisyong panlipunan, lokal na paaralan o distrito ng paaralan, may-ari o manager ng mobile home park.
Karamihan sa mga dokumento ay maaaring lagyan ng petsa sa loob ng 1 taon bago ang sakuna at/o sa loob ng 18 buwan ng tulong. Gayunpaman, ang lisensya sa inyong pagmamaneho, identification card na ibinigay ng estado, o voter registration card ay dapat nilagyan ng petsa bago naganap ang sakuna at hindi pa paso nang ipadala ninyo ang kopya sa FEMA.
Patunay ng Pagmamay-ari
Ang FEMA ay tumatanggap ng sumusunod na mga dokumento bilang patunay ng inyong pagmamay-ari ng bahay bago magdeklara ng sakuna. Kailangan lamang ninyong magbigay ng isa sa mga dokumentong nakalista sa ibaba.
- Deed o titulo.
- Dokumento ng mortgage.
- Dokumento ng insurance ng mga may-ari ng bahay.
- Resibo o bill ng buwis sa property.
- Sertipiko o titulo ng minanupakturang bahay.
- Mga kontrata ng biniling bahay.
- Huling habilin at testamento (na may sertipiko ng kamatayan) na nakapangalan sa tagapagmana ng property.
- Mga resibo para sa malalaking pagkukumpuni o pagmamantini na may petsang sakop ng 5 taon bago ang sakuna.
- Liham na inihanda bago ang sakuna mula sa may-ari o tagapangasiwa ng mobile home o tagapangasiwa o pampublikong opisyal na nakakatugon sa mga pangangailangan ng FEMA.
Karamihan sa mga dokumento ay maaaring lagyan ng petsa sa loob ng 1 taon bago ang sakuna o sa loob ng 18 buwan ng panahon ng tulong.
Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para magpadala ng inyong dokumento sa FEMA ay patunayan ang paninirahan o pagmamay-ari sa pamamagitan ng pag-upload ng mga iyon online sa DisasterAssistance.gov.
Pinalawak na Flexibility
Bagama't inaasahan namin na ang mga kamakailang pagbabagong ginawa namin ay tumanggap ng higit pang mga uri ng mga dokumento upang gawing mas madali ang proseso ng tulong sa sakuna, nauunawaan ng FEMA na ang mga nakaligtas sa sakuna sa ilang sitwasyon ay maaaring makaranas ng karagdagang kahirapan sa pangangalap ng mga partikular na dokumento. Bilang resulta, ang FEMA ay gumawa ng kamakailang mga pagbabago sa patakaran upang magbigay ng karagdagang flexibility upang payagan ang mga aplikante na hindi makapagbigay ng mga karaniwang uri ng mga dokumento na magbigay ng nakasulat na sariling pagdedeklara na mga pahayag bilang huling paraan sa mga partikular na sitwasyon.
Patunay ng Paninirahan
Kung ang inyong tirahan bago ang sakuna ay isang mobile home o travel trailer at wala kayong anumang katanggap-tanggap na paraan ng pag-okupa, maaaring tanggapin ng FEMA ang isang nakasulat na pahayag ng sariling pagdedeklara bilang huling paraan, dahil sa mga hamon sa pagkuha ng mga tradisyonal na anyo ng dokumentasyon para sa mga ganitong uri ng mga tahanan.
Maaaring tanggapin din ng FEMA ang isang nakasulat na pahayag ng sariling pagdedeklara mula sa mga aplikanteng naninirahan sa mga insular na lugar, isla, at lupain ng tribo, ngunit ang pahayag ay dapat ibigay sa FEMA nang nakasulat at hindi maaaring tingnan lamang ng isang inspektor.
Ang isang pahayag ng sariling pagdedeklara para sa patunay ng paninirahan ay dapat kasama sa lahat ng mga item sa ibaba:
- Ang adres ng tirahang nasira ng sakuna.
- Tagal ng panahon ng inyong paninirahan sa bahay na napinsala ng sakuna, bilang inyong pangunahing tirahan, bago ang pagdedeklara ng Pangulo sa sakuna.
- Pirma o pangalan ninyo o ng inyong kasamang aplikante.
- Ang mga pangunahing aplikante ng mga sumusunod na pahayag at karagdagang paliwanag:
"Gumawa ako sa magandang layunin, sa pakikipag-ugnayan sa FEMA, upang makakuha at makapagbigay ng kopya ng katanggap-tanggap na dokumento ng paninirahan. Hindi ko nakuha ang dokumentong ito dahil [magbigay ng paliwanag sa mga pangyayari na pumipigil sa karaniwang pag-verify ng paninirahan upang isama kung bakit hindi available sa aplikante ang iba pang mga uri ng dokumento o kung paano hindi natutugunan ng mga available na dokumento ang mga kinakailangan ng FEMA]. Sa pamamagitan nito, ipinapahayag ko sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling na ang nabanggit ay totoo at tama."
Patunay ng Pagmamay-ari
Kung nagmamay-ari kayo ng bahay, nakatira sa isang insular na lugar, isla, o lupain ng tribo o sa isang travel trailer o mobile home, at walang anumang katanggap-tanggap na paraan ng pagmamay-ari, ang FEMA, bilang huling paraan, ay tatanggap ng nakasulat na pahayag ng sariling pagdedeklara bilang patunay ng pagmamay-ari.
Dapat kasama sa pahayag ng sariling pagdedeklara bilang patunay ng pagmamay-ari ang lahat ng item na nasa ibaba:
- Ang adres ng tirahang nasira ng sakuna.
- Tagal ng panahon ng inyong paninirahan sa bahay na napinsala ng sakuna, bilang inyong pangunahing tirahan, bago ang pagdedeklara ng Pangulo sa sakuna.
- Pirma o pangalan ninyo o ng inyong kasamang aplikante.
- Ang mga pangunahing aplikante ng mga sumusunod na pahayag at karagdagang paliwanag:
"Gumawa ako sa magandang layunin, sa pakikipag-ugnayan sa FEMA, upang makakuha at makapagbigay ng kopya ng katanggap-tanggap na dokumento ng pagmamay-ari. Natutugunan ko ang kahulugan ng may-ari-naninirahan ng FEMA dahil ako ay alinman sa (A) legal na may-ari ng bahay. (B) walang binabayarang renta, pero may pananagutan sa pagbabayad ng buwis o pagmamantini ng tirahan, o (C) may pinanghahawakang karapatan ng panghabambuhay na paninirahan. Hindi ko nakuha ang dokumentong ito dahil [magbigay ng paliwanag sa mga pangyayari na pumipigil sa karaniwang pag-verify ng pagmamay-ari ng naaangkop na kategorya ng may-ari-naninirahan]. Sa pamamagitan nito, ipinapahayag ko sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling na ang nabanggit ay totoo at tama."
Kung kayo ay nagmamay-ari at nakatira sa isang bahay na ipinasa sa pamamagitan ng pagmamana at walang anumang katanggap-tanggap na paraan ng pagmamay-ari, ang FEMA, bilang huling paraan, ay tatanggap ng nakasulat na pahayag ng sariling pagdedeklara bilang patunay ng pagmamay-ari.
Dapat kasama sa pahayag ng sariling pagdedeklara para sa patunay ng pagmamay-ari na ipinasa sa pamamagitan ng pagmamana ang lahat ng item sa ibaba:
- Ang adres ng tirahang nasira ng sakuna.
- Tagal ng panahon ng inyong paninirahan sa bahay na nasira ng sakuna, bilang inyong pangunahing tirahan bago ang pagdedeklara ng pangulo sa sakuna.
- Pirma o pangalan ninyo o ng inyong kasamang aplikante.
- Kopya ng sertipiko ng kamatayan ng nagpamana.
- Ang mga pangunahing aplikante ng mga sumusunod na pahayag at karagdagang paliwanag:
"Gumawa ako sa magandang layunin, sa pakikipag-ugnayan sa FEMA, upang makakuha at makapagbigay ng kopya ng katanggap-tanggap na dokumento ng pagmamay-ari. Hindi ako nakakuha ng dokumentong ito dahil [ibigay ang paliwanag ng mga dahilan na nakapigil sa beripikasyon ng pamantayan ng pagmamay-ari]."
AT, ang mga pangunahing elemento ng sumusunod na pahayag:
"Bilang pinakamalapit na kamag-anak ng namatay na susunod sa tapagmana, kabilang sa pagmamay-ari ko ang lahat ng karapatan at obligasyon ng namatay. Ang pangalan ng nagpamana ay ____, at namatay sila noong ____. Nauunawaan ko na dapat akong magsumite ng sertipiko ng kamatayan kasama ang deklarasyong ito. Sa pamamagitan nito, ipinapahayag ko sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling na ang nabanggit ay totoo at tama."