Deklarasyon ng Emerhensya Dahil sa COVID-19

Release Date Release Number
HQ-20-017-FactSheet
Release Date:
March 13, 2020

Noong Marso 13, 2020, idineklara ng Pangulo ang nagpapatuloy na pandemyang Sakit ng Coronavirus 2019 (COVID-19) na may sapat na kalubhaan at laking nangangailangan ng deklarasyon ng emerhensya para sa lahat ng estado, tribo, teritoryo, at sa District of Columbia alinsunod sa seksyon 501 (b) ng Robert T. Stafford Disaster Relief and Emergency Assistance Act, 42 U.S.C. 5121-5207 (ang “Stafford Act”, o Batas sa Tulong sa Sakuna at Emerhensya). Ang mga entidad na pang-Estado, Teritoryal, Pantribo, at lokal na gobyerno at ilang organisasyong private non-profit (PNP, pribadong hindi pangkalakal) ay karapat-dapat na mag-apply para sa Tulong ng Gobyerno.

Alinsunod sa seksyon 502 ng Stafford Act, ang mga karapat-dapat na pang-emerhensyang pumuprotektang hakbang na isinagawa upang tumugon sa emerhensyang COVID-19 sa utos at gabay ng mga opisyal ng pampublikong kalusugan ay maaaring mabawi ang ginastos sa ilalim ng Kategorya B ng programa sa Tulong ng Gobyerno ng ahensya. Hindi dodoblehin ng FEMA ang tulong na ipinagkaloob ng Department of Health and Human Services (HHS, Kagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao), kabilang ang Centers for Disease Control and Prevention (Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit), o iba pang mga pederal na ahensya. Kabilang dito ang mga kinakailangang pang-emerhensyang pumuprotektang hakbang para sa mga aktibidad na isinagawa bilang pagtugon sa insidenteng COVID-19. Ibibigay ang tulong ng FEMA sa 75 porsyento ng bahagi ng Pederal na gastos.

Pinalalaki ng deklarasyong ito ang pederal na suporta sa HHS sa papel na ginagampanan nito bilang pangunahing ahensya para sa pagtugon ng pederal na gobyerno sa COVID-19. Hindi naaapektuhan ng deklarasyon ng emerhensya ang mga hakbang na inawtorisahan sa ilalim ng mga Pederal na batas.

Ang tulong ng FEMA ay mangangailangan ng pagpapatupad ng Kasunduan sa pagitan ng FEMA at ng Estado/Tribo/Teritoryo, kung naaangkop, at ang pagpapatupad ng naaangkop na planong pang-emerhensya. Ang mga gobyerno ng mga Estado, Tribo at Teritoryo ay hindi kinakailangang humiling ng mga hiwalay na deklarasyon ng emerhensya upang tumanggap ng tulong ng FEMA sa ilalim ng pambansang deklarasyong ito.

Hinihikayat ng FEMA ang mga opisyal na isagawa ang mga naaangkop na aksyong kinakailangan upang protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng publiko alinsunod sa patnubay sa pampublikong kalusugan.

# # #
Misyon ng FEMA ang pagtulong sa mga tao bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga sakuna.

Tags:
Huling na-update noong