Ang mga inspektor ng FEMA ay nagtatala ng mga pinsalang dulot ng sakuna. Hindi sila nagpapasya kung ikaw ay kwalipikado para sa tulong mula sa FEMA o sa halaga o uri ng tulong na maibibigay ng FEMA. Mahalagang rumesponde kapag subukan nilang tawagan ka.
Narito ang mga paraan kung paano matukoy na ang tao sa iyong pinto o sa telepono ay isang Inspektor ng FEMA.
Inspection sa Personal: Ang lahat ng mga tauhan at kontratista ng FEMA ay nagdadala ng opisyal na pagkakakilanlan. Bilang aplikante, dapat palaging humiling na ipakita sa inyo ng inspektor ang kanilang opisyal na tsapa na nagpapakita ng kanilang pangalan at litrato. Ang mga kontratistang inspektor nakadestino sa FEMA ay maaaring magdala ng tsapa na bigay ng kanilang employer. Ito rin ay magpapakita ng kanilang pangalan, litrato, at posible rin ang isang numero ng ID.
Remote o Malayong Inspeksyon: Ang mga inspektor ay titiyakin na sila ay nakarating sa tamang aplikante sa pamamagitan ng pagtatanong ng huling apat na numero ng siyam na numero sa pagrererehistro sa FEMA ng aplikante. Ang inspektor ay magbibigay ng unang apat na numero ng ID ng pagrerehistro ng aplikante. Matatanggap ng mga aplikante ang kanilang numero sa pagrerehistro kapag nakumpleto ang aplikasyon sa FEMA.
Ang ilan pang mga paalala tungkol sa mga inspektor ng FEMA:
- Hindi sila hihingi ng pera upang makumpleto ang isang inspeksyon at hindi sila mangangako na ikaw ay makakatanggap ng kaloob.
- Nasa kanila ang iyong address mula sa iyong aplikasyon sa tulong sa sakuna ng FEMA, ngunit pwede silang makipag-ugnayan sa inyo upang humingi ng direksyon papunta sa iyong lupain.
- Maaari silang tumawag sa telepono, mag-text message at mag-email – anumang uri ng impormasyon ng pakikipag-ugnayan na binigay mo sa iyong aplikasyon sa FEMA.
- Maaaring tumawag ang mga inspektor mula sa mga teleponong bigay ng FEMA o mga personal na cell phone, at ang mga area code ay maaaring galing sa labas ng estado ng New York.
- Ang isang taong may suot na shirt o jacket na may nakasulat na salitang FEMA ay hindi nangangahulugan na opisyal na ID. Hingin para makita ang kanilang photo ID na tsapa ng FEMA. Ang batas-pederal ay nagbabawal na kumuha ng litrato o kopyahin ang mga card ng pagkakakilanlan sa gobyerno ng U.S. Ito ay paglabag na may kaparusahan na multa at pagkakulong.
- Kung wala ka sa iyong tahanan, ang inspektor ay magkakabit ng isang sulat sa iyong tahanan.
Kung ikaw ay makabalik sa iyong tahanan at makita ang isang sulat ng inspektor sa iyong pinto, huwag itong isawalang-bahala. Ang sulat ay bahagi ng proseso ng inspeksyon at nakalagay dito ang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng inspektor. Kung ikaw ay nag-apply sa FEMA at inaasahan mong bumisita ang inspektor, makipag-ugnayan sa inspektor para ituloy ang proseso. Huwag ibahagi ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng inspektor sa social media.
Kung makita mo ang isang sulat ng inspektor sa iyong pinto at hindi ka nag-apply ng tulong sa FEMA, makipag-ugnayan sa FEMA o sa FEMA Fraud Investigations and Inspections Division (Sangay ng FEMA para sa Imbestigasyon sa Pandaraya at Inspeksyon) sa 866-223-0814 o mag-email sa StopFEMAFraud@fema.dhs.gov.
Sinunod ng inspektor ng FEMA ang panuntunan sa inspekyon ng FEMA at mga protocol. Pwede ka rin makipag-ugnayan nang direkta sa inspektor at ipaliwanag na hindi ka nag-apply. Iuulat ng inspektor ang pangyayari.
Maaari mong patotohanan na mayroon kang nakabinbin na inspeksyon sa pamamagitan ng pagtawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 o serbisyong video relay (VRS). Maaari ka ring bumisita sa DisasterAssistance.gov at piliin ang “Review Status.” Hinihikayat ka na kumpirmahin ang iyong address kung tama at para magbigay ng partikular na direksyon papunta sa iyong lupain.
Kung naniniwala ka na ikaw o ang kakilala mo ay naging biktima ng pambubudol o pagnanakaw ng pagkakakilanlan, agad itong isumbong sa iyong lokal na pulisya o kagawaran ng serip. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa FEMA Fraud Investigations and Inspections Division sa telepono numero o email address na nakalista sa taas.
Para sa pinakabagong impormasyon sa pagsisikap sa pagbawi muli ng New York, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa Twitter sa https://twitter.com/FEMARegion2 at sa Facebook sa www.facebook.com/fema.