Kung Hindi Sakop ng Seguro Ang Inyong Pagkawala, May Ibang Pagkukunan ng Tulong

Release Date Release Number
010
Release Date:
October 7, 2021

NEW YORK – Maraming New Yorker na nagdusa mula sa pagkawala dulot ng Bagyong Ida ay sakop ng kanilang seguro. Subalit ang pinakamabuting saklaw ng seguro ay maaari pa ring hindi sapat sa lahat ng pangangailangan, kaya, mayroon ding pang-estado, pampederal, at programang hindi pangangalakal.

Ang FEMA ay maaaring magbigay sa inyo ng liham na nagpapahiwatig na hindi kayo kwalipikadong makatanggap ng pampederal na tulong sa sakuna o makahingi ng karagdagang impormasyon.

Nagbibigay ng tulong ang FEMA sa mga aplikanteng walang seguro o may kakulangan sa seguro at sila ay may gasuting dulot ng sakuna at seryosong pangangailangan. Ang mga aplikante ay kinakailangang ipaalam sa FEMA ang lahat ng kanilang saklaw ng serguro kabilang ang pagbaha, pagma-may-ari ng bahay, sasakyan, mobile home (namamanehong bahay), medikal, panlibing, atbp.

Ang mga nakasegurong aplikante ay kinakailangang magpresenta ng mga dokumento na nagpapakilala ng kanilang kasunduan sa seguro o benepisyo bago makokonsidera ng FEMA kung sila ay kwalipikado para sa mga kategorya ng tulong na maaaring saklaw ng pribadong seguro.

Dahilan kung bakit makakatanggap kayo mula sa FEMA ng pagpapasiyang liham ay:

  • Hindi pa beripikado ang paninirahan;
  • Hindi pa beripikado ang pagma-may-ari ng nasirang pag-aari;
  • Hindi pa beripikado ang katibayan ng pagkakakilanlan;
  • Hindi natanggap ng FEMA ang mga dokumento ng kasunduan sa seguro.

Dapat ninyong basahin nang maigi ang liham upang maibigay ninyo ang tamang impormasyon o dokumentong hinihingi ng FEMA.

Kung mayroon kayong tanong tungkol sa liham o tungkol sa desisyon ng FEMA, ihanda ninyo ang inyong numero ng rehistrasyon sa kapag tumawag kayo sa FEMA Helpline at 800-621-3362 (711/VRS). Bukas ang mga linya mula 8 n.u. hanggang 7 n.g. araw-araw, at ikokonekta kayo ng mga operator sa espesyalistang nagsasalita ng iyong wika. Kung kayo ay gumagamit ng serbisyo na relay, tulad ng video relay service (VRS), serbisyong captioned telephone atbp, ibigay sa FEMA ang numero ng serbisyong iyon.

Ayon sa pampederal na batas, ang FEMA ay hindi pwedeng magdoble ng mga bayad sa mga indibidwal o pamamahay para sa mga pagkawalang saklaw ng seguro.

Kung kayo ay may seguro, dapat kayong makipag-ugnayan sa inyong kompanya ng seguro upang makapag-file ng isang claim at humingi ng mga dokumentong magbibigay-alam tungkol sa inyong saklaw ng seguro, benepisyo, kasunduan, dokumentong malinaw na nagpapaliwanag kung ano ang sakop at binabayaran sa ilalim ng inyong claim. Pagkatapos, ipadala ang impormasyon sa FEMA, Individuals & Households Program, National Processing Service Center, P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-7055, o ipa-fax ito sa 800-827-8112. Isama ninyo ang inyong numero ng pang-rehistrasyon sa FEMA sa lahat ng inyong dokumento.

Makaka-apela kayo sa kahit anong desisyon sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng sulat ng pagpapasya ng FEMA. Makikita sa sulat ng FEMA ang mga patnubay para maka-apela.

Kayo ay masidhing hinihikayat na magsauli ng isang kinumpletong U.S. Small Business Administration loan application (aplikasyon para sa pautang ng Administrasyon ng Maliliit na Negosyo ng Estados Unidos) kung kayo ay nakatanggap. It ay kinakailangang hakbang upang maikonsidera sa iba pang uri ng tulong sa sakuna. Maaari ninyong ipasa ang inyong pang-SBA na aplikasyon sa https://DisasterLoanAssistance.sba.gov o tumawag sa SBA’s Customer Service Center (sentro ng serbisyo sa customer) sa 800-659-2955 para sa karagdagang impormasyon. Maaari rin kayong bumisita sa kahit anong Disaster Recovery Center (Sentro ng Pagbabawi mula sa Sakuna). Hanapin ito sa DRC Locator (fema.gov).

Ang huling araw para makapag-apply sa tulong sa sakuna ng FEMA ay Linggo, ika-5 ng Disyembre.

Para sa impormasyon tungkol sa mga kinakailangang pang-bahang seguro para sa mga makakatanggap ng pampederal na tulong sa sakuna, bumisita sa https://www.fema.gov/sites/default/files/2020-05/FloodInsuranceRequirements-080119.pdf. Para sa karagdagang mapagkukunan sa online pati na rin ang polyetong FEMA na pwedeng i-download, bumisita sa DisasterAssistance.gov at i-click ang “Information.”

Para makakuha ng listahan ng mga pinapayong ahensiyang nagsusuporta mismo sa pang-komunidad na pangangailangan, bumisita sa https://www.211nys.org/contact-us o tumawag sa 211. Para sa mga residente ng New York City, tumawag sa 311.

Ang U.S. Department of Health and Human Services Substance Abuse (Kagawaran sa Kalusugan ng Estados Unidos at Serbisyong Pantaong Namamahala sa Pag-Abuso sa Nakakahumaling Sangkap) at Mental Health Services Administration (Administrasyon ng Serbisyo sa Kalusugang Pangkaisipan) ay naglunsad ng Disaster Distress helpline (numero ng tulungan para sa kagipitan sa sakuna). Itong serbisyong toll-free, sari-saring wika, at pang-suporta sa krisis ay bukas 24 oras araw-araw sa 800-985-5990 para sa mga nakaligtas sa sakuna na nakakaranas ng emosyonal na pagkabalisa. Ang mga gumagamit ng American Sign Language (Wikang Pasenyas ng Amerikano) ay maaaring tumawag sa helpine gamit ang bidyong telepono sa 800-985-5990, o sa pagpili ng opsyong “ASL Now” sa kanang bahagi ng webpage sa Disaster Distress Helpline-ASL Now.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagsisikap ng New York sa Bagyong Ida, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa Twitter sa twitter.com/femaregion2 at www.facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong