Mga Karaniwang Sabi-sabi na Kaugnay ng Kalamidad

Madalas maraming sabi-sabi at pangdaraya pagkatapos ng sakuna. Gawin ang iyong parte upang pigilan ang pagkalat ng mga sabi-sabi sa pamamagitan ng paggawa ng apat na madaling bagay:  

  1. Maghanap ng mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon.  
  2. Magbahagi ng impormasyon mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan.  
  3. Pigilan ang iba na magbahagi ng impormasyon mula sa hindi na-verify na mga mapagkukunan. 
Graphic
Beware of Fraud and Scams

Mga Sabi-sabi

Gamitin ang dropdown na menu upang i-filter ayon sa uri ng tanong o uri ng keyword.

Sabi-sabi : Babayaran ng FEMA ang aking hotel kung tatawag ako sa 1-800-621-3362.

Katotohanan :

Hindi ka maaaring humiling ng tulong sa pagbabayad sa kuwarto ng hotel mula sa FEMA sa pamamagitan ng pagtawag sa anumang numero.

Gayunpaman, maaaring ibalik ng FEMA ang mga gastos sa panuluyan sa mga karapat-dapat na indibidwal at pamilya. Upang makita kung ang tulong na ito ay available sa iyo, mag-apply sa  DisasterAssistance.gov.

Sabi-sabi : Makakatanggap ako kaagad ng sauliang-bayad (reimbursement) para sa aking mga karapat-dapat na gastos sa tuluyan.

Katotohanan :

Hindi ito totoo. Maaaring mag-iba ang iyong timeline dahil manu-manong sinusuri ang mga kahilingan. Halimbawa, sa mas malalaking kalamidad na may maraming aplikante, maaaring magtagal ang pagbabayad ng mga resibo.

Sabi-sabi : Maaaring mabayaran ako ng FEMA para sa mga gastusin sa panunuluyan kung ako ay naalis sa aking pangunahing tirahan.

Katotohanan :

Maaaring makapagbigay ang FEMA ng sauliang-bayad (reimbursement) para sa mga sariling- gastos-sa bulsa sa panuluyan na hindi saklaw ng mga benepisyo ng insurance. Ang pangunahing tirahan ng isang residente bago ang kalamidad ay dapat na hindi matitirahan o hindi naa-access upang maisaalang-alang.

Magtabi ng mga kopya ng iyong mga resibo upang mai-file mo ang mga ito kasama ng iyong aplikasyon para sa tulong sa kalamidad.

Sabi-sabi : Kung mayroon akong insurance, hindi ako maaaring ma-reimburse para sa mga gastos sa panunuluyan.

Katotohanan :

Depende. Ayon sa batas, hindi maaaring madoble ng FEMA ang mga benepisyo ng insurance. Kung hindi saklaw ng insurance ang buong halaga ng iyong mga gastusin sa tuluyan sa panahon ng kalamidad, maaari ka pa ring maging karapat-dapat para sa sauliang-bayad (reimbursement).

Sabi-sabi : Ang FEMA ay magbibigay lamang ng tulong sa isang tao bawat sambahayan.

Katotohanan :

Depende sa kalamidad. Sinusuri ng FEMA ang mga pangangailangan ng lahat ng karapat-dapat na nakaligtas sa isang case-by-case na batayan.  

Sabi-sabi : Ang iba ay nagkaroon ng mas maraming pinsala at nangangailangan ng higit pang tulong, kaya hindi ako makapag-apply para sa tulong.

Katotohanan :

Hindi ito totoo. Ang pagpopondo ng FEMA ay available upang tulungan ang lahat ng mga karapat-dapat na nakaligtas na dumanas ng mga pagkawala (losses) dahil sa mga kalamidad.

Sabi-sabi : Ang tulong ng FEMA ay para lamang sa mga may-ari ng bahay.

Katotohanan :

Hindi ito totoo. Ang tulong ng FEMA ay hindi lamang para sa mga may-ari ng bahay. Ang FEMA ay maaari ding magbigay ng tulong upang matulungan ang mga umuupa na nawalan ng personal na ari-arian o nawalan ng tirahan.

Sabi-sabi : Maaari akong ma-reimburse para sa aking mga gastos sa pagkain o transportasyon habang nanunuluyan ako sa hotel.

Katotohanan :

Hindi ito totoo. Maaaring kabilang sa mga karapat-dapat na gastusin ang halaga ng kuwarto at mga buwis na sinisingil ng hotel o iba pang provider ng tuluyan. Hindi kasama dito ang mga gastos para sa pagkain, mga tawag sa telepono, transportasyon o iba pang iba't ibang gastos.

Sabi-sabi : Gagastos ng pera upang mag-apply para sa tulong.

Katotohanan :

Hindi ito totoo. Ang mga tauhan ng FEMA ay hindi kailanman naniningil sa mga aplikante para sa tulong sa kalamidad.

Kung mayroon kang kaalaman sa pandaraya, pag-aaksaya o pang-aabuso maaari mo itong iulat nang hindi nagpapakilala sa pamamagitan ng pagtawag sa FEMA Disaster Fraud Hotline sa 866-720-5721. Maaari ka ring mag-email sa StopFEMAfraud@fema.dhs.gov.

Sabi-sabi : Ikaw ay dapat na isang mamamayan (citizen) upang mag-apply para sa pederal na tulong.

Katotohanan :

Hindi ito totoo. Ang FEMA at ang estado, teritoryo o tribal na pamahalaan ay maaaring magbigay ng direkta at pinansyal na tulong sa kalamidad sa mga mamamayan ng U.S., hindi-mamamayan na nasyonal at mga kwalipikadong dayuhan.

Upang matuto nang higit pa our visit Citizenship and Immigration Status Requirements for Federal Public Benefits.

Huling na-update noong October 12, 2022