FEMA Nangungusap sa Inyong Wika

Release Date Release Number
014
Release Date:
October 25, 2021

NEW YORK – Nagbibigay ng serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon ang FEMA upang maabot at makipag-ugnayan sa mga nakaligtas sa sakuna na nagsasalita ng kaunting Ingles o hindi nagsasalita nito. Ang FEMA ay may mga tauhan at teknolohiya upang sumuporta sa pagbawi sa sakuna para sa mga taong bingi, may kahirapan sa pandinig o may kalabuan ang paningin.

Ang mga pagsasalin ay base sa Senso ng U.S. at iba pang pananaliksik na demograpiko.

Sa New York, ang mga nakasulat na serbisyong pagsasalin ay nagpapahintulot na maiparating ang mensahe sa 25 na mga wika: Albanian, Arabic, Bengali, Burmese, simplified Chinese, French, Greek, Gujarati, Haitian Creole, Hebrew, Hindi, Italian, Japanese, Kirundi, Korean, Malay, Polish, Portuguese, Russian, Spanish, Swahili, Tagalog, Urdu, Vietnamese at Yiddish.

Para sa sakuna ng Bagyong ida sa New York , nagpapaskil din ang FEMA ng mga paglabas ng balita at mga papel ng katotohanan sa 25 na wika sa kanilang website, fema.gov.

Kapag tumatawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362, ang mga gumagamit ng serbisyong Video Relay (VRS), serbisyong captioned telephone o iba pa ay dapat magbigay sa FEMA ng numero para sa serbisyong iyon. Ang mga operator sa Linya ng Tulong ay naroon mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi araw-araw. Pindutin ang 2 para sa Espanyol. Pindutin ang 3 para sa isang tagapagsalin sa iba pang mga wika.

Maaaring kayong bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna at makipagkita nang personal sa mga tauhan ng FEMA at mga kinatawan ng iba pang mga pederal at estadong ahensya na makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa pantulong sa sakuna. Ang mga tauhan ng FEMA ay sinanay na gumamit ng serbisyo para sa tagapagsalin.

Ang mga nakaligtas na maaaring may limitadong kahusayan sa Ingles ay papakitaan ng gabay para sa pagkilala ng wika na may pariralang “I speak... (Nagsasalita ako…)” sa 69 na wika. Ang mga nakaligtas sa sakuna ay maaaring magturo sa wikang naiintindihan nila, at ang mga kinatawan ng FEMA ay pwedeng kumonekta sa isang tagapagsalin na nagsasalita sa wikang iyon.

Ang mga nakaligtas sa sakuna na nakatira sa mga sumusunod na siyam na county ay hinihikayat na mag-apply para sa tulong sa sakuna: Bronx, Dutchess, Kings, Nassau, Queens, Richland, Rockland, Suffolk at Westchester.

Para sa pinakabago tungkol sa pagsisikap ng New York sa pagbawi sa sakuna, bumista sa fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa Twitter sa twitter.com/femaregion2 at facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong