Mga Madalas Itanong Tungkol sa Mga Sakuna

Nagbibigay ang pahina na ito ng mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa Indibidwal na Tulong para sa mga nakaligtas sa sakuna.

Mga Sagot sa Mga Madalas Itanong

Gamitin ang dropdown menu upang salain ayon sa uri ng katanungan o i-type ang isang keyword.

Ang pangunahing proseso ng deklarasyon ng sakuna ay nagsisimula kapag ang isang Gobernador ng estado o Punong Ehekutibo ng Tribo ay nagdeklara ng estado ng emerhensya at humiling ng tulong na pederal. Ang Gobernador o Ehekutibong Pinuno ng Tribo ay magsusumite ng kahilingan sa Pangulo, na may awtoridad na magdeklara ng isang malaking sakuna na may mga programang tulong pederal para sa mga indibidwal at pampublikong imprastraktura.

Kung hindi kasama ang iyong county, munisipalidad, o parokya sa unang deklarasyon, patuloy na sumubaybay dahil maaari itong idagdag sa ibang pagkakataon.

Kung kasalukuyang wala sa pederal na idineklarang lugar ang iyong lokasyon, maaaring makapag-apply ka pa rin online ngayon. Ang sistema ng online na aplikasyon ay hahayaan kang magpatuloy kung ang maagang pagpaparehistro ay bukas para sa iyong estado o county. Ipoproseso ang iyong aplikasyon kung idaragdag ang iyong county sa isang aktibong deklarasyon. 

Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong tanggapan ng pamamahala ng emerhensiya ng estadono upang iulat ang iyong pinsala. Para sa mga pang-emerhensyang pangangailangan, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong chapter na lokal ng American Red Cross 

Oo. Kakailanganin mong ibigay ang mga sumusunod:

  • Ang insurance settlement o isang liham ng pagtanggi o isang nakasulat at nilagdaang pahayag na nagpapaliwanag na wala kang medikal o dental na seguro.
  • Patunay na resulta ng sakuna ang gastusin (tulad ng medikal na pahayag, atbp.).
  • Mga naka-itemized na bayarin, resibo, o pagtatantya na nagpapakita ng mga gastusin sa medikal at dental.

Có.

  • Thuốc mới được kê toa liên quan đến chấn thương hoặc bệnh tật gây ra (hoặc trở nên tồi tệ hơn do) thảm họa là một chi phí hội đủ điều kiện.
  • Thay thế thuốc theo quy định bị mất hoặc hư hại trong thảm họa.

Ang isang karapat-dapat na medikal o dental na gastusin ay dapat resulta ng sakuna. Ang mga karapat-dapat na gastusin ay maaaring nauugnay sa:

  • Pinsala o sakit na dulot ng sakuna
  • Isang dating pinsala, kapansanan, o medikal na kundisyon na pinalala ng sakuna.
  • Papapalit ng iniresetang gamot.
  • Pagkawala ng o pagkasira sa medikal/dental na kagamitan o medikal na kinakailangang modified na sasakyan.
  • Pagkawala ng o pinsala sa nagseserbisyong hayop.

Mga aplikanteng may mga medikal o dental na gastusing dulot ng sakuna na walang seguro o kulang ang seguro. Maaaring karapat-dapat ka kung:

  • Ang iyong medikal o dental na gastusin ay direktang resulta ng sakuna.
  • Wala kang seguro o kulang ang seguro mo para sa medikal o dental na gastusin.

*Ang mga gastusing saklaw ng seguro o iba pang mapagkukunan ay hindi karapat-dapat para sa pagsasauli ng nagugol mula sa FEMA.

Kung hindi matitirhan ang iyong tirahan dahil sa sakuna at kinailangan mong ilipat ang iyong personal na ari-arian sa ibang tirahan o sa isang pasilidad ng pag-iimbak para maprotektahan ito laban sa karagdagang sira, maaari kang tulungan ng FEMA na bayaran ang iyong mga gastusin sa paglilipat at/o pag-iimbak.

Maaaring magbigay ng tulong sa paglilipat at pag-iimbak para sa:

  • Mga gastusin para sa komersyal na labor sa paglilipat
  • Bayarin sa pag-upa ng truck sa paglilipat
  • Gasolina para sa iuupang sasakyan
  • Mga gastusin para sa tape at mga kahon
  • Mga bayarin sa komersyal na storage unit, kabilang ang self-storage
  • Mga nauugnay na buwis sa pagbebenta

Maaaring magbigay ang FEMA ng pinansyal na tulong upang tumulong na bayaran ang iyong mga gastusin sa paglilipat at/o pag-iimbak.

Hindi. Kung ang Transisyonl na Tulong sa Kanlungan (Transitional Sheltering Assistance, TSA) ay inaprubahan ng iyong estado, teritoryo, o tribal na pamahalaan at nakumpleto mo ang isang aplikasyon para sa tulong sa kalamidad ng FEMA, isasaalang-alang ka para sa programa. Aabisuhan ka ng FEMA kung karapat-dapat ka para sa programa.

Ang mga aplikante ay maaaring maging karapat-dapat para sa Transisyonl na Tulong sa Kanlungan (Transitional Sheltering Assistance, TSA)— isang di-nagtitipon-tipon na paraan ng tulong—kung sila ay lumikas mula sa kanilang paninirahan bago ang kalamidad at sumilong sa mga lokasyon ng kanlungang pang-emerhensya.

Huling na-update