Florida Hurricane Nicole
Panahon ng Insidente: Nov 7, 2022 - Nov 30, 2022
Petsa ng Deklarasyon: Dec 13, 2022
Mga Mabilisang Link
- Mga dulugan sa pag-recover: Estado at Lokal | Nasyonal
- Kumonekta Social Media | Mobile App at Text
- 24/7 na pagpapayo: Helpline para sa Ligalig sa Sakuna
Higit Pa Tungkol sa Sakunang Ito
Sarado na Ngayon: Panahon para Mag-apply para sa Tulong sa Sakuna
Ang huling araw para ang mga indibiuwal at pamilya ay mag-a-apply para sa tulong makalipas ang sakunang ito. Hindi ka na makakapagsimula ng bagong paghabol.
Para suriin ang katayuan ng dating naisumiteng paghabol, pumunta sa DisasterAssistance.gov.
Nag-apply ako para sa Tulong Anong Susunod?
Makakatanggap ka ng mga sulat ng abiso mula sa FEMA alinman sa pamamagitan ng koreo ng Estados Unidos o sa pamamagitan ng elektronikong pagsusulatan. Maaaring kailanganin mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan o kumpletuhin ang isang inspeksyon sa bahay. Lahat ng mga inspeksiyon ay isasagawa sa telepono dahil sa COVID-19 at ang pangangailangang protektahan ang kaligtasan at kalusugan ng ating puwersa ng manggagawa at mga nakaligtas.
Mga Brochure ng "Tulong Matapos ang isang Sakuna"
sinalin sa 27 mga wika, ang brochure na "Tulong Pagkatapos ang isang Sakuna" ay isang tool na maibabahagi sa iyong pamayanan upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang mga uri ng tulong ng FEMA na maaaring magamit para suportahan ang mga indibiduwal at pamilya sa pagbawi sa sakuna.
Magbolutaryo at Mag-donate
Maaaring abutin ng maraming taon bago makabawi makalipas ang sakuna. Maraming paraan para tumulong tulad ng pag-donate ng cash, mga kailangan bagay o oras mo. Matuto pa tungkol sa kung paano tulungan ang mga nangangailangan.
Pagnenegosyo sa FEMA
Kung interesado ka sa pagbibigay ng mga bayad na serbisyo at goods para sa ginhawa sa sakuna, bumisita sa aming pahina ng Pakikipagnegosyo sa FEMA para magsimula.
Mga Lokal na Dulugan
Mga Lokal na Tanggapan
Lokal na Balita at Media
Visit the News & Media page for events, fact sheets, press releases and other multimedia resources.
Disaster Recovery Centers (DRC)
Ang mga naapektuhang nakaligtas mula sa mga inaprubahang mga nakatalagang probinsya ay maaaring bumisita sa pinakamalapit na DRC para sa suporta sa pag-apply para sa tulong. Ang mga kinatawan mula sa FEMA at U.S. Small Business Administration ay naroroon sa mga sentrong ito para ipaliwanag ang mga programa sa tulong sa sakuna, sumagot ng mga tanong tungkol sa nakasulat na komunikasyon at magbigay ng panulatan tungkol sa mga pagsasaayos at muling pagpapatayo para gawing mas matibay laban sa sakuna ang mga tahanan.
Ang mga residenteng dating nagparehistro para sa tulong ay hindi kailangan bumisita sa DRC, ngunit maaaring magtanong o humingi ng karagdagang impormasyon ng personal sa DRC bilang karagdagan sa pagdulog online o gamit ang telepono.
Pagkamamamayan at Kwalipikasyon sa FEMA
Ang FEMA ay nakatuon sa pagtulong sa lahat ng kwalipikadong mga nakaligtas sa sakuna upang makabangon mula sa Bagyong Ian, kabilang ang mga mamamayan ng U.S, mga hindi mamamayang lokal o mga kwalipikadong banyaga.
Paano Ako Makakapag-apela sa Panghuling Desisyon?
Kung ikaw ay nakatanggap ng liham na nagsasaad na ikaw ay hindi kwalipikado para sa tulong o ang iyong aplikasyon ay kulang, maaari mo pa ding kumpletuhin ang aplikasyon o i-apela ang desisyon sa loob ng 60 na araw ng pagtanggap ng liham ng desisyon. Ang liham ay maaaring ipapadala sa iyo o ilalagay sa iyong Disaster Assistance Center account, kung nakagawa ka ng account.
Matuto pa tungkol sa mga Apela
Mga Madalas na Itanong at mga Sabi-sabi
Matuto pa tungkol sa mga karaniwang sabi-sabing may kinalaman sa sakuna at paano mag-ulat ng pekeng balita. Maaari ka ding makakuha ng mga sagot sa mga madalas na itanong tungkol sa pang-emergency na matutuluyan, tulong para sa sakuna, insurance sa baha at marami pa.
Pag-verify sa Pagmamay-ari ng Bahay o Paninirahan
Kailangang i-verify ng FEMA kung nakatira kayo sa address sa inyong aplikasyon bilang inyong pangunahing tinitirahan bago magbigay ng halos lahat ng uri ng Tulong na IHP. Kailangan ding i-verify ng FEMA na kayo ang may-ari ng bahay bago magbigay ng Tulong sa Pagkukumpuni ng Tahanan o Pagpapalit.
Bilang bahagi ng aming pagsisikap na mapabilis ang proseso ng tulong sa sakuna at mabawasan ang hirap ng mga aplikante, sinusubukan naming i-verify ang paninirahan at pagmamay-ari sa pamamagitan ng paggamit ng atuomated na paghahanap sa mga pampublikong record.
Kapag hindi namin ma-verify kung saan kayo nakatira o kayo ang may-ari ng bahay na inyong inilista sa inyong aplikasyon, hihingan ka namin ng mga dokumento para mapatunayan ang inyong paninirahan at/o pagmamay-ari para matulungan kaming matukoy kung kwalipikado kayo para sa tulong.
Mga Obligasyon sa Pagpopondo
Indibiduwal na Tulong | Amount |
---|---|
Total Housing Assistance (HA) - Dollars Approved | $4,996,887.03 |
Total Other Needs Assistance (ONA) - Dollars Approved | $784,936.20 |
Total Individual & Households Program Dollars Approved | $5,781,823.23 |
Individual Assistance Applications Approved | 1859 |
Pampublikong Tulong | Amount |
---|---|
Total Public Assistance Grants Dollars Obligated | $2,668,581.37 |
Hazard Mitigation Assistance | Amount |
---|---|
Hazard Mitigation Grant Program (HMGP) - Dollars Obligated | $1,231,448.20 |