Pagkatapos ng kalamidad, ang mga manloloko, mga magnanakaw ng pagkakakilanlan at iba pang mga kriminal ay madalas na nagtatangkang samantalahin ang mga nakaligtas sa kalamidad. Hinihikayat namin ang mga nakaligtas na bantayan at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad.
Mag-ingat sa Panloloko at Pandaraya
Protektahan ang iyong pagkakakilanlan at manatiling may kaalaman sa pamamagitan ng paggawa ng mga madaling bagay na ito:
- Ang DHS, FEMA, SBA at iba pang ahensyang pederal ay hindi ka kailanman sisingilin ng para sa tulong sa kalamidad.
- Palaging hilingin na makita ang I.D. Ang mga tauhan ng FEMA ay palaging mayroong opisyal na badge ng pagkakakilanlan.
- Huwag mag-alok ng anumang personal na impormasyon maliban kung nakikipag-usap ka sa isang na-verify na kinatawan ng FEMA.
- Manatiling nakatutok sa pinagkakatiwalaang lokal na media para sa mga update mula sa iyong mga lokal na opisyal tungkol sa pandaraya at sa kalamidad at mga panloloko.
- Magtanong sa lokal na tagapagpatupad ng batas upang matiyak na protektado ang iyong pagkakakilanlan.
Iulat ang mga Panloloko at Pandaraya

Makipag-ugnayan sa FEMA Fraud Investigations at Inspections Division
Email:
StopFEMAFraud@fema.dhs.gov
Telepono: 866-223-0814
Fax: 202-212-4926
Mail:
Mail:
400 C Street S.W.
Suite 7SW-1009
Mail Stop 3005
Washington D.C., 20472-3005
- Makipag-ugnayan sa iyong state consumer protection offices.
- Iulat ang katiwalian, pandaraya, pag-aaksaya, pang-aabuso, maling pamamahala o maling pag-uugali sa DHS Office of the Inspector General.
- Magsampa ng reklamo sa National Center for Disaster Fraud.
- Bisitahin ang IdentityTheft.gov upang mag-ulat at makabangon mula sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
FAQ ng Karaniwang Panloloko sa Kalamidad
Ang inspektor ng FEMA ay dumating sa aking tahanan, ngunit hindi ako nag-apply para sa tulong ng FEMA. Ano ang aking gagawin?
Ipaalam sa inspektor na hindi ka nag-apply para sa tulong. Kung umalis na ang inspektor, tawagan ang helpline ng FEMA sa 800-621-3362 para sabihin sa kanila na hindi ka nag-apply. Ihihinto ng FEMA ang lahat ng karagdagang pagproseso para sa aplikasyon.
Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, gaya ng iyong videophone, Innocaption o CapTel, mangyaring ibigay ang iyong partikular na numero na nakatalaga sa serbisyong iyon.
Mahalagang makontak ka ng FEMA, at dapat mong malaman na ang mga tawag sa telepono mula sa FEMA ay maaaring magmula sa hindi kilalang numero.
Maaari ka ring tulungan ng mga operator kung nais mong gumawa ng bagong aplikasyon para mag-apply sa tulong ng FEMA.
Ang mapanlinlang na aplikasyon ng FEMA ay maaaring sinyales ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Para sa impormasyon sa pagtugon sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan, bisitahin ang Identity Theft | FTC Consumer Information at IdentityTheft.gov.
Huwag makipag-ugnayan sa FEMA Fraud Investigations at Inspections Division, DHS Office of Inspector General, o sa National Center for Disaster Fraud para sa layunin ng pag-uulat ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan.