BRANDON, Fla. – Nais paalalahanan ng FEMA ang mga nakaligtas na dalawa o higit pang mga sakuna ang idineklara sa parehong estado. Tinitiyak ng FEMA na matatanggap ng mga nakaligtas ang lahat ng nararapat na tulong habang iniiwasan ang pagkakadoble ng mga pederal na benepisyo. Isang paraan para maisakatuparan ito ng ahensya ay ang pag-aatas ng magkahiwalay na aplikasyon para sa bawat sakuna. Kung nasira o nawala ang iyong ari-arian mula sa Bagyong Ian at muli mula sa Bagong Nicole, kakailanganin mong kumpletuhin ang dalawang magkahiwalay na aplikasyon para sa tulong sa sakuna.
Ang mga may-ari ng tirahan at nangungupahan ay makakapag-apply hanggang Enero 12, 2023 para sa pagkawala o pagkasira ng ari-arian na dulot ng Bagyong Ian; ang mga may-ari ng tirahan at nangungupahan ay makakapag-apply hanggang Pebrero 13, 2023 para sa pagkawala o pagkasira ng ari-arian na dulot ng Bagyong Nicole.
Ang mga nakaligtas na may pagkasira o pagkawalang idinulot ng alinman sa mga bagyong ito ay maaaring mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna sa ilang paraan:
- Tawagan ang FEMA Helpline sa 800-621-3362. Makakahingi ng tulong sa karamihan sa mga wika. Bukas ang mga libreng numero araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET
- Pumunta online sa DisasterAssistance.gov (sa Espanyol din)
- I-download ang FEMA mobile app (sa Espanyol din)
- Bisitahin ang isang Disaster Recovery Center (Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna). Mahahanap mo ang kalapit na center sa mga lokasyon ng disaster recovery center
Maaaring kasama sa tulong mula sa FEMA ang mga gawad para sa pansamantalang pabahay habang hindi mo pa kayang manirahan sa iyong tahanan, tulad ng pansamantalang tulong sa pabahay o pagbabalik ng mga ginastos sa hotel para sa mga may-ari ng tirahan at nangungupahan; mga gawad para suportahan ang pagpapaaayos o pagpapalit sa mga tahanang inookupahan ng may-ari na nagsisilbi bilang pangunahing tirahan ng sambahayan, kabilang ang mga madadaanang ruta na pribadong pagmamay-ari, tulad ng mga driveway, kalye, o tulay; at mga gawad para sa mga gastos at matitinding pangangailangan na dulot ng sakuna, tulad ng pagpapaayos o pagpapalit sa personal na ari-arian at sasakyan, mga pondo para sa paglipat at pag-iimbak, medikal, para sa ngipin, pagpapaalaga sa anak at iba pang mga bagay na paunang inaprubahan.
Kailangang magpanatili ang mga aplikante ng napapanahong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa file ng FEMA dahil maaaring kailanganin ng ahensya na mag-iskedyul ng inspeksyon sa tahanan o kumuha ng karagdagang impormasyon.
Ang tulong sa sakuna ay hindi pamalit sa insurance at hindi maaaring maging kompensasyon para sa lahat ng pagkawala na dulot ng sakuna. Nilalayon ang tulong para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at suplementuhan ang mga pagsusumikap para makabangon sa sakuna.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian at Nicole, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov. Sundan ang FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at at facebook.com/fema.