SACRAMENTO, Calif. – Ang Sentro ng Rehistrasyon sa Pagkuha sa Mobil ng FEMA ay bukas na sa Covelo sa Biyernes, Dis. 4, hanggang sa Linggo, Dis. 6, upang maglingkod sa mga nakaligtas sa sunog sa Lalawigan ng Mendocino.
Ang sentro ng pagkuha ay bahagi ng misyon ng pagtugon at pagbawi ng FEMA at ng estado ng California upang matulungan ang mga nakaligtas ng impormasyon sa sakuna.
Ito ay nakaluklok sa Round Valley Public Library, 23925 Howard St., Covelo CA 95428. Ito ay magbubukas simula 9 ng umaga hanggang 4 ng hapon Biyernes, Dis. 4, Sabado, Dis. 5, at Linggo, Dis. 6.
Ang sentro ay isang pansamantalang lugar upang suportahan ang mga nakaligtas ng impormasyon tungkol sa sakuna. Ito ay nag-aalok ng mapagpipiliang pagkakataon para sa mga nakaligtas na magparehistro, lalo na sa mga hindi makakakuha ng internet o serbisyo ng telepono.
Ang mga nakaligtas ay maaari ring makapagparehistro sa FEMA sa isa sa tatlong mga paraan:
- Sa online sa DisasterAssistance.gov;
- Sa pag-download ng FEMA app sa isang smartphone o tablet; o
- Sa pagtawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) sa pagitan ng 7 ng umaga at 8 ng gabi PST. Ang mga gumagamit ng isang relay service gaya ng isang videophone, Innocaption o CapTel, ay dapat magbigay sa FEMA ng isang partikular na numero na nakatalaga sa serbisyo noong sila ay nagparehistro.
- Ang tauhan ng helpline ay maaari ring tumugon sa ga katanungan tungkol sa mga aplikasyon na naibigay na.
- Ang huling araw ng pagpaparehistro para sa tulong sa ilalim ng DR-4558 ay Dis. 11, 2020.
Ang rehistrasyon ay nagbibigay-daan sa FEMA upang malaman ang pagiging karapatdapat ng mga residente para sa tulong pinansyal na maaaring kasama na ang upa, pag-aayos ng bahay, pagpapalit ng bahay at iba pang malubhang mga pangangailangan gaya ng pag-aalaga sa bata, transportasyon at mga gastos pang-medikal, pagpapalibing o pang-ngipin.
Para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa pagbawi sa sunog, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4558. Sundan ang FEMA Region 9 Twitter account sa twitter.com/femaregion9.
###