Bagong Pagbubukas ng Sentrong Pagbangon sa Sakuna sa Brevard County; Tatlong mga Sentro ay Magsasara

Release Date Release Number
DR-4673-FL NR-068
Release Date:
Disyembre 16, 2022

BRANDON, Fla. – Ang Brevard County ay magkakaroon ng bagong sentrong pagbangon sa sakuna na matatagpuan sa Sentrong Pang-agrikultura sa Cocoa, Florida.

Ang sentrong ito na nasa 3695 Lake Drive, Cocoa FL, 32926 ay magbubukas sa Linggo, Dis. 18 mula ika-9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi araw-araw, maliban kung Linggo na ito ay sarado, Dis. 25 at Linggo, Ene. 1.

Tatlong sentrong pagbangon sa sakuna ang mahihinto ang mga operasyon sa Biyernes, Disyembre 16 sa ika-6 ng gabi.

Ang mga sentrong ito ay ang:

  • Okeechobee County - Okeechobee County Library, 206 SW 16th Street, Okeechobee, FL 34974
  • Pinellas County - Lealman Exchange, 5175 45th St N, St. Petersburg, FL  33714
  • Brevard County - Cuyler Park Community Center, 2331 Harry T. Moore Ave., Mims, FL 32754

Matapos ng pagsara ng mga sentrong ito, ang mga nakaligtas na apektado ng Hurrican Ian ay maaari pa ring magrehistro para sa tulong, makakuha ng bagong impormasyon tungkol sa applications, matuto tungkol sa proseso ng mga apila o magsuri ng kanilang aplikasyon sa mga sumusunod na paraan:

Para makita ang isang accessible video tungkol sa kung paano mag-aplay, magsadya sa: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube.

Nagbibigay ang mga Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng state of Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.). Makakukuha ng tulong ang mga nakaligtas sa sakuna sa pag-aplay para sa tulong ng pederal at mga pautang sa kalamidad, mag-update ng mga aplikasyon at matuto tungkol sa iba pang magagamit na mapagkukunan.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/disaster/4673. Sundan sa FEMA Rehiyon 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

###

Tags:
Huling na-update