NEW YORK -- Habang nagsisimulang matanggap ng mga nakaligtas sa sakuna ang mga pondo para sa tulong para sa paupa, pagpaayos ng mga tahanan, o iba pang mga kategorya ng tulong, mapanatag na ang mga tulong pampederal para sa sakuna ay walang-buwis. Ang sulat na abiso ng FEMA ay magpapabatid sa iyo ng wastong paggamit ng mga pondo sa tulong pang-sakuna. Hinihimok ng FEMA na gamitin mo ang pondo ayon sa nakasaad sa sulat ng kaloob at para lamang sa mga gastusing pang-sakuna.
Ito ang ilan sa mga tip na makakatulong:
Ang FEMA ay magpapadala sa iyo ng sulat na abiso na magsasabi sa iyo kung anu-ano ang mga uri ng tulong na ikaw ay karapat-dapat na makatanggap at ang mga halaga ng mga tulong na ibibigay ng FEMA para sa bawat karapat-dapat na pangangailangan. Maaaring kasama ang mga ito:
- Pagpaayos ng tahanan (hal. Istruktura, tubig, mga sistema ng poso negro).
- Tulong para sa paupa sa ibang lugar para mamalagi ng pansamantala.
- Pagpaayos o pagpalit ng nasirang pangunahing sasakyan.
- Mga medikal na gastusing hindi sakop ng Seguro na inabonohan para sa isang natamong pinsala dulot ng sakuna.
- Pagpaayos o pagpalit ng mga espesyal na kagamitan sa pang-hanapbuhay.
- Mga mahahalagang kagamitang pang-edukasyon na may kaugnayan sa sakuna at iba pang mga gastusing dulot ng sakuna.
- Mga panggastos sa paglilipat at pag-iimbak na may kaugnayan sa sakuna at iba pang mga gastusin na dulot ng sakuna.
Ikaw ay maaaring gumastos ng tulong ng FEMA sa pamamaraang makakatulong upang maging ligtas ang iyong tahanan, malinis at angkop na tirhan. Tandaan na idokumento kung paano mo ginamit ang mga pondo sa sakuna at itago lahat ng mga resibo sa kahit man lamang na tatlong taon para sa pagpapatunay kung paano mo ginugol ang pera.
Ang mga kaloob sa sakuna ay hindi para sa regular na gastusing pang-araw-araw, katulad ng mga utilities, pagkain, medikal o dental na bayarin, paglalakbay, pang-libangan, o kahit ano pang mga gastusin na pinagpasyahan na walang kaugnayan sa sakuna.
Pinagbabawal ng batas-pederal na kopyahin ang mga tulong mula sa ibang mga pagmumulan.
Maaari kang mag-apply para sa tulong ng FEMA sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang mobile app ng FEMA o tumawag sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362 (711/VRS). Bukas ang mga linya mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi araw-araw, at ang mga operator ay maaaring kumonekta sa iyo sa isang espesyalista na nagsasalita ng iyong wika. Kung ikaw ay gumagamit ng serbisyong relay gaya ng serbisyong video relay, serbisyong captioned telephone at iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.
Para sa referral sa mga ahensyang sumusuporta sa pangangailangang pang-komunidad, makipag-ugnayan sa iyong pinakamalapit na sentro ng 211Counts sa https://www.211nys.org/contact-us. Sa lungsod ng New York, tumawag sa 311. Para sa labas na purok, tumawag sa 211.
Para sa opisyal na impormasyon tungol sa pagsisikap sa pagbawi matapos ang bagyo, mangyari lamang na bumisita sa https://www.fema.gov/disaster/4615. Sundan ang Twitter account ng Rehiyon 2 ng FEMA sa twitter.com/femaregion2 at sa www.facebook.com/fema.