Pagsusumikap sa at Pagkamit ng Isang Permanenteng Plano ng Pabahay

Release Number:
FS-058
Release Date:
Mayo 22, 2025

Hinihikayat namin ang mga indibidwal at pamilya na magpatuloy sa pagkamit sa kanilang permanenteng plano ng pabahay. Ang regular na pagsulong sa kanilang plano ay makakatulong sa kanila na manatili sa pabahay ng FEMA hanggang matugunan ang kanilang pangmatagalang layunin sa pabahay.

Habang patuloy na bumabangon ang mga nakaligtas sa sunog, narito ang FEMA upang suportahan ang kanilang pansamantalang pangangailangan sa pabahay at matulungan ang kanilang paghahanap ng permanenteng pabahay. Ang lahat ng mga nakaligtas na tumatanggap ng Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay mula sa FEMA ay dapat magtatag ng permanenteng plano ng pabahay. Sa kanilang regular na naka-iskedyul na buwanang pagpupulong ng Recertification, ang mga nakaligtas ay dapat magpakita ng pagsulong patungo sa kanilang permanenteng plano ng pabahay 

Ang mga pansamantalang programa ng FEMA ay dinisenyo upang matulungan ang mga sambahayan sa kanilang pinaka-kritikal na oras ng pangangailangan upang mas madali nilang mailayag ang daan patungo sa pagbangon at makakuha ng permanenteng pabahay. Ang “permanenteng pabahay” ay tumutukoy sa mapagpipiliang pabahay na pinili ng mga nakaligtas kapag lumipat sila sa programa ng Direct Temporal Housing Assistance ng FEMA.

Ang isang permanenteng plano ng pabahay ay dapat maging makatotohanan at makakamit sa loob ng isang makatwirang timeframe at dapat sinasalamin ang sitwasyon sa pabahay ng nakaligtas bago ang sakuna. Kasama sa isang makatwirang timeframe ang sapat na oras para sa pagkuha ng mga pondo, paghahanap ng permanenteng tirahan, at paglipat sa tirahan na iyon.

Ang mga sambahayan na walang plano, o nagbago ang mga layunin, ay bibigyan ng impormasyon at tool upang matulungan silang makahanap ng magagamit na pabahay. Ang Recertification Advisors ay maaaring magbigay ng mga listahan ng mga potensyal na permanenteng pagpipilian sa pabahay sa Maui at maaring makakatulong sa mga nakaligtas na magtakda ng makatotohanang mga layunin na naaayon sa kanilang kakayanang pinansyal.

Bilang kinakailangan ng Direct Temporary Housing Assistance Program ng FEMA, dapat magbigay ng katibayan ang mga naninirahan ng mga hakbang na kanilang ginagawa upang makakuha ng permanenteng pabahay. 

Maaaring kabilang sa mga paraan upang ipakita ang pagsulong sa permanenteng pabahay ang: 

  • Nangangako at nagsisimula na ayusin o muling itayo ang kanilang tahanan bago ang sakuna, paghahanap at pagbili ng bagong tirahan, o paghahanap at pag-upa sa magagamit na rental yunit.
  • Pagbibigay ng katibayan ng pagsulong — tulad ng mga invoice para sa pag-aayos, kontrata para sa muling pagtatayo o isang kasunduan sa pag-upa para sa isang bagong tahanan—o nagpapakita na ang mga pagkaantala ay wala sa kanilang kontrol.
  • Pagkamit ng pangmatagalang layunin ng plano sa pabahay sa isang makatwirang time frame.
  • Pagtupad ng mga kahilingan upang makipag-usap at makipagkita sa FEMA Recertification Advisors nang regular.

Inaasahan ng FEMA ang lahat ng tumatanggap ng tulong na makakuha at magkaroon ng permanenteng pabahay sa pinakamadaling panahon. Ang patuloy na tulong ay batay sa pangangailangan at kung magagamit o maaaring makamit ang isang mahusay na permanenteng pagpipilian sa pabahay. 

Pinapayuhan ang lahat ng mga tumatanggap na itabi ang LAHAT ng mga resibo, nakansela na tseke at money order na nagpapakita ng wastong paggamit ng FEMA Repair Funds at nakaraang Rental Assistance.

Ang pagpapanatili ng bukas na komunikasyon at pakikipagtulungan sa FEMA ay mahalaga upang patuloy ang pagtanggap ng tulong kung kinakailangan at maaaring mapagaan ang mga paghihirap sa pagkuha ng permanenting pabahay. Dapat manatiling nakikipag-ugnayan sa kanilang Recertification Advisors at gamitin ang mga ito bilang isang mapagkukunan kapag naghahanap ng permanenteng pabahay. Maaari ring tumawag ang mga nakaligtas sa Hotline ng Individual Assistance Housing sa 808-784-1600 o sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. 

Bisitahin ang staff ng FEMA nang personal sa:

  • Konseho para sa Native Hawaiian Advancement, Kākoʻo Maui Relief & Aid Services Center na matatagpuan sa 153 E Kamehameha Ave., Suite 101 sa Kahului. Ang mga oras ay 9 ng umaga hanggang 5 ng gabi Lunes hanggang Biyernes.
  • Opisina ng Pagbawi ng Maui County sa Lahaina Gateway na matatagpuan sa 325 Keawe St. sa Lahaina, sa tabi ng Ace Hardware Store. Ang mga oras ay 8 ng umaga hanggang 4 ng gabi Lunes hanggang Biyernes.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap sa pagbawi ng Maui wildfire, bisitahin ang mauicounty.govmauirecovers.orgfema.gov/disaster/4724 at Hawaii Wildfires - YouTube. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga application sa sba.gov/hawaii-wildfires

Tags:
Huling na-update