HONOLULU – Magsasara ang Center ng Pagbangon mula sa Sakuna ng Upcountry Maui sa 6 p.m. Martes, Oktubre 31, ngunit ang mga espesyalista ng FEMA ay available pa rin upang tumulong sa iyong mga aplikasyon at idirekta ka sa mga programa ng tulong na pang-lokal, pang-estado at pang-pederal.
Ang lokasyon ng center ng Upcountry:
Mayor Hannibal Tavares Community Center (Lower Multi-Purpose Room)
91 Pukalani Street
Makawao, HI 96768
Oktubre 28: 8 a.m. hanggang 6 p.m.; sarado sa Oktubre 29
Oktubre 30—31: 8 a.m. hanggang 6 p.m.
Dalawang iba pang Center ng Pagbangon mula sa Sakuna ang nananatiling bukas sa Kahului at Lāhainā. Hanapin ang kanilang address sa fema.gov/DRC.
Sa Center ng Pagbangon mula sa Sakuna, ang mga nakaligtas sa malakas na hangin at wildfire noong Agosto 8 sa Maui ay puwedeng makakuha ng impormasyon o mga referral sa mga programang inaalok ng FEMA, Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos (U.S. Small Business Administration) at iba pang ahensya at organisasyon na pang-pederal, pang-estado at pang-lokal. Puwede mo ring alamin ang tungkol sa mga susunod na hakbang sa iyong pagbangon kahit na hindi mo kailangang bumisita sa isang center ng pagbangon (recovery center) upang mag-apply para sa tulong ng FEMA.
Kahit na may nakaiskedyul na pagsasara, isang tawag lang sa telepono ang tulong mula sa FEMA. Puwedeng makakuha ng mga sagot mula sa mga espesyalista sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Nakakapagsalita ng maraming wika ang mga operator at bukas ang mga linya mula 1 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo. Pindutin ang 2 para sa Spanish. Pindutin ang 3 para sa isang interpreter na nakakapagsalita ng iyong wika.
Mahalagang makipag-ugnayan sa FEMA kung babaguhin mo ang iyong address o numero ng telepono, kahit na pansamantala lamang. Ang nawawala o maling impormasyon ay puwedeng makaantala sa iyong pagbangon.
Ang deadline sa pag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA ay sa Huwebes, Nobyembre 9. Narito ang mga paraan sa pag-apply:
- Bisitahin ang DisasterAssistance.gov
- Gamitin ang mobile app ng FEMA; o
- Tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyong video relay, serbisyong teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-apply ka.
- Para sa video ng American Sign Language tungkol sa kung paano mag-apply, pumunta sa https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI&list=PL720Kw_OojlKOhtKG7HM_0n_kEawus6FC&index=6
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire ng Maui, bisitahin ang mauicounty.gov, mauirecovers.org at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires.