Puwede kang Mag-apply para sa Tulong ng FEMA kung Ang Iyong Tahanan ay isang Bangka

Release Date Release Number
29
Release Date:
October 27, 2023

HONOLULU – Kung isang bangka ang iyong pangunahing tirahan at napinsala ito bilang resulta ng mga wildfire noong Agosto 8 sa Maui, maaaring matulungan ka ng FEMA na mabawi ang ilan sa mga nawalang iyon.

Ang pagtira sa isang bangka ay may kasamang mga natatanging hamon. Ang mga permit sa pagtira sa bangka at mga bayarin sa pagparada, bayarin sa daungan at lugar saan nakatali ang bangka ay ilan lamang sa mga gastos na natatangi sa pangunahing tirahan ang isang bangka.

Upang makatanggap ng tulong sa sakuna ng FEMA, dapat maging handa kang ibigay ang pisikal at kumpletong address ng daungan o maliit na port (marina) at ang numero ng slip o numero ng lugar saan nakatali ang bangka kung ang bangka ay hindi matatagpuan sa pribadong propyedad. Ang hindi pagbibigay ng numero ng slip o numero ng lugar saan nakatali ang bangka ay maaaring magresulta sa pagkakaugnay ng iyong aplikasyon sa FEMA sa ibang bangka o mga bangkang nasa parehong address. Puwedeng magdulot ng mga pagkaantala sa pagproseso ng iyong aplikasyon ang pagkakamaling iyon.

Gayundin, hindi mo puwedeng gamitin ang isang post office box bilang iyong pangunahing address, ngunit puwede itong gamitin bilang isang mailing address.

Hinihikayat ang mga nakaligtas sa Maui na mag-apply para sa pang-pederal na tulong sa sakuna bago ang Huwebes, Nobyembre 9, kung ang iyong pangunahing tirahan ay ang isang bangka. Narito ang mga paraan sa pag-apply

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire ng Maui, bisitahin ang mauicounty.govmauirecovers.org at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires

Tags:
Huling na-update noong