NEW YORK – Habang pinapaayos at muling-pinapatayo ng mga mamamayan ng New York ang kanilang mga tahanan, nakipagtambal ang FEMA sa mga tindahan ng Lowe’s sa Staten Island upang magbigay ng libreng impormasyon at payo para gawing mas matatag at ligtas ang mga tahanang nasira ng mga natural na sakuna.
Ang mga espesyalista ng FEMA ay nakahanda sa mga lugar na nakalista sa ibaba upang sagutin ang mga katanungan at magbigay ng mga tip at pamamaraan pagpapatayo ng mga bahay na kayang labanan ang panganib para makatulong sa pag-iwas o pagbawas ng mga pagkasira sa mga sakuna. Karamihan ng impormasyon ay nakatuon tungo sa mga gawaing do-it-yourself (gawin-ng-sarili) at mga karaniwang kontratista.
Mayroong mga tagapagpayo ng Hazard Mitigation (Pag-iwas sa Panganib) ng FEMA sa Lunes, Okt.25 hanggang Sabado, Okt. 30:
Lowe’s
2171 Forest Ave.
Staten Island, NY 10303
Oras: 9 ng umaga hanggang 6 ng gabi
May mga libreng booklet na sanggunian na may impormasyon tungkol sa pagprotekta ng isang bahay mula sa pagkasira dahil sa pagbaha para sa mga nakaligtas. Makakakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagprotekta ng pag-aari sa https://www.fema.gov/emergency-managers/risk-management.
Para sa pinakabago tungkol sa pagsisikap ng New York para sa pagbawi sa Bagyong Ida, bumisita sa fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa Twitter sa twitter.com/femaregion2 at www.facebook.com/fema.