Fact Sheet: Proseso ng Direktang Rebokasyon sa Pabahay

Release Number:
FS-057
Release Date:
Mayo 6, 2025

Ang lahat ng mga okupante ng Direct Housing ay dapat magbayad ng buwanang renta sa FEMA, regular na i-update ang FEMA sa pagsulong ng kanilang permanenteng plano sa pabahay at patuloy na tugunan ang iba pang pamantayan upang manatili sa yunit. Maaaring ipawalang saysay ng FEMA ang isang Direct Housing unit kung lumalabag ang isang okupante sa mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat.

  • Magbibigay ng abiso ang FEMA sa mga okupante ng Direct Housing na lumalabag sa pangkalahatang pag-uugali o sa pagiging karapat-dapat sa programa bago ipawalang saysay ang yunit.
  • Maaaring magkaroon ng mga pagkakataon ang mga okupante na ayusin ng ilang mga paglabag at manatili sa programa.

Inilalarawan sa ibaba ang proseso ng rebokasyon:

  • 15-araw na abisong babala para sa mga okupante na lumabag sa pangkalahatang pag-uugali o sa pagiging karapat-dapat sa programa: Bibigyan ng FEMA ang mga okupante ng isang abiso na naglalarawan ng mga paglabag na dapat nilang itama sa loob ng 15 araw upang manatili sa programa. Ang mga abiso ay ihahatid nang personal o sa pamamagitan ng mail.
  • Ang paglabag sa pangkalahatang sa pag-uugali ay maaring kabilang ang ngunit hindi limitado sa:
    • Labis na pag-iingay
    • Paggambala sa kapayapaan
    • Nakawala o palaboy na mga alagang hayop
    • Pinsalang hindi na makukumpuni
    • Hindi nililinis ang loob at labas ng yunit
    • Hindi sumusunod sa mga patakaran at kundisyon ng Kilohana Group Site
    • Hindi sumusunod sa mga patakaran at kundisyon ng Direct Lease Property
    • Pinapayagan ang mga okupante na hindi nakalista sa kasunduan sa pag-upa na manatili sa yunit
  • Mga paglabag sa pagiging karapat-dapat sa programa ay maaring kabilang ngunit hindi limitado sa:
    • Hindi isinusumite ang iyong bayad sa renta sa FEMA
    • Hindi regular na nakikipagkita sa FEMA
    • Hindi nakikipag-ugnayan sa FEMA Recertification Advisor
    • Hindi nakikipag-ugnayan sa PMI para sa mga isyu sa pagpapanatili
    • Hindi sumusulong na permanenteng mga plano sa pabahay sa isang makatwirang panahon
    • Hindi nagbibigay ng dokumentasyon ng progreso patungo sa permanenteng plano sa pabahay
  • Ang mga okupante na gumagawa ng matinding paglabag ay maaaring makatanggap ng mas mababa sa isang 15-araw na babala.

    Kasama sa mga halimbawa ngunit hindi limitado sa:

    • Kriminal na aktibidad
    • Mga aktibidad na lumilikha ng malubhang panganib sa kalusugan
    • Banta sa kawani ng FEMA 

Anumang labag sa batas o ilegal na aktibidad

  • Abiso ng Pagwawakas: Pagkatapos ng babala, maglalabas ang FEMA ng abiso na nagtatapos sa pagiging karapat-dapat para sa Direct Temporary Housing Assistance para sa mga okupante na hindi itinama ang mga paglabag. Ang mga abiso ay naihatid nang personal o sa pamamagitan ng sertipikadong mail at kasama ang impormasyon tungkol sa:
    • Petsa na dapat nilang iwanan ang yunit
    • Mga bayarin sa penaltiya (maaaring tumukoy sa US Treasury para sa koleksyon)
    • Mga dahilan para sa pagkawala ng kanilang pagiging karapat dapat sa Direct Housing
    • Paano mag-apela
  • Abiso ng Pagsasauli: Panghuli, makakatanggap ang mga naninirahan ng abiso na umalis sa Direct Housing unit kung nanatili sila pagkatapos sa araw na dapat silang lumikas.

Mahigit sa 800 na kabahayan ang nananatili sa FEMA Direct Housing. Patuloy na sinusuportahan ng FEMA ang mga karapat-dapat na naninirahan sa kanilang patuloy na pangangailangan para sa mga pansamantalang yunit habang gumagawa sila patungo sa permanenting pabahay.

Ang mga okupante ng Direct Housing na may mga katanungan tungkol sa proseso ng rebokasyon o iba pang mga isyu ay dapat tumawag sa kanilang recertification advisor ng FEMA. Maaari rin silang tumawag sa Indibidwal Assistance Housing Hotline sa 808-784-1600

Tags:
Huling na-update