Sino ang nararapat?
Ano ang nasasaklawan?
Ano ang kailangan?
Paano ito gumagana?
Kung sinasaklawan mo ang gastos sa pagpapalibing para sa COVID-19, maaaring makatulong ang FEMA.
Maaari kang maging kuwalipikaso ng hanggang $9,000 sa bawat pagpapalibing para sa mga gastos.
Tumawag sa 844-684-6333
Lunes-Biyernes
9 a.m. hanggang 9 p.m. Eastern Time
May mga serbisyo para sa maraming wikang magagamit
Kung gumagamit ka ng serbisyong relay, mangyaring ibigay sa FEMA ang partikular na numerong nakatalaga sa iyo para sa serbisyo para makapag-follow up kami sa iyo tungkol sa aplikasyon mo.
Sino ang nararapat?
Maaaring magbigay ang FEMA ng Tulong sa Pagpapalibing para sa COVID-19 sa iyo kung:
- ikaw ay mamamayan ng U.S., hindi mamamayang nasyonal, o kuwalipikadong hindi mamamayan.
- naganap ang pagkamatay sa Estados Unidos, kabilang ang mga teritoryo ng U.S. at ang Distrito ng Columbia, sa o makalipas ang Enero 20, 2020;
- ang pagkamatay ay sinisi sa COVID-19; at
- responsable ka para sa mga nararapat na gastos sa pagpapalibing na ginasta sa o makalipas ang Enero 20, 2020
Ano ang nasasaklawan?
Maaaring aprubahan ng FEMA ang Tulong sa Pagpapalibing para sa COVID-19 para sa mga gastos na tulad ng:
- mga serbisyong pagpapalibing
- cremation
- interment
- transportasyon ng hanggang dalawang tao para kilalanin ang taong namatay
- paglipat ng mga labi
- ataol o urn
- libingan
- marker o lapida
- pariseremonya ng paglibing
- kagamitan ng punerarya o kawani
- gastos na kaugnay na paggawa ng mga sertipiko ng pagkamatay
- mga gastos para sa mga batas o ordinansiya ng lokal o estadong pamahalaan
Para matuto pa at simulan ang aplikasyon, tumawag sa 844-684-6333.
Ano ang kailangan?
Dapat kayong magbigay sa FEMA ng kopya ng opisyal na sertipiko ng pagkamatay na nagpapakita na ang pagkamatay ay naganap sa Estados Unidos, kabilang ang mga teritoryo ng U.S. at Distrito ng Columbia, naganap makalipas ang Enero 20, 2020, at inuugnay sa COVID-19.
Kung ang sertipiko sa pagkamatay ay ibinigay sa pagitan ng Enero 20 at Mayo 16, 2020, ito ay maaaring alinman sa 1) iugnay an gpagkamatay nang direkta o hindi direkta sa COVID-19 o 2) masamahan ng nilagdaang pahayag mula sa orihinal na nagsertipika ng sertipiko ng pagkamatay, o ang lokal na medical examiner o coroner mula sa hurisdiksiyon kung kailan naganap ang pagkamatay, nililista ang COVID-19 bilang dahilan o nag-ambag na dahilan ng pagkamatay. Ang nilagdaang pahayag na ito ay dapat magbigay ng karagdagang paliwanag o dahilang paraan, inuugnay ang dahilan ng pagkamatay na nakalista sa sertipiko ng pagkamatay sa COVID-19.
You Dapat mong bigyan ang FEMA ng nilagdaang kontrata ng punerarya, invoice, mga resibo, o ibang dokumentasyon na kasama ang:
- iyong pangalan, pinapakita na responsable ka para sa ilan o lahat ng gastos
- ang pangalan ng taong namatay
- mga inisa-isang gastos
- katibayan na ang mga gastos ay ginawa sa o makalipas ang Enero 20, 2020
Para matuto pa o simulan ang aplikasyon, tumawag sa 844-684-6333.
Paano ito gumagana?
- Para mag-apply, tumawag sa 844-684-6333 ng toll-free sa pagitan ng 9 a.m. hanggang 9 p.m. Eastern Time, Lunes-Biyernes. Kukunin ng mga kinatawan ng FEMA ang aplikasyon mo, at may mga serbisyo para sa maraming wikang magagamit. Ang mga aplikasyon para sa Tulong sa Pagpapalibing para sa COVID-19 ay dapat makumpleto kasama ang kinatawan ng FEMA; hindi ka maaaring mag-apply online. Aabutin ng mga 20 minuto para mag-apply, at dapat kang magbigay ng:
- Iyong Social Security number at petsa ng kapanganakan
- Social Security number at petsa ng kapanganakan ng taong namatay
- Ang kasalukuyan mong mailing address at numero ng telepono
- Ang address kung saan namatay ang indibiduwal
- Kung ang taong namatay ay may insurance policy para sa pagpapalibing o paglibing
- Kung nakatanggap ka ng ibang tulong sa paglibing (tulad ng mga donasyon, mga CARES Act grant, tulong ng estado/teritoryo, o tulong mula sa mga boluntaryong organisasyon)
- Kung nais mong maihatid ang mga nararapat na pondo sa pamamagitan ng direktang deposito, ang numero ng pagruruta at account ng iyong checking o savings account.
- Matapos kang mag-apply, bibigyan ka ng FEMA ng numero ng aplikasyon, at maaari kang gumawa ng account sa DisasterAssistance.gov.
- Dapat kang magsumite ng mga pangsuportang dokumento (hal., mga kontrata ng punerarya, mga resibo, mga invoice, sertipiko ng pagkamatay) sa pamamagitan ng:
- pag-upload sa iyong DisasterAssistance.gov account
- i-fax sa 855-261-3452
- i-mail sa: P.O. Box 10001, Hyattsville, MD 20782.
- Kaag natanggap ng FEMA ang lahat ng mga kailangang dokumento, aabutin ng mga 45 araw para gumawa ng pagpasya sa pagiging nararapat.
- Kung aprubahan ng FEMA ang aplikasyon mo para sa Tulong sa Pagpapalibing para sa COVID-19, idedeposito ang mga pondo sa accoung mo sa bangko o ipinadala sa pamamagitan ng mail sa anyo ng tseke ng Department of the Treasury, depende kung aling opsiyon ang pinili mo sa iyong aplikasyon. Ang mga pondo ay karaniwang dumarating sa loob ng ilang araw ng pag-apruba, at makakatanggap ka ng abisong liham.
Mga tanong?
Makakakuha ka ng mga sagot sa maraming mga karagdagang tanong sa mga pahina ng FAQ sa Tulong sa Pagpapalibing.
Tumawag sa 844-684-6333
Lunes-Biyernes
9 a.m. hanggang 9 p.m. Eastern Time
May mga serbisyo para sa maraming wikang magagamit
Kung gumagamit ka ng serbisyong relay, mangyaring ibigay sa FEMA ang partikular na numerong nakatalaga sa iyo para sa serbisyo para makapag-follow up kami sa iyo tungkol sa aplikasyon mo.