Isang Buwan Pagkatapos ng Bagyong Helene, Ang Pagbawi ay Nagpapatuloy

Sa nakalipas na buwan, ang FEMA at ang mga tao mula sa buong bansa ay nagsama-sama upang suportahan ang mga komunidad na naapektuhan ng Bagyong Helene. Mula sa mga nonprofit at mga organisasyong nakabatay sa pananampalataya hanggang sa mga opisyal ng gobyerno, mga indibidwal at pribadong sektor, ang pagtugon ay isang kabuuang pagsisikap ng komunidad.

Ang ating magkakabahaging layunin ay ang maibalik ang mga tao sa kanilang mga sariling kakayahan at itaas sila para magtagumpay. Sasamahan natin sila hangga’t kinakailangan. 

Narito kung gaano kalayo na ang narating natin.

Sa pamamagitan ng mga Numero

Graphic
by the numbers graphic for hurricane helene

Mula nang magsimula ang mga pagsisikap sa pagtugon, nagbahagi na kami ng mahigit sa 5,000 mga tauhan upang suportahan ang mga naapektuhang lugar. Ang ilan sa mga tauhang ito ay nailagay sa Mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna, na malapit sa mga naapektuhang mga lugar. Ang mga sentrong ito ay nagbibgay sa mga nakaligtas nang personal na tulong sa mga aplikasyon sa tulong sa sakuna. Ang mga tauhan ng FEMA ay nagpupunta sa bawa’t pinto na nag-aalok na sagutin ang mga tanong at para tumulong sa proseso ng aplikasyon sa FEMA.

Ang mga katuwang ng FEMA sa estado, lokal, tribo at industriya ay sama-samang nagtutulungan upang maibalik ang 99% na pagkawala ng kuryente. Sinigurado namin na ang mga taong nawalan ng kanilang mga tahanan ay mayroong masisilungan. Tinulungan namin ang daang-daang libo na mga tao na nag-apply para sa tulong sa sakuna. 

Ang Pagtulong sa Mga Nakaligtas

Ang pagtulong sa mga tao ang buod ng misyon ng FEMA at naging sentro namin simula pa noong unang araw. Sa loob ng nakaraang buwan, naaprubahan na ng FEMA ang mahigit sa $1.4 bilyon, na kasama ang $883 milyon na tulong sa mga indibidwal at pamilya na naapektuhan at mahigit sa $524 milyon para sa pag-alis ng mga basura at mga aktibidad para magligtas ng mga buhay, protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng publiko at pag-iwas sa mga pampubliko at pribadong mga ari-arian.  Ang mga pondo ay nakatulong sa mga nakaligtas sa mga pagkumpuni ng bahay, pagpapalit ng mga personal na ari-arian, tulong sa pag-upa, mga pangangailangan sa pag-access at iba pang mga pangunahing pangangailangan. 

Binisita rin namin ang mga apektadong komunidad upang tulungan ang mga nakaligtas sa kanilang mga hindi pangkaraniwang pangangailangan. Sa isang kamakailang kaso sa Georgia, ang mga tauhan ng FEMA ay nagtrabaho kasama ang isang pamilya na nangangailangan ng makatwirang akomodasyon na nagpahintulot sa kanila na panatilihing malinis ang kagamitang medikal ng kanilang anak. Tinulungan sila ng tauhan ng FEMA sa pagproseso. Ang pamilya ay nakakuha ng anim na buwan na pang-upa sa isang ari-arian at ang pondo na kanilang natanggap ay sasakupin ang gastos.

Nagtatrabaho kasama ang mga Organisasyon

Ang pagbawi ay hingi nangyayari nang walang tulong ng aming mga katuwang. Ang mga nonprofit, mga organisasyong nakabatay sa pananampalataya at mga grupo ng komunidad ay nagsama-samang lahat para matulungan ang mga naapektuhang komunidad. Nagbigay sila ng maiinit na pagkain, nagbahagi ng mga mapagkukunan kung saan makakahanap ng suportang pang-emosyonal at tumulong sa pag-aalis ng mga basura mula sa mga kalsada. 

Nagtatrabaho kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno

Graphic
fema staff sitting around a table
Graphic
fema administrator and president joe biden in the field

Ang buong puwersa ng gobyerno ay nagsama-sama upang tumugon sa Bagyong Helene at magbigay ng kritikal na suporta. Ang mga pinuno ay nasa lugar ng pangyayari habang sinusuri ang pinsala at nakikinig sa mga nakaligtas. Mula sa pag-aasyos ng mga kalsada hanggang sa pagtulong sa mga indibidwal sa pagpapalit ng nasirang lisensya ng driver, ang ating gobyerno ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa mga pagsisikap sa pagbawi.

Maghanap ng karagdagang impormasyon

Bumisita sa Hurricane Helene o sundan kami sa social media para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa pagbawi sa Bagyong Helene. 

Gusto mong tumulong sa mga pagsisikap sa pagtugon? Bumisita sa FEMA Blog para sa higit pang impormasyon kung paano makaktulong sa mga nakaligtas.

Release Date:
Tags:
Huling na-update