LOS ANGELES – Nakikipagtulungan ang FEMA sa mga pribadong sektor upang matugunan ang mga pangangailangan para sa pagtugon at pagbangon mula sa mga sakuna tulad ng kamakailang Wildfire sa Los Angeles County.
Ipinapaliwanag ng webpage na ' Doing Business with FEMA ' ang mga hakbang na dapat gawin ng mga kumpanya at maliliit na negosyo na nais makipagkompetensya para sa mga kontrata ng pamahalaang pederal. Sa panahon ng pagtugon at pagbangon mula sa sakuna, layunin ng FEMA na makipagkontrata sa mga lokal na negosyo sa apektadong lugar hangga't praktikal at posible itong magawa.
Makikipag-ugnayan lamang ang FEMA sa mga kumpanya sa pamamagitan ng pormal na proseso ng pagkuha ng pamahalaang pederal. Hindi ipoproseso ang anumang alok na pangnegosyo na direktang ipinadala sa indibidwal na miyembro ng FEMA. Tinutukoy ng website ng FEMA ang proseso para sa mga kumpanya upang makita at tumugon sa mga alok ng ahensya. Narito ang mga pangunahing hakbang sa pagsisimula ng proseso:
- Kumonsulta sa inyong lokal na sentro ng pagkuha: Inirerekomenda naming kumonsulta kayo sa mga Procurement Technical Assistance Centersna ito.
- Magparehistro sa SAM.gov: Ito ang System for Award Management (SAM), ang opisyal na sistema para sa pagrerehistro ng mga negosyo sa pamahalaang pederal. Libre ang pagpaparehistro ng mga entidad, at kinakailangan ito upang makipagnegosyo sa pamahalaang pederal.
- Unawain ang misyon ng FEMA: Ang misyonng FEMA, ayon sa awtorisasyon ng Robert T. Stafford Act, ay tulungan ang mga tao bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.
- Subaybayan ang mga site ng pagkontrata para sa mga oportunidad: Nakalista ang mga site ng pagkontrata sa webpage ng FEMA.
Ang pag-alis ng mga kalat at dumi ay madalas na lokal na kinokontrata pagkatapos ng sakuna. Kung ang inyong kumpanya ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pag-alis ng debris, maaari kayong magparehistro sa U.S. Army Corps of Engineers Contractor Registry. Maaari mo ring iparehistro ang impormasyon ng iyong negosyo , kabilang ang mga kakayahan at mga lugar na pinagtayuan.
Makikita ang karagdagang impormasyon sa aming ' Frequently Asked Questions ' na webpage.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng California, pumunta sa fema.gov/disaster/4856. I-follow ang FEMA Region 9 @FEMARegion9 sa X o i-follow ang FEMA sa social media sa: FEMA Blog sa fema.gov, @FEMA o @FEMAEspanol sa X, FEMA o FEMA Espanol sa Facebook, @FEMA sa Instagram, at sa FEMA YouTube channel.
Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Pumunta sa CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-apply para sa tulong.