California Wildfires and Straight-line Winds
Panahon ng Insidente: Jan 7, 2025 at nagpapatuloy.
Petsa ng Deklarasyon: Jan 8, 2025
Mga Mabilisang Link
- Mga dulugan sa pag-recover: Estado at Lokal | Nasyonal
- Kumonekta Social Media | Mobile App at Text
- 24/7 na pagpapayo: Helpline para sa Ligalig sa Sakuna
Sa Pahinang Ito
Tulong para sa Mga Indibiduwal at Mga Pamilya
Higit Pa Tungkol sa Sakunang Ito
Tulong para sa mga Indibidwal at Pamilya Pagkatapos ng Kalamidad
Kung mayroon kang seguro, dapat kang maghain kaagad ng claim sa iyong kompanya ng seguro. Ang tulong ng FEMA ay hindi makakatulong sa mga pagkalugi na sakop na ng seguro. Matuto pa tungkol sa mga hakbang pagkatapos mag-aplay para sa tulong.
Mag-aplay para sa Tulong sa Kalamidad
Ang pinakamabilis na paraan para mag-aplay ay sa pamamagitan ng DisasterAssistance.gov. Maaari ka ring mag-aplay sa pamamagitan ng FEMA mobile app o sa pamamagitan ng pagtawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption, o iba pang serbisyo sa komunikasyon, mangyaring ibigay sa FEMA ang partikular na numerong itinalaga para sa serbisyong iyon.
Kumuha ng Agarang Tulong
Maghanap ng tulong sa mga pangangailangan na hindi awtorisadong ibigay ng FEMA. Tingnan sa iyong lokal na mga opisyal ng pamamahala ng emerhensiya. Ang Helpline ng FEMA (800-621-3362) ay maaaring makapagbigay ng mga karagdagang rekomendasyon. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption, o iba pang serbisyo sa komunikasyon, mangyaring ibigay sa FEMA ang partikular na numerong itinalaga para sa serbisyong iyon.
Nag-apaly ako para sa Tulong. Ano ang Susunod?
Pagkatapos mag-aplay para sa tulong, ang iyong kahilingan ay rerepasuhin upang matukoy kung ang inspeksyon ay kinakailangan upang i-verify ang pinsalang nauugnay sa kalamidad sa iyong tahanan at personal na ari-arian. Maaaring makipag-ugnayan sa iyo ang mga kawani at inspektor ng FEMA upang talakayin ang iyong pinsalang dulot ng kalamidad.
Maaari ding humiling ang FEMA ng higit pang impormasyon upang suportahan ang iyong pagiging karapat-dapat para sa tulong o impormasyong nauugnay sa iyong mga partikular na pangangailangang nauugnay sa kalamidad na tinukoy sa iyong aplikasyon. Kung kailangan ito, makakatanggap ka ng sulat mula sa FEMA na nagbabalangkas ng impormasyong kailangan.
Matuto pa tungkol sa kung ano ang aasahan
Pansamantalang Kanlungan
Ang Tulong para sa Pansamantalang Kanlungan ng FEMA ay na-activate para sa mga survivors na nagbibigay-daan para sa panandaliang, kanlungan para sa emerhensya na mga opsyon sa mga kalahok na hotel.
Upang makatanggap ng tulong sa kanlungan, magsimula sa pamamagitan ng pag-aplay para sa tulong.Kailangang mayroon kang ID ng pagpaparehistro sa FEMA at pag-apruba mula sa FEMA para lumahok. Kung nakipag-ugnayan sa iyo ang FEMA tungkol sa tulong sa kanlungan, maaari kangmaghanap ng mga kalahok na hotel.
Repasuhin ang Desisyon ng FEMA
Kapag narepaso na ng FEMA ang iyong aplikasyon, ang mga resulta ng inspeksyon at/o dokumentasyong isinumite, makakatanggap ka ng liham na nagpapaliwanag:
- kung naaprubahan ka para sa tulong
- gaano karaming tulong ang matatanggap mo
- kung paano dapat gamitin ang tulong
- kung paano iapela ang desisyon ng FEMA kung hindi ka sang-ayon dito
Ang liham ay ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng email o koreo batay sa iyong napili noong nakumpleto mo ang iyong aplikasyon.
Mga Madalas Itanong at Tsismis
Kumuha ng mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa mga emerhensiya na tirahan, tulong sa kalamidad, seguro sa baha at higit pa. Matuto pa tungkol sa karaniwang mga tsismis na may kaugnayan sa kalamidad at ang mga katotohanang kailangan mo para simulan ang iyong pagpapagaling. Maghanap ng impormasyon sa pagtukoy sa panloloko sa kalamidad at kung paano iulat ito.
Maghanap ng Tagapayo sa Pabahay
Ang Departamento ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Lungsod ng Estados Unidos (HUD) ay nagbibigay ng suporta sa isang buong bansang network ng mga ahensya ng pagpapayo sa pabahay (mga HCA) at mga sertipikadong tagapayo. Ang mga HCA na kalahok sa HUD ay inaprubahan at sinanay upang magbigay ng mga kasangkapan sa kasalukuyan at inaasahang mga may-ari at umuupa upang makagawa sila ng mga responsableng pagpili upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pabahay na isinasaalang-alang ang kanilang mga pinansyal na sitwasyon.
Maraming Wika na Mga Mapagkukunan
Mahahanap mo ang mga grapiko ng social media na may mahalagang mensaheng pangkaligtasan sa iba't ibang wika, kabilang ang Ingles, Tsino, Espanyol at Biyetnames.
Mayroon din kaming mga video sa American Sign Language (ASL) sa mga paksa kabilang ang:
Mga Lokal na Dulugan
Lokal na Impormasyon
Lokal na Balita at Media
Bisitahin ang News & Media na pahina para sa mga kaganapan, fact sheet, press release at iba pang mga mapagkukunan ng multimedia.
Ano ang Kailangan Mong Malaman
Mayroong maraming dalubhasang grupo ang FEMA sa lugar, na sumusuporta sa pagpaplano ng estado at pagsisikap sa pagtugon. Ang mga karagdagang pederal na responder ay inaasahang mag-deploy sa California sa mga darating na araw.
- Ang mga tao sa Los Angeles County na apektado ng wildfire ay maaari munang makipag-ugnayan sa kanilang kumpanya ng seguro at pagkatapos ay mag-apply para sa tulongsa sakuna.
- Ang mga kanlungan na pinamamahalaan ng estado at nonprofit ay bukas at ang mga kapartner tulad ng American Red Cross at iba pa ay nagbibigay ng isang ligtas na lugar upang matiran, pagkain at tulong emosyonal sa mga tao. Upang makahanap ng isang kanlungan, i-text ang SHELTER at ang iyong ZIP code sa 43362, bisitahin ang redcross.org/Shelter o tumawag sa 1-800-RED-CROSS (1-800-733-2767). Maaari mo ring tawagan ang numerong ito kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng nawawalang mahal sa buhay dahil sa sunog.
Mga Mapagkukunan ng Lokal na Impormasyon
Mapanganib pa rin ang sitwasyon ng wildfire at maaaring mabilis na magbago. Sundin ang mga update mula sa mga lokal na opisyal at lumikas kaagad kung sinabihin na gawin ito. Makahanap ng impormasyon tungkol sa ebakwasyon, mga silungan, pagsasara ng kalsada, mga update sa katayuan ng sunog at marami pang iba:
- CA.gov: 2025 Mga Sunog sa Los Angeles
- Pahina ng Emerhensya ng Los Angeles County
- Pahina ng Insidente ng CAL FIRE
- LA Works
- Kalidad ng lokal na hangin sa Airnow.gov
Alamin ang Mga Tip sa Kaligtasan sa Ready.gov
Mga Mapagkukunan sa Kalusugang Pangkaisipan para sa mga Nakaligtas sa Sakuna
Gamitin ang mga mapagkukunang ito mula sa Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA):
988 Crisis Lifeline
Minsan ang tulong ay kinakailangan agad. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay nasa panganib o may medikal na emerhensiya, tumawag sa 911 o pumunta sa iyong pinakamalapit na emergency room. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay nahihirapan o nasa krisis, may magagamit na tulong. I-access ang 988 Crisis Lifeline sa pamamagitan ng dialing/texting 988 o pag-chat sa 988lifeline.org. Makakausap mo ang isang tagapayo sa krisis anumang oras ng araw o gabi.
Disaster Distress Hotline
Bukas ang helpline sa sinumang nakakaranas ng emosyonal na pagkabalisa na nauugnay sa mga sakuna. Kabilang dito ang mga nakaligtas sa mga sakuna; mga mahal sa buhay ng mga biktima; mga first responder; mga manggagawa sa pagliligtas, pagbawi, at pagtulong; mga klero; at mga magulang at tagapag-alaga. Maaari kang tumawag para sa iyong sarili o sa ngalan ng ibang tao.
Maaari kang tumawag sa toll-free, multilingual na Disaster Distress Helpline para sa kumpidensyal na pagpapayo, referrals at iba pang suporta, 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Tumawag o mag-text sa 1-800-985-5990. Ang mga nagsasalita ng Espanyol ay dapat pindutin ang “2". Maaaring kumonekta nang direkta ang mga tawag sa ASL sa isang American Sign Language agent, sa pamamagitan ng ASL Now o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-985-5990 mula sa iyong videophone.
Paano Tumulong
Magboluntaryo at Mag-donate
Maaaring tumagal ng maraming taon ang pagbawi pagkatapos ng sakuna. Maraming paraan para tumulong tulad ng pag-donate ng pera, mga bagay na kailangan o oras mo. Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano tumulong sa mga nangangailangan.
Huwag mag-self-deploy sa mga lugar ng sakuna. Mga pinagkakatiwalaang organisasyon sa mga apektadong lugar alam kung saan kailangan ang mga boluntaryo. Makipagtulungan sa isang itinatag na organisasyon upang matiyak na mayroon kang naaangkop na kaligtasan, pagsasanay at mga kasanayan na kailangan upang tumugon.
FEMA Voluntary Agency Liaisons (VALs) bumuo ng mga relasyon at makipag-ugnayan sa mga pagsisikap sa mga boluntaryo, batay sa pananampalataya at mga organisasyong pangkomunidad na aktibo sa mga sakuna.
Pakikipagnenegosyo sa FEMA
Kung interesado kang magbigay ng mga bayad na serbisyo at produkto para sa tulong sa sakuna, bisitahin ang aming pahina ng Doing Business with FEMA para makapagsimula.
Kung nagmamay-ari ka ng negosyong may kinalaman sa pag-alis ng mga labi at gusto mong magsagawa ng paglilinis sa mga apektadong lugar, mangyaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar upang mag-alok ng iyong mga serbisyo.
Mga Obligasyon sa Pagpopondo
Indibiduwal na Tulong | Halaga |
---|---|
Kabuuang Tulong sa Pabahay (HA) – Dolyar na Naaprubahan | $4,155,560.98 |
Kabuuang Tulong sa Iba pang Pangangailangan (ONA) – Dolyar na Naaprubahan | $33,882,328.59 |
Kabuuang Mga Dolyar na Naaprubahan sa mga Programa ng Indibidwal at Sambahayan | $38,037,889.57 |
Naaprubahan na mga Indibidwal na Aplikasyon | 17613 |
Listahan ng Mga Sentro ng Pagpapagaling sa Kalamidad (DRC)
Ang mga Sentro ng Pagpapagaling sa Kalamidad ay nagbibigay sa mga nakaligtas sa kalamidad ng impormasyon mula sa FEMA at sa Administrasyon ng Maliliit na Negsyo ng Estados Unidos. Ang mga nakaligtas sa kalamidad ay maaaring makakuha ng tulong sa pag-aaplay para sa pederal na tulong, alamin ang tungkol sa mga uri ng tulong na magagamit, alamin ang tungkol sa proseso ng mga apela at makakuha ng mga pag-update sa mga aplikasyon.
Maghanap para sa Sentro ng Pagpapagaling sa Kalamidad (DRC) na malapit sa iyo.
UCLA Research Park
Adres
10850 W Pico Blvd
Los Angeles, California 90064
Los Angeles
Get Directions
Mga Oras ng DRC
Lunes: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Martes: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Miyerkules: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Huwebes: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Byernes: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Sabado: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Linggo: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Pasadena City College Community Education Center
Adres
3035 E Foothill Blvd
Pasadena, California 91107
Los Angeles
Get Directions
Mga Oras ng DRC
Lunes: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Martes: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Miyerkules: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Huwebes: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Byernes: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Sabado: | 9:00 AM - 8:00 PM |
Linggo: | 9:00 AM - 8:00 PM |