May Tulong para sa Mga Self-Employed na Nakaligtas sa Wildfire

Release Date Release Number
012
Release Date:
Pebrero 4, 2025

LOS ANGELES  – Ang mga self-employed na indibidwal sa Los Angeles na nawalan ng trabaho bilang direktang resulta ng mga wildfire, ay maaaring mag-apply para sa FEMA Individual Assistance, Disaster Unemployment Assistance (DUA) at/o U.S. Small Business Administration (SBA) Disaster Loans.

FEMA Individual Assistance
Maaaring makapagbigay ang FEMA ng pondo para kumpunihin o palitan ang mga tool at kagamitang nasira ng sakuna na kinakailangan para sa iyong trabaho. Available ang tulong na ito sa iba't ibang uri ng aplikante, kabilang ang mga artist, musikero, mekaniko, at maraming iba pang trabaho.

Mga Kuwalipikadong Occupational Tools
Ang mga occupational tool ang mga tool at kagamitan na kailangan sa self-employment o hindi ibinigay ng isang employer ngunit kinakailangan para sa trabaho. Kabilang sa mga halimbawa ng mahahalagang tool ang:

  • Mga computer na iniaatas ng isang employer o para sa self-employment kapag ikaw ang responsable sa pagpapalit ng computer. Teknolohiya at kagamitang kailangan sa paggawa ng sining, musika, paglilitrato, atbp.
  • Mga tool at kagamitan tulad ng mga power tool, traktora, araro, seeder, planter, harvester, sprayer, hay baler, utility vehicle, lawnmower, atbp.
  • Mga art material, pintura, brush, canvas, clay, mga instrumentong pangmusika, mga kagamitang pandulaan gaya ng mga movable flooring, drapery, makeup, costume pati na rin ang sound and lighting equipment.
  • Mga unipormeng kinakailangan para sa trabaho kapag ikaw ang responsable sa pagpapalit ng mga uniporme.

Maaaring maging available ang tulong na ito kung ang mga item ay nasira ng sakuna, wala kang ibang gumaganang item na makakatugon sa pangangailangang ito, at ang pagkawala ng item ay hindi sakop ng insurance.

Kinakailangang Dokumentasyon

Upang maging kuwalipikado para sa tulong sa self-employment, dapat kang magbigay ng dokumentasyon na nagpapatunay na self-employed ka, tulad ng mga dokumento ng federal tax return, at matugunan ang pangkalahatang pamantayan sa pagiging kuwalipikadp para sa tulong ng FEMA. Ang mga self-employed na nakaligtas ay dapat magbigay sa FEMA ng:

  • Mga dokumento ng insurance para sa lahat ng potensyal na coverage at benepisyo.
  • Mga itemized na resibo o tantya para sa pag-aayos o pagpapalit ng mga hiniling na item.
  •  Isang nakasulat na pahayag na nagpapaliwanag ng mga bagay na kailangan para sa self-employment.

Upang malaman kung kuwalipikado ka, mag-apply sa FEMA:

Pumunta online sa disasterassistance.gov/.

  • I-download ang FEMA App para sa mga mobile device.
     
  • Tawagan ang FEMA helpline sa 800-621-3362 araw-araw mula 7 a.m. hanggang 10 p.m.Pacific Standard Time.
    • Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng relay service, gaya ng video relay (VRS), captioned telephone, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.
       
  • Pumunta sa isang Disaster Recovery Center.
     
  • UCLA Research Park West
    10850 West Pico Blvd., Los Ángeles, CA 90064
    Open Daily: 9 a.m. hanggang 8 p.m.
     
  • Altadena Disaster Recovery Center
    540 W. Woodbury Rd., Altadena, CA 91001
    Buksan Araw-araw: 9 a.m. hanggang 8 p.m.

Ang deadline ng aplikasyon para sa FEMA Individual Assistance ay sa Marso 10, 2025.

Disaster Unemployment Assistance 

Ang mga manggagawa sa Los Angeles County na naapektuhan ng matinding wildfire at hangan ay maaari na ngayong mag-apply para sa Disaster Unemployment Assistance (DUA)regular unemployment benefits. Ang Employment Development Department (EDD) ang nangangasiwa sa mga benepisyong ito. Ang DUA ay para sa mga manggagawa — tulad ng mga taong self-employed — na hindi kuwalipikado sa regular unemployment benefits at nawalan ng trabaho o nabawasan ang mga oras dahil sa sakuna. 

Ang dealdine sa pagsusumite ng aplikasyon sa DUA ay sa Marso 10, 2025. 

Pumunta sa Employment Development Department ng Estado ng California  para sa iba pang impormasyon kung paano mag-apply.

U.S. Small Business Administration Disaster Loans

Ang U.S. Small Business Administration (SBA), ang federal partner ng FEMA sa pagbangon sa sakuna, ay nag-aalok ng low-interest disaster loans para matulungan ang mga may-ari ng bahay, nangungupahan, pribadong non-profit na organisasyon, at iba't ibang laki ng negosyo na makabangon mula sa idineklarang sakuna, Maaaring mag-apply online ang mga aplikante at makatanggap ng karagdagang impormasyon sa tulong sa sakuna sa

SBA gov/disaster. Ang impormasyon sa disaster loan at mga form ng aplikasyon ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pag-iskedyul ng personal na appointment sa SBA Disaster Recovery Center o sa pagtawag sa Customer Service Center ng SBA sa 800-659-2955.

Misyon ng Ahensya sa Pamamahala ng Emerhensiya (FEMA) ang tulungan ang mga tao bago ang, habang may, at pagkatapos ng mga sakuna.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng California, pumunta sa fema.gov/disaster/4856. I-follow ang FEMA Region 9 @FEMARegion9 sa X o i-follow ang FEMA sa social media sa: FEMA Blog sa fema.gov, @FEMA@FEMAEspanol sa X, FEMAFEMA Espanol sa Facebook, @FEMA sa Instagram, at sa FEMA YouTube channel.

Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Pumunta sa CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-apply para sa tulong.

Tags:
Huling na-update