Available ang FEMA Transitional Sheltering Assistance para sa mga residente ng County ng Los Angeles

Release Date Release Number
DR-4856-CA NR 002
Release Date:
Enero 15, 2025

LOS ANGELES - Ang FEMA at ang estado ng California ay nagsusumikap na siguruhing ang mga lumikas na nakaligtas sa mga wildfire sa Los Angeles ay may access sa ligtas at madaling mapupuntahan na pansamantalang tirahan. Kasalukuyang ibinibigay sa mga kuwalipikadong sambahayan ang reimbursement para sa mga mula sa sariling bulsa na gastos sa hotel, tulong pinansyal para sa upa at pagkukumpuni ng bahay, at pansamantalang pananatili sa hotel o motel na ibinigay ng FEMA. 

Ang mga umuupa at may-ari ng bahay na nag-apply na para sa tulong sa sakuna ay maaaring maging kuwalipikado na pansamantalang manatili sa isang hotel o motel na binayaran ng FEMA sa pamamagitan ng Transitional Sheltering Assistance (TSA) Program. Iniaalok ang programang ito upang bigyang-daan ang mga lumikas na residente na gawin ang kanilang pansamantalang plano sa pabahay.

Ang mga apektadong residente ay hindi kailangang humiling ng tulong na ito. Aabisuhan sila ng FEMA ng kanilang pagiging kuwalipikado sa pamamagitan ng isang automated na tawag sa telepono, text message, at/o email depende sa paraan ng komunikasyon na pinili sa oras ng aplikasyon para sa tulong sa kalamidad. 

Ang TSA ay isang pansamantalang programa na ginawa upang magbigay ng panandaliang tuluyan para sa mga kuwalipikadong nakaligtas sa sakuna na ang pangunahing tirahan ay hindi na matitirahan o hindi mapupuntahan dahil sa sakuna at hindi sakop ng insurance na karagdagang gastos sa pamumuhay o pagkawala ng paggamit. Ang mga kuwalipikadong aplikante ay pipirma ng dokumento ng mga tuntunin at kondisyon na nagkukumpirma ng kanilang petsa ng pagtatapos ng pagiging kuwalipikado kapag nag-check in sila sa isang kasaling hotel.

Sa ilalim ng programang TSA, direktang binabayaran ng FEMA ang halaga ng kuwarto, mga buwis, at mga hindi mare-refund na fee sa alagang hayop sa mga kasaling hotel at motel. Ang mga nakaligtas ang responsable sa lahat ng iba pang gastos, kabilang ang paglalaba, serbisyo sa restawran/kuwarto, parking, telepono, o pagrenta ng pelikula. 

Ang patuloy na pagiging kuwalipikado ay tinutukoy depende sa indibidwal. Kapag natapos ang pagiging kuwalipikado, aabisuhan ng FEMA ang mga nakaligtas pitong araw bago ang petsa ng pag-checkout. Limitado ang TSA sa mga kasaling hotel at motel. Dapat sumangguni ang mga aplikante sa TSA Locator upang makahanap ng hotel, na makikita nila kapag pumunta sila sa DisasterAssistance.gov.

Ang mga pang-emergency na pananatili sa hotel at motel ay isa lang sa ilang paraan ng pagtulong ng FEMA sa mga nakaligtas sa wildfire na may mga pangangailangan sa pabahay. Nag-aalok ang FEMA ng iba pang anyo ng tulong sa pabahay gaya ng Tulong sa Paglikas, Tulong sa Pag-upa, at/o Lodging Expense Reimbursement:

  • Tumutulong ang Tulong sa Paglikas sa mga nakaligtas na hindi makabalik sa kanilang tahanan pagkatapos ng isang sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng paunang pera upang tumulong sa mga agarang pangangailangan sa pabahay. Pera ito na puwede mong gamitin upang manatili sa isang hotel o motel, manatili sa pamilya at mga kaibigan, o para sa anumang iba pang available na pagpipilian sa pabahay.
  • Nagbabayad ang Tulong sa Pag-upa para sa mga alternatibong pansamantalang pabahay kung ang isang may-ari ng bahay o umuupa ay napaalis sa kanyang pangunahing tirahan dahil sa mga pinsalang dulot ng mga wildfire sa County ng Los Angeles. Maaaring kasama rito ang pag-upa ng apartment, bahay o pananatili sa isang hotel, bed and breakfast o Airbnb.
  • Binabayaran ng Lodging Expense Reimbursement (LER) ang mga mula sa sariling bulsa na gastos sa panuluyan na hindi sakop ng mga benepisyo ng insurance tulad ng karagdagang mga gastos sa pamumuhay o pagkawala ng paggamit. Ang pangunahing tirahan ng residente bago ang sakuda ay dapat na hindi matitirahan, hindi naa-access, o apektado ng pinalawig na pagkawala ng utility na sanhi ng sakuna. Maaaring kasama sa mga kuwalipikadong gastusin ang halaga ng kuwarto at mga buwis na sinisingil ng isang hotel o iba pang provider ng tuluyan. Hindi kasama rito ang mga gastusin sa pagkain, mga tawag sa telepono, o transportasyon. Limitado ang LER sa reimbursement at hindi ibinibigay nang maaga o sa anyo ng direktang pagbabayad sa isang hotel o motel. Dapat ding natamo ang mga gastusin noong o pagkatapos ng Enero 7, 2025. Puwedeng i-upload ng mga residente ang kanilang mga resibo sa kanilang DisasterAssistance.gov account.

Upang mag-apply para sa tulong ng FEMA, ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan ay puwedeng: 

  • Mag-online sa DisasterAssistance.gov at sa wikang Espanyol sa DisasterAssistance.gov/es.
  • Tawagan ang FEMA Helpline sa 1-800-621-3362 para sa tulong sa iba't ibang wika.
  • I-download ang FEMA App para sa mga mobile device.
  • Pumunta sa isang Disaster Recovery Center ng FEMA. Upang makahanap nito sa iyong lugar, mag-click dito o i-text ang DRC kasama ng iyong Zip Code sa 43362 (Halimbawa: “DRC 91001”)

Kung gumagamit ka ng relay service, captioned telephone, o ibang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa numerong iyon. Para manood ng isang accessible video kung paano mag-apply, puntahan ang Three Ways to Apply for FEMA Disaster Assistance - YouTube. 

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng California, puntahan ang fema.gov/disaster/4856

Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Available ang mga resource para sa tulong pinansyal, pabahay, pondo para sa pagkukumpuni, at iba pa upang matulungan ang mga indibidwal at pamilya. Puntahan ang CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-apply para sa tulong.

I-follow ang FEMA Region 9 @FEMARegion9 sa X o i-follow ang FEMA sa social media sa: FEMA Blog sa fema.gov, @FEMA@FEMAEspanol sa X, FEMAFEMA Espanol sa Facebook, @FEMA sa Instagram, at sa FEMA YouTube channel.

Tags:
Huling na-update