Pinalawig ng FEMA ang Direktang Programa sa Pabahay para sa Bagyong Ian

Release Date Release Number
105
Release Date:
February 16, 2024

Inanunsyo ng FEMA ang anim na buwang pagpapalawig ng programang Direktang Pansamantalang Pabahay hanggang Setyembre 29, 2024, para sa mga karapat-dapat na sambahayan sa Charlotte, Collier, DeSoto, Hardee, Lee, Sarasota at Volusia county. 

Mula noong Bagyong Ian, ang FEMA ay nagbibigay ng mga pansamantalang yunit ng pabahay para sa higit na 1,300 lumikas na mga pamilya sa estado. Sa pakikipagtulungan ng Dibisyon sa Pamamahala sa Emerhensya sa Florida at mga lokal na partner, mahigit 650 pamilya ang nakahanap ng mas permanenteng tahanan. 

Patuloy na nakikipagtulungan ang FEMA sa mga opisyal at boluntaryo ng estado at lokal upang tulungan ang halos 700 pamilyang patuloy na naninirahan sa pansamantalang pabahay na makahanap ng mas permanenteng solusyon. Ang mga tagapamahala sa kaso ng kalamidad ay nakikipagtulungan din sa kanila nang isa-isa upang tumulong sa kanilang mga pangangailangan. 

Alinsunod sa mga alituntunin at regulasyon ng programa sa pabahay ng FEMA, ang mga magpapatuloy na maninirahan sa mga pansamantalang yunit ng pabahay ng FEMA pagkatapos ng Marso 29, 2024 ay magiging responsable sa pagbabayad ng buwanang upa. Mag-iiba ang mga rate ng renta base sa laki at lokasyon ng pansamantalang yunit ng pabahay ngunit hindi lalampas sa Pantay na Halaga sa Pamilihan ng Departamento ng Pabahay at Pag-unlad ng Bayan ng E.U. Makakatanggap ang mga residente ng sulat tungkol sa kanilang indibidwal na sitwasyon. Ang mga residenteng may mga katanungan ay maaaring makipag-usap sa kanilang tagapayo sa pabahay ng FEMA. 

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info and fema.gov/disaster/4673 Sundan ang FEMA sa X, dating kilala bilang Twitter, sa FEMA Rehiyon 4 (@femaregion4) at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong