LAKE MARY, Fla. – Wala pang apat na buwan pagkatapos ng deklarasyon ng malaking sakuna para sa Bagyong Ian, nagbigay ang Administrasyong Biden-Harris ng $5.2 bilyon sa pinansyal na tulong, mga disaster loan (loan para sa sakuna) at flood insurance (seguro para sa baha) para sa mga taga-Florida.
Priyoridad ng FEMA ang pagbibigay ng ligtas, may seguridad at malinis na pabahay. Binigyan ng ahensya ng matutuluyan ang 100 pamilya sa mga minanupakturang yunit ng pabahay at mga trailer na pambiyahe, at 182 yunit ang kasalukuyang inihahanda para maokupahan. Nakumpleto na ang mga pag-inspeksyon sa site para sa 1,235 pang mga yunit. Ang FEMA Direct Temporary Housing ay maaaring maging available ng hanggang 18 buwan para sa mga karapat-dapat na nakaligtas.
Bukod dito, mahigit 1,300 sambahayang may 3,200 miyembro ang kasalukuyang namamalagi sa mga hotel nang pansamantala na sagot ng FEMA habang naghahanap sila ng iba pang matutuluyan. Noong nakaraan, sumali ang 3,100 sambahayan sa mga pamamalagi sa hotel sa ilalim ng programang Transitional Sheltering Assistance ng FEMA at nakatagpo ng ibang matutuluyan.
"Ito ay naging isang pambihirang pagsusumikap," wika ng Federal Coordinating Officer na si Tom McCool. "Lubos kaming nakikipagtulungan sa Florida Division ng Emergency Management sa kanilang misyon sa pagbibigay ng matutuluyan. Alam namin kung gaano lubos na nahihirapan ang mga tao at naghahatid ito ng apurahang pakiramdam sa aming misyon. Narito kami hanggang sa makumpleto ang misyon."
Kabilang sa pederal na tulong sa Florida ang:
- $906 milyon sa mga gawad ng FEMA sa 372,000 indibidwal at sambahayan, kabilang ang $566 milyon para sa pagpapaupa sa pansamantalang pabahay at mga pangunahing pagkukumpuni sa mga nasirang tirahan
- $1.5 bilyon sa mga disaster loan ng U.S. Small Business Administration
- $2.3 bilyon sa mga kabayaran ng National Flood Insurance Program sa mga may hawak ng polisa
- $504 milyon sa Pampublikong Tulong ng FEMA para ibalik ang mga ginastos ng lokal na pamahalaan at ng estado para sa pagresponde sa emerhensya at pag-alis ng debris
Upang makatugon sa kasalukuyang kinalalagyan ng mga nakaligtas, nagpapatakbo ang FEMA ng 18 Disaster Recovery Center (Sentro ng Pagbangon para sa Sakuna) sa mga komunidad na apektado ng Bagyong Ian. Mahigit 118,000 indibidwal ang bumisita sa mga center na ito at sa 20 iba pa na pinapatakbo upang matulungan ang mga nakaligtas na masimulan ang pagbangon mula sa bagyo. Ang isa pang center sa Dunbar ay magbubukas sa Sabado.
Ang mga Disaster Survivor Assistance team ng FEMA ay bumisita sa 345,000 tirahan at nakipag-usap sa 153,000 indibidwal upang matulungan silang mag-apply para sa tulong.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian at Nicole, bisitahin ang floridadisaster.org/info sa fema.gov. Sundan ang FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter sa facebook.com/fema.