TALLAHASSEE – Na-activate ng estado ng Florida at FEMA ang programang Transitional Sheltering Assistance (TSA) para sa mga nakaligtas sa Hurricane Ian sa county ng Charlotte, Collier, DeSoto, Flagler, Hardee, Highlands, Hillsborough, Lake, Lee, Manatee, Orange, Osceola, Pinellas, Polk , Putnam, Sarasota, Seminole, St. Johns at Volusia.
Ang mga nakaligtas mula sa mga county na ito na nag-apply para sa tulong sa sakuna ay maaaring maging kwalipikado na manirahan sa isang hotel o motel na binayaran ng FEMA. Maaari silang maging kwalipikado para sa TSA kung hindi sila makakabalik sa kanilang tahanan at ang kanilang mga pangangailangan sa tirahan ay hindi matutugunan ng insurance, mga shelter o tulong sa pag-upa na ibinibigay ng FEMA o ibang ahensya (pederal, estado o nonprofit).
Aabisuhan ang mga nakaligtas sa kanilang pagiging kwalipikado sa pamamagitan ng isang awtomatikong tawag sa telepono, text message at/o email, depende sa paraan ng komunikasyon na pinili nila noong nag-apply sila para sa tulong.
Sa ilalim ng programang TSA, direktang binabayaran ng FEMA ang halaga ng kuwarto, mga buwis at mga hindi maibabalik na bayad sa alagang hayop sa mga kalahok na hotel at motel. Ang mga nakaligtas ang may pananagutan para sa lahat ng iba pang gastos, kabilang ang paglalaba, serbisyo sa silid, parking, telepono, pagkain, transportasyon at iba pang serbisyo.
Ang patuloy na pagiging kwalipikado ay tinutukoy sa isang pang-indibidwal na batayan. Kapag natapos ang pagiging kwalipikado, aabisuhan ng FEMA ang mga Nakaligtas pitong araw bago ang petsa ng pag-checkout.
Limitado ang TSA sa mga kalahok na lodging property sa Florida, Alabama, at Georgia.
Ang TSA ay hindi binibilang sa pinakamataas na halaga ng tulong na makukuha ng aplikante sa ilalim ng Individuals and Households Program (IHP).
Maaaring mag-apply ang mga nakaligtas para sa tulong ng FEMA sa pamamagitan ng pagbisita sa disasterassistance.gov, pagtawag sa helpline ng tulong sa sakuna sa 800-621-3362, o paggamit sa FEMA mobile app. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, gaya ng video relay (VRS), teleponong may caption o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.
Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon ng Florida mula sa Hurricane Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/disaster/4673. Sundan ang FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.