Pag-Unawa sa Tulong ng FEMA sa mga Indibidwal, mga Sambahayan

Release Date:
October 16, 2020

SACRAMENTO, Calif.— Ang mga karapat-dapat na nakaligtas sa mga sunog sa California na sakop sa deklarasyon ng sakuna noong Agosto 22 ay maaaring mag-aplay sa tulong na sumasaklaw sa iba’t-ibang mga gastos.

Ang unang hakbang ay ang pagrerehistro sa FEMA online sa disasterassistance.gov, kasama ang pag-download ng FEMA app sa iyong smartphone o tablet, o sa pamamagitan ng pagtawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585).  Ang huling araw ng pagrerehistro ay Nob. 23.

Ang sakop ng mga gantimpalang pera ng FEMA ay itinakda ng batas.  Hindi ito kapalit ng seguro at hindi nito mapupunan ang lahat ng mga nawala dahil sa sakuna.  Ang layunin nito ay tumulong sa mga nakaligtas na makapag-umpisa patungo sa pagbawi.  Ito ay mga gantimpala, hindi kagaya ng mga pautang, hindi ito kailangang bayaran at hindi ito nauukol sa mga nakaligtas sa sakuna na walang seguro o kulang sa seguro para sa mga kinakailangang mga gastos at mga malubhang pangangailangan.

Sinusuri ng FEMA ang bawat aplikasyon para sa tulong ng paisa-isa dahil walang nakaligtas na magkatulad ang situwasyon.

Ang Programa ng FEMA sa Tulong sa Indibidwal, na siyang nagbibigay ng gantimpala, ay may dalawang bahagi:  Tulong sa Pabahay at Tulong sa Ibang Pangangailangan.

Tulong sa Pabahay

Kung ikaw ay may-ari ng bahay o nangungupahan, kailangang ipunin ng mga nakaligtas sa sunog ang mga resibo para sa mga gastos sa pagbawi na ibibigay para sa pagsasauli ng FEMA.

Mga may-ari ng bahay. Upang masiguro na ang bahay ng nakaligtas ay maibabalik sa isang ligtas, malinis at nagagamit na kundisyon, maaaring magbigay ang FEMA ng mga gantimpala sa mga karapatdapat na mga may-ari ng bahay upang maipaayos ang mga pinsalang walang seguro sa kanilang mga bahay.  Maaari ring magbigay ang FEMA ng mga pondo upang makatulong sa mga walang segurong mga gastos upang mapalitan ang isang nasirang bahay, pati na rin ang mga kagamitan.  Ang mga may-ari ng bahay na tumititira sa isang bahay bilang primerang tirahan sa panahon ng sakuna ang siya lamang karapatdapat sa ganitong mga gantimpala.  Hindi makapagbibigay ang FEMA ng pagpapaayos sa pangalawang mga bahay.

Kapag nagparehistro ang mga nakaligtas sa sunog sa FEMA, maiuulat ng mga nakaligtas ang pangunahing pinsala sa bahay na siyang dahılan kung bakit hindi ito maaaring matirhan. Maaaring kasama dito ang usok na nagdudulot upang maging hindi ligtas ang bahay para tirhan.  Ang bahay na maaaring tirhan ay may tubo, kuryente, mga bintana, isang bubong, mga pinto at mga pader upang maseguro ito at maging ligtas sa mga elemento.  Sisiyasatin ng FEMA ang lahat ng pag-aari na may malaking pinsala bago magbigay ng mga gantimpala.

Ang mga aplikante na may mga bahay na maaari pang magamit ay maaaring humingi ng inspeksyon sa susunod kung makakita sila ng marami pang pinsala na hindi nila naipahiwatig noong una.

Upang maging ligtas ang mga nakaligtas at mga tauhan ng FEMA sa kapaligiran ng COVID-19, lahat ng pangunahing inspeksyon sa mga nasira ay gagawin sa pamamagitan ng telepono. Sa isang panayam, tatanungin ng mga inspektor ang mga aplikante ng mga katanungan upang maitala ang lawak ng sira; may ginagampanan silang papel sa pagtukoy ng mga gawad ng FEMA. Ibibigay ng mga aprubadong inspektor ng FEMA ang bahagi ng numero ng rehistro ng mga nakaligtas sa umpisa ng pagtawag.  Ang mga nakaligtas na walang numero ay maaaring tumawag sa FEMA Helpline para matulungan.  Maaaring sundan ng FEMA matapos ang unang panayam ng inspektor ng isang panlabas na inspeksyon ng pagpapatunay upang kumpirmahin ang antas ng pinsala.

Mga nangungupahan. Ang mga nangungupahan ay maaari ring maging karapatdapat sa tulong mula sa FEMA, gaya ng mga bayad sa renta kung sila ay lumipat dahil sa sira sa kanilang mga bahay o sa pagpapalit ng mahalagang personal na pag-aari na nasalanta o nasira.

Mga nakaligtas na may seguro. Maaaring punan ng FEMA ang kakulangan kung ang seguro ng nakaligtas ay hindi nagbibigay ng pagsakop sa ibang mga gastos kaugnay ng sakuna, gaya ng sa pag-upa bilang kahaliling lugar na matitirahan habang ang isang bahay ay pinatatayo o pinaaayos, o kung ang pagsakop ay naubos na at mayroon pang mga pangangailangan na hindi natutugunan.  Mahalagang tandaan na ang FEMA ay hindi magbabayad ng mga deductibles ng seguro. Hinihikayat ng FEMA ang mga nakaligtas na may seguro na magparehistro sa tulong hanggang Nob. 23 kahit hindi nila alam kung sila ay nararapat.  Malalaman ng FEMA ang kanilang paging karapatdapat kapag naayos ang paghahabol nila sa seguro..

Mga pautang sa sakuna ng SBA. Ang mga pautang ng Pangasiwaan sa Maliliit ng Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration/SBA) ay maibibigay sa mga may-ari ng bahay, mga nangungupahan, lahat ng laki ng mga negosyo, at mga pribadong organisasyon na walang kita.  Kung kailangan ng mga nakaligtas sa sakuna na manghiram upang maipaayos ang nasira, magiging abot-kaya ang pagbawi sa mababang interes at mahabang panahon ng termino (hanggang 30 taon) na maibibigay ng SBA. Sa ilang mga kaso, ang muling pagpipinansya ng mga dating pautang ay maibibigay din.  Hindi inaasahan ang pagkawala dahil sa sakuna.  Sa karamihan ng mga nakaligtas sa sakuna, lampas sa kanilang kakayahan na mabayaran ang mga pinsala ng sakuna mula sa sarili nilang mga pagkukunan ng walang paghihirap.

Tulong sa Iba pang Pangangailangan

Ang mga sakuna ay makapagdudulot ng mga malubhang pasaning pinansyal maliban pa sa mga pangangailangan sa pabahay.  Para sa karapatdapat na mga aplikante, ang mga gawad ng FEMA at ng estado ay maaaring makatulong upang mabayaran ang mga gastos na hindi sa pabahay gaya ng:

  • Mga gastos sa pagpapalibing at pang-medikal o pang-ngipin kaugnay ng sakuna
  • Mga kinakailangang gamit sa edukasyon (computers, mga aklat sa paaralan, mga gamit)
  • Mga gamit na nasira sa sakuna na kailangan upang makapagtrabaho ang nakaligtas
  • Pag-aalaga sa bata
  • Ibang kailangang gastos o malubhang mga pangangailangan
  • Pagsasaayos o pagpapalit ng sasakyang nasira sa sakuna*
  • Mga gastos sa paglipat at pagtabi na kaugnay ng sakuna*
  • Mga personal na pag-aari:  pagpalit ng mga damit, kasangkapan at mga kagamitan*

*Ang mga aplikante na hindi inihabilin sa SBA— o inihabilin ngunit hindi naaprubahan para sa isang pautang ng SBA — ay maaariang maging karapatdapat sa mga sumusunod na uri ng tulong:  tulong sa personal na pag-aari, tulong sa transportasyon upang maayos o mapalitan ang isang karapatdapat na sasakyan na nasira ng sakuna at iba pang gastos kaugnay ng transportasyon; o tulong sa mga gastos sa paglipat o pagtabi.  Ang mga nakaligtas na nagnananais ng tulong sa FEMA sa mga ganitong uri ng kawalan ay kailangan munang gumawa ng isang aplikasyon para sa utang sa SBA.  Walang sinuman ang kailangang tumanggap ng isang pautang.  Kung nagparehistro ka sa FEMA at napag-alaman ng SBA na hindi ka nararapat sa isang pautang, ito ay awtomatikong ihahabilin sa programa ng FEMA sa Mga Indibidwal at mga Sambahayan at susuriin ang iyong rekord upang malaman kung kwalipikado ka sa karagdagang tulong.

###

Tags:
Huling na-update noong