Ang Tulong Pang-Indibidwal ng FEMA ay tumutulong sa mga nakaligtas na umpisahan ang kanilang pagbawi sa pamamagitan ng pagbibigay ng gawad para sa mga pangunahing, mahahalagang pangangailangan. Ang tulong ng FEMA ay hindi pamalit sa seguro, hindi rin nito kayang gayahin ang iba pang mapagkukunan ng tulong.
Paano ba Ako Mag-Apply para sa Tulong ng FEMA?
Pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang App ng FEMA para sa mobile na aparato, o tumawag ng libreng toll sa 800-621-3362. Ang linya ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay maaaring makuha sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay service (VRS o serbisyo ng relay sa bidyo), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Upang makita ang naa-access na bidyo kung paano mag-apply, bisitahin ang Tatlong Paraan para Mag-Rehistro para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube.
Anong tulong ang ibinibigay ng FEMA?
Pagsasauli ng Nagugol sa Gastos sa Panunuluyan para sa gastos sa hotel; ito ay para sa mga walang-seguro o may kakulangan sa seguro na mga aplikante na hindi makakabalik sa kanilang bahay dahil sa pagkasira na may kaugnayan sa bagyo. Magtago ng mga kopya ng resibo.
Pagpapaayos ng Bahay/Tulong sa Pagpapalit para sa pagkawala sa sakuna na hindi sakop ng ibang mapagkukunan.
Tulong sa Pag-upa para sa alternatibong pabahay kung hindi mo na kayang tirhan ang iyong pangunahing tirahan dahil sa pagkasira na naidulot ng sakuna.
Tulong sa Libing na may kaugnayan sa pagkamatay na direkta o hindi direkta na iniuugnay bilang resulta ng bagyo.
Ang Tulong na Medikal at Dental para sa walang-segurong medikal at dental na pangangailangan o pagkawala na naidulot ng Bagyong Idalia.
Upang maikonsidera para sa mga sumusunod na uri ng tulong, kung ikaw ay nakatanggap ng referral para mag-apply para sa isang Pautang sa Sakuna ng SBA, dapat kang nagsumite ng aplikasyon at nakatanggap ng pagtanggi.
Personal na Tulong sa Pag-aari para magpaayos o magpalit ng mahalagang, walang-segurong personal na pag-aari na nasira ng Bagyong Idalia.
Tulong sa Transportasyon para sa mga pangunahing sasakyan na nasira ng sakuna.
Ano ang maaaring humantong sa isang “hindi karapat-dapat” na pagpapasiya?
Maaari mong kailangin na magsumite ng karagdagang impormasyon upang kaya ng FEMA na magpatuloy ng pagpoproseso ng iyong aplikasyon. Halimbawa:
- Kopya ng iyong kasunduan sa seguro na may kaugnayan sa pagkasirang idinuot ng Bagyong Idalia.
- Patunay ng pagkakakilanlan (pasaporte ng U.S., panghukbong I.D., rehistrasyon ng sasakyang de-motor, tarheta ng Seguridad Panlipunan kasama ng pampederal o pang-estadong I.D., isang resibo ng suweldo na nagpapakita ng lahat o bahagi ng iyong numero ng Seguridad Panlipunan.)
- Patunay ng pagiging residente (kontrata sa upa o kasunduan sa pag-upa, resibo ng upa, mga bill ng utility, rehistrasyon ng sasakyang de-motor, atbp.) Ang FEMA ay nagbigay ng mas maraming paraan para matugunan itong pangangailangan.
- Patunay ng pagmamay-ari (titulo, dokumentasyon sa mortgage, patakaran sa seguro ng may-ari ng bahay, bayarin ng pagmamay-ari sa buwis o resibo, sertipikasyon ng ginawang bahay o titulo at kontrata ng pagbili ng bahay. Ang FEMA ay nagbigay ng mas maraming paraan upang matugunan itong pangangailangan.
- Patunay na ang nasirang pag-aari ay iyong pangunahing tirahan noong nangyari ang sakuna.
Kung mayroon kang tanong tungkol sa liham ng pagpapasiya ng FEMA, pwede kang pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov o tumawag sa Linya ng Tulong ng Tulong sa Sakuna sa 800-621-3362.
Anong hinahanap ng inspektor ng FEMA?
Ang isang inspeksyon ng FEMA ay maaaring kailanganin upang matiyak kung ang isang bahay ay ligtas, mapupuntahan, at magagamit. Ikinukunsidera ng FEMA ang mga sumusunod na salik kapag tinutukoy kung ang isang aplikante ay kwalipikado para sa tulong:
- Ang panlabas na istruktura ba ng bahay ay nasa mabuting kondisyon, kabilang ang mga pinto, bubong, at bintana?
- Gumagana ba naang maayos ang kuryente, gas, init, pagtutubero, imburnal, at posonegro?
- Matitirahan at nasa mabuting kondisyon ba ang istruktura ng loob ng bahay, kabilang ang kisame at mga sahig?
- May kakayahan ba ang bahay na magamit ayon sa layunin nito?
- Mayroon bang ligtas na daan papunta sa at mula ng bahay?
Sa maraming kaso, maaaring umiiral ang pagkasira na nauugnay sa kalamidad, ngunit kaya pa rin ng mga residenteng manirahan nang ligtas sa kanilang mga tahanan.
Bakit nakakuha ang kapitbahay ko ng mas maraming pera sa gawad kaysa sa natanggap ko para sa pagpapaayos?
Ang bawat kaso ay kakaiba. Mayroong ilang mga kadahilanan na kasangkot, kabilang ang katayuan ng seguro at ang lawak at uri ng pagkasirang naitala.
Hindi ko kayang ipagawa muli ang bahay ko gamit ang perang inaalok sa akin ng FEMA.
Ang tulong ng FEMA ay nagbibigay ng pondo para sa pangunahing gawain upang gawing ligtas at matitirahan ang isang bahay; Subalit, kung ang pondong ibinigay ay kulang para gawing ligtas at matitirahan ang iyong bahay, may karapatan kang mag-apela. (Tingnan sa ibaba ang, anong mangyayari kung hindi ako sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA.)
Umuupa ako. Kwalipikado ba ako para sa tulong ng FEMA?
Ang mga umuupa na may nasira o nawasak na pag-aari ng Bagyong Idalia ay maaaring maging karapat-dapat para mag-apply para sa tulong pederal. Ang mga gawad ng FEMA ay kayang tumulong magbayad para sa pansamantalang pabahay. Ang mga umuupa ay maaari ring maging kwalipikado para sa mga gawad para palitan o ipa-ayos ang personal na ari-arian tulad ng muwebles, kasangkapan, damit, aklat-aralin o gamit sa paaralan; pagpapalit o pagkukumpuni ng mga kasangkapan at iba pang kagamitang may kaugnayan sa trabaho na kinakailangan ng mga may sariling negosyo; pangunahing sasakyan; mga walang-seguro o mula sa bulsa na medikal, dental, pangangalaga ng bata, paglipat at pag-iimbak na gastos.
Maaari bang mag-apply ang aking sambahayan para sa tulong ng FEMA kung hindi ako mamamayan ng Estados Unidos?
Para maging kwalipikado para sa tulong ng FEMA, ikaw o isang miyembro ng iyong sambahayan ay dapat maging isang mamamyan ng Estados Unidos, nasyonal na hindi-mamamayan ng U.S., o isang kwalipikadong dayuhan. Subalit, ang mga hindi dokumentadong pamilya na may magkakaibang katayuan sa imigrasyon ay kinakailangan lang ng isang miyembro ng pamilya (kabilang ang isang menor de edad na bata) na isang mamamayan ng Estados Unidos, nasyonal na hindi-mamamayan ng U.S., o isang kwalipikadong dayuhan at mayroon siyang numero ng Seguridad Panlipunan para maka-apply. Ang isang kwalipikadong dayuhan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Legal na permanenteng residente (may hawak ng “green card”)
- Isang asylee, refugee, o dayuhan na ang deportasyon ay pinipigilan `
- Isang dayuhan na may paglayang pasubali sa U.S. nang kahit isang taon
- Dayuhan na pinagkalooban ng kondisyon sa pagpasok (ayon sa batas na may bisa hanggang ika-1 ng Abril, 1980)
- Kalahok na taga-Cuba/Haiti
- Ilang dayuhan na sumailalim sa matinding kalupitan o naging biktima ng isang matinding anyo ng trafficking ng tao, kabilang ang mga tao na may “T” o “U” na bisa.
Ang mga taong nasa hustong gulang na hindi kwalipikado sa ilalim ng isa sa kategorya sa itaas, kabilang ang hindi dokumentado, ay maaaring mag-apply sa ngalan ng menor de edad na bata na kwalipikado at mayroong numero ng Seguridad Panlipunan. Ang menor ded edad na bata ay dapat nakatira kasama ang magulang o tagapag-alaga na nag-aaply sa ngalan nila. Ang magulang o tagapag-alaga ay hindi kinakailangang magbigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kanilang sariling katayuan sa imigrasyon o pumirma ng anumang dokumentong nauugnay sa kanilang katayuan.
Anong mangyayari kung hindi ako sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA?
Ang bawat aplikante ay may karapatang mag-apela ng pagpapasiya ng FEMA. Halimbawa, kung sa tingin mo na hindi tama ang halaga o uri ng tulong, maaari kang magsumite ng liham ng apela at anumang kinakailangang dokumento para suportahan ang iyong claim, tulad ng pagtatantya ng kontratista para sa pagpapaayos ng bahay.
Hindi kayang gayahin ng FEMA ang tulong na ibinigay sa iyo ng ibang pinagmulan, tulad ng kasunduan sa seguro o iba pang programa. Subalit, kung ikaw ay may kakulangan sa seguro maaari kang makatanggap ng karagdagang tulong para sa mga hindi natutugunan na pangangailangan pagkatapos maayos na ang mga claim sa seguro sa pamamagitan ng pagsumite ng isang kopya ng kasunduan sa seguro o mga dokumento ng pagtanggi sa FEMA.
Paano ako pwedeng mag-apela?
Kailangan mong ihain ang iyong apela nang nakasulat sa FEMA. Sa isang liham na nakapirma at may petsa, dapat mong ipaliwanag ang mga dahilan ng iyong apela. Dapat ding kasama sa iyon liham ng apela ang:
- Iyong buong pangalan
- Numero ng sakuna (DR-4734)
- Address ng pangunahing tirahan bago ng sakuna
- Iyong kasalukuyang numero ng telepono at address
- Iyong numero ng pagpaparehistro sa FEMA sa bawat pahina ng iyong dokumentasyon
Kung ibang tao maliban sa iyo o isang kapwa aplikante ang sumusulat ng iyong liham, kailangang pirmahan ng taong iyon ang liham ng apela, at dapat mong ibigay sa FEMA ang isang nakapirmang pahayag na nagpapahintulot sa indibidwal na iyon na kumilos sa ngalan mo.
Ang iyong liham ay dapat may tatak-koreo sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng iyong liham ng pagpapasiya. Ang mga liham ng apela at sumusuportang dokumento ay maaaring isumite sa FEMA sa pamamagitan ng pagdala sa kanila sa isang sentro ng pagbawi sa sakuna, gamit ang fax o koreo, o sa online kung ikaw ay mayroong online account ng FEMA. Para mag-set up ng online account ng FEMA, bisitahin ang DisasterAssistance.gov, i-click ang “Mag-Apply sa Online” at sundan ang mga tagubilin.
Sa koreo: Pambansang Sentro ng Pagpoproseso ng Serbisyo ng FEMA, P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-7055 Gamit ang fax: 800-827-8112, Attention: FEMA
Madalas Itanong Tungkol sa mga Sakuna | FEMA.gov
Karaniwang mga Alingawngaw na may kaugnayan sa Sakuna | FEMA.gov