Upang mabawasan ang alikabok at pagbuhos ng mga contaminant mula sa abo at mga nagkalat na piraso (debris) sa mga propyedad sa Lahaina na apektado ng mga wildfire noong Agosto 8, gumagamit ng soil stabilizer ang Ahensya ng Proteksyon sa Kapaligiran ng Estados Unidos (U.S. Environmental Protection Agency) para sa treatment ng abo at mga nagkalat na piraso. Hindi nakakalason ang soil stabilizer kapag natuyo, at hinihiling sa mga residente na maghintay ng 24 na oras pagkatapos ilapat ang soil stabilizer bago pumasok sa kanilang propyedad.
- Ginagamit ang isang soil stabilizer upang protektahan ang kalusugan ng mga residente at ang kapaligiran mula sa mga panganib na dulot ng abo at mga nagkalat na pirasong naiwan sa mga propyedad na naapektuhan ng mga wildfire sa Lahaina. Ang mga propyedad na naapektuhan ng sunog sa Kula ay nilalapatan din ng parehong soil stabilizer.
- Ang paggamit ng produktong para sa stabilization tulad ng Soiltac ay puwedeng makatulong upang maiwasan ang pagkakalantad sa abo at mabawasan ang mga panganib na may kinalaman sa paghinga kapag nagsusuri kung may mga magagamit pa mula sa abo at alikabok. Nakakatulong din itong maiwasan ang pagbuhos ng mga mapanganib na materyales sa karagatan o mga kalapit na sapa.
- Puwedeng pumasok ang mga residente sa kanilang propyedad at suriin kung may magagamit pa sa kanilang mga materyales pagkatapos mailapat ang soil stabilizer. Hinihiling ng EPA sa mga residente na hayaan munang lumipas ang 24 na oras bago pumasok sa kanilang propyedad.
- Kapag nailapat at natuyo na ang produkto, hindi ito nakakalason, at higit sa lahat ay hindi ito nakikita. Binabawasan nito ang dami ng alikabok na puwedeng kumalat kapag nagalaw ang abo.
- Pagkatapos mailapat ang stabilizer, isang karatula ang nakapaskil sa propyedad na nagsasaad ng petsa at oras ng paglalagay ng stabilizer.
- Inirerekomenda ng manufacturer na buong 24 na oras ang panahon ng curing. Kahit na sa ganitong klima ang soil stabilizer ay inaasahang tumigas sa mas kaunting oras, inirerekomenda ang buong 24 na oras na panahon ng paghihintay bago ang pagpasok upang matiyak ang tamang curing at pagpapatigas ng produkto.
- Bagama't binabawasan ng soil stabilizer ang posibilidad na magkaroon ng mga partikulong tangay ng hangin (airborne particle), inirerekomenda pa rin na dapat sumunod sa payo ng mga opisyal ng kalusugan ang mga pumapasok sa lugar bago makumpleto ang pagtanggal ng mga nagkalat na piraso at magsuot sila ng personal na kagamitan pangproteksyon tulad ng face mask.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire sa Maui, bumisita sa mauicounty.gov, mauirecovers.org at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema.