Sa mga may-ari ng bahay at umuupang may seguro at nag-aapply para sa tulong sa sakuna ng FEMA ay dapat mga-file ng insurance claim sa lalong madaling panahon.
Kung kayo ay nag-apply sa FEMA para sa disaster assistance (tulong sa sakuna) ng pagkasira at pagkawala mula sa labi ng Bagyong Ida, kinakailangan kayong sabihan ang FEMA ng lahat ng inyong saklaw ng seguro kabilang na ang pagbaha, pag-mamay-ari, sasakyan, de-sasakyang bahay, pang-medikal, panlibing, atbp.
Kung kayo ay may seguro, kinakailangan kayong ihanda ang dokumentong nagpapatunay ng inyong pag-aayos ng seguro o benepisyo bago ikukunsidera ng FEMA kung kayo ay kwalipikado para sa tulong sa sakuna. Mas malaki ang tulong-pinansyal na maibibigay ng seguro kaysa sa tulong pinansyal na maibibigay ng tulong sa sakuna. Sa ilalim ng batas, ang FEMA ay hindi pinapayagang kopyahin ang mga benepisyo sa pagkawala na sinasakop ng seguro.
Ang pagbigay ng inyong mga pang-segurong dokumento sa mga kawani ng FEMA ay makakasulong ng inyong aplikasyon upang determinahin kung ang inyong pagkawalang hindi sakop ng inyong seguro ay kwalipikado para sa reimbursement (pagsasauli ng nagugol).
Upang matulungan ang FEMA na siyasatin ang inyong aplikasyon, kabilang sa dokumento mula sa kumpanya ng seguro ang:
- Pagtanggi ng inyong claim letter (liham ng kahilingan): katibayan na hindi kayo sakop ng inyong kumpanya ng seguro at patakaran.
- Liham ng kasunduan: mga pagkasira at pag-ma-may-aring sakop ng inyong pansegurong-patakaran.
- Liham ng pagkaantala: katibayan ng walang opisyal na desisyon mula sa inyong kumpanya ng seguro tungkol sa inyong claim, at ito ay lagpas na ng 30 araw mula sa panahon na nag-file kayo ng insurance claim (pansegurong kahilingan).
Ang FEMA ay magpapasiya sa uri ng tulong na kayo ay maaaring maging kwalipikado base sa detalye ng bawat aplikasyon, kabilang ang ibinigay na dokumento.
Kung kayo ay nakatanggap ng liham na nagtutukoy na kayo ay hindi kwalipikado, maaaring kailanganin ang karagdagang dokumento upang mabago ang iyong katayuan. Mahalagang basahin ninyo ang inyong liham nang mabuti upang maintindihan ang desisyon ng FEMA at malaman ninyo ang mismong kailangan ninyong gawin, bilang halimbawa ay ang pagbigay lamang ng kopya ng inyong kasunduan sa seguro.
Kung kayo ay may tanong, tumawag sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585). Ang toll-free (walang bayad) na linya ng telepono ay bukas mula 7 n.u. hanggang 1 n.u. ET (oras sa silangan), araw-araw. Kung gumagamit kayo ng relay service, tulad ng video relay service (VRS o serbisyong paggamit ng bidyo), captioned telephone service atbp, ibigay sa FEMA ang numero ng serbisyong iyon.