Saklaw ng FEMA para sa Malalaking Gastusin

Release Number:
FS-021
Release Date:
Marso 17, 2025

Ang mga nakaligtas sa wildfire sa Los Angeles County ay maaaring maging kwalipikado para sa tulong sa kalamidad sa ilalim ng Programa para sa mga Indibidwal at Sambahayan (Individuals and Households Program, IHP) ng FEMA. Ang tulong sa kalamidad mula sa FEMA ay nilalayon upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng inyong sambahayan para sa mga pinsalang hindi sakop o kulang ang sakop ng insurance na direktang dulot ng kalamidad, anuman ang laki nito. Maaaring kabilang sa malalaking gastusin ang: 

Mga Istruktural na Pag-aayos ng Bahay

Maaaring magbigay ang FEMA ng Tulong sa Pag-aayos ng Bahay sa mga may-ari ng bahay upang ayusin ang mga istrukturang bahagi ng iyong tahanan na nasira ng sunog. Kabilang dito ang mga bintana, pintuan, sahig, dingding, kisame, kabinet, sistema ng pampainit, bentilasyon, at aircon (HVAC), mga utilidad (sistema ng elektrikal, pagtutubero at gas), at mga papasok at palabas ng bahay.

Mga balon ng tubig, Pugon, at Sistema ng Septik

Maaaring magbigay ang FEMA Tulong sa Pag-aayos ng Bahay o reimbursement para sa gastos ng propesyonal na pagtatasa ng isang lisensyadong teknisyan na nauugnay sa pagkumpuni o pagpapalit ng mga balon, pugon, at mga sistema ng septik. Maaari ding i-reimburse ng FEMA ang aktwal na gastos sa pag-aayos o pagpapalit ng iyong pugon, pribadong balon at sistema ng septik na napinsala o nasira ng kalamidad.

Mga Pribadong pagmamay-ari na Kalsada, Tulay, Daungan
Maaaring magbigay ang FEMA ng tulong upang ayusin ang pinsalang nauugnay sa sunog sa mga kalsada, tulay, o daungan na pribadong pag-aari, kung ang tanging daan sa inyong tahanan ay napinsala ng kalamidad. 

Mga Sasakyan at Transportasyon

Maaaring magbigay ng Iba Pang Pangangailangan ng Tulong ang FEMA upang tulungan kang ayusin o palitan ang isang pribadong pag-aari na sasakyan na nasira ng kalamidad kung wala kang ibang sasakyan na magagamit.

Upang mag-aplay sa FEMA:

  • Pumunta online sa DisasterAssistance.gov (pinakamabilis na opsyon);
  • Gamitin ang FEMA App (available sa Apple App Store o Google Play);
  • Tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, gaya ng Video Relay Service (VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon;
  • Bisitahin ang isang Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna ( Disaster Recovery Center). Para sa mga Lokasyon: DRC Locator

Ang mga Disaster Recovery Center ay pisikal na naa-access para sa mga taong may kapansanan at iba pang may pangangailangang pang-access at pang-functional. Ang mga ito ay may kasamang assistive technology at iba pang mapagkukunan upang matiyak na lahat ng aplikante ay may access sa mga serbisyo.

Ang mga video ng FEMA at Mga Anunsyo sa Serbisyong Pampubliko tungkol sa mga wildfire sa California ay magagamit para sa pampublikong paggamit at maaaring makita sapamamagitan ng pag-click dito.

Tags:
Huling na-update