Patuloy na sinusuportahan ng FEMA ang pangkalahatang kagalingan ng mga nakaligtas sa wildfire sa pamamagitan ng mga reperal sa naaangkop na mga mapagkukunan para sa mga kahirapan na nasa labas ng saklaw ng ahensya.
Q. Nagbibigay ba ang FEMA ng mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan sa mga nakaligtas sa wildfire?
A. Ang FEMA ay hindi nagbibigay ng mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan nang direkta sa mga nakaligtas sa sakuna. Nagbibigay ang FEMA ng impormasyon tungkol sa mga umiiral na mapagkukunan sa kalusugang pangkaisipan na magagamit ng mga nakaligtas, at, sa ilang mga kaso, nagbibigay ng suporta sa pananalapi para sa mga ganitong serbisyo. Halimbawa, kasunod ng maui wildfire inaprubahan ng FEMA ang isang $4.5 milyong grant sa Hawai'i State Department of Health para sa programa nito sa Crisis Counseling.
Q. Paano makakahanap ang mga nakaligtas ng mga mapagkukunan sa kalusugang pangkaisipan?
A. Upang makahanap ng isang komprehensibong listahan ng mga mapagkukunan na umaangkop sa mga tiyak na pangangailangan, dapat bisitahin ng mga nakaligtas ang Mauirecovers.org o tumawag sa 988 upang makatanggap ng mga reperal sa telepono. Maaari ring makipag-ugnayan ang mga nakaligtas sa kanilang Recertification Advisor at sa kanilang Disaster Case Manager upang makatanggap ng mga listahan ng mga mapagkukunan na mayroon sa kanilang lugar.
Q: Paano kung ang isang nakaligtas ay walang seguro ngunit nangangailangan ng suporta sa kalusugang pangkaisipan?
A. Mayroong ilang libreng serbisyo na magagamit ang mga nakaligtas sa wildfire na hindi nangangailangan ng seguro. Ang Maui Certified Behavioral Health Clinic ay bukas sa sinuman, anuman ang katayuan ng seguro. Dito, ang mga nakaligtas ay maaaring ikonekta sa suporta at mapagkukunan upang makatanggap ng indibidwal at pangrupong terapiya, pamamahala ng kaso, mga serbisyo sa suporta sa peer at mga serbisyong pangkrisis.
Para sa karagdagang libreng mapagkukunan, dapat makipag-ugnayan ang mga nakaligtas sa kanilang Recertification Advisor.
Q: Ano ang dapat gawin ng mga nakaligtas kung natatakot sila para sa kanilang kaligtasan o sa kaligtasan ng iba?
A. Kung ang isang nakaligtas ay humaharap sa isang agarang banta, dapat silang tumawag o mag-text sa 911 para sa tulong sa emerhensiya. Ang mga usapin na nauugnay sa karahasan, pang-aabuso, pamimilit o pag-uugaling kriminal ay pinangangasiwaan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, hindi ng FEMA.
Q. Sino ang dapat tawagan ng mga nakaligtas para sa agarang suporta sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng talk therapy?
A. Sa pamamagitan ng pagtawag sa 988, ang mga indibidwal na nasa isang emosyonal na krisis ay maaaring makipag-usap agad sa isang lokal na tagapayo. Kung ang nakaligtas ay may 808 area code, ididirekta sila ng 988 sa Hawai'i Cares. Kung wala silang lokal na area code at nais na makipag-usap sa isang lokal na kinatawan, maaari nilang gamitin ang direktang numero na 808-832-3100 o tumawag nang libre sa 800-753-6879. Para sa crisis text line, dapat mag-text ang mga nakaligtas sa ALOHA sa 741-741.
Naniniwala ang FEMA na ang pagtugon sa kalusugang pangkaisipan ay bahagi ng pagbangon sa sakuna at hinihikayat ang mga indibidwal na humingi ng tulong. Sa mga kapartner ng estado, county at lokal na komunidad, may mga mapagkukunan na magagamit ang mga nakaligtas sa wildfire. Ang mga indibidwal sa pansamantalang programa sa pabahay ng FEMA ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang Recertification Advisor para sa karagdagang detalye.
###
Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.