Ang mga residente sa mga itinalagang county na nawalan ng access sa tubig dahil ang isang pribadong balon o septic system ay nasira bilang resulta ng Bagyong Ian o Bagyong Nicole ay maaaring maging karapat-dapat para sa tulong ng FEMA.
Apektadong mga county
Ian: Brevard, Charlotte, Collier, DeSoto, Flagler, Hardee, Hendry, Highlands, Hillsborough, Lake, Lee, Manatee, Monroe, Okeechobee, Orange, Osceola, Palm Beach, Pinellas, Polk, Putnam, St. Johns, Sarasota, Seminole, at Volusia
Nicole: Brevard, Flagler, Lake, Putnam, St. Johns, and Volusia
Anong tulong ang available?
Para sa mga pribadong balon at septic system, puwedeng i-reimburse ng FEMA para sa pagbabayad sa propesyonal at lisensyadong technician para pumunta sa iyong bahay at maghanda ng estimate na nagdedetalye sa mga kinakailangang pagkukumpuni o pagpapalit ng iyong mga system na nasira ng sakuna.
Bilang karagdagan sa pagtatantya ng technician, maaari ding bayaran ng FEMA ang aktwal na gastos sa pagkukumpuni o pagpapalit ng iyong septic system o pribadong balon, na hindi insurable na mga item.
Kung nag-apply ka para sa tulong ng FEMA at naghihintay pa rin ng mag-iinspeksyon sa iyong bahay, dapat kang tumawag sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Sa oras ng inspeksyon, ipaalam sa inspektor ng FEMA na mayroon kang pribadong balon ng tubig at/o septic system na maaaring nasira ng bagyo.
Kung ang pinsala ay natukoy na sanhi ng Bagyong Ian o Baagyong Nicole, maaari kang maging karapat-dapat para sa tulong ng FEMA.
Kung nagkaroon ka na ng inspeksyon at hindi naiulat ang pinsala sa balon o septic system, makipag-ugnayan sa Helpline ng FEMA upang malaman ang tungkol sa proseso ng mga apela, at kung paano mag-apela para sa tulong sa sakuna. Mangyaring panatilihin ang pahayag, mga pagtatantya, o mga resibo ng iyong kontratista para sa pinsalang dulot ng sakuna sa mga bagay na iyon, at isumite ang mga ito kasama ng iyong nakasulat na sulat ng apela sa FEMA. Maaari kang sumangguni sa liham ng desisyon ng FEMA na natanggap mo rin, para sa karagdagang impormasyon.
Ang panahon ng aplikasyon para sa Bagyong Ian ay sarado na, gayunpaman, ang panahon ng aplikasyon para sa Bagyong Nicole ay nananatiling bukas hanggang Pebrero, 13, 2023, at ang mga nakaligtas ay maaaring mag-aplay para sa tulong ng FEMA online sa disasterassistance.gov, sa pamamagitan ng pagtawag sa FEMA Helpline sa
800-621-3362 o sa pamamagitan ng paggamit FEMA mobile app. Kung ikay ay gumagamit ng relay service, gaya ng video relay (VRS), may caption na telepono o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.