Ang mga Pangkat ng FEMA ay Lumilibot para Tulungan ang mga Nakaligtas sa Bagyong Idalia

Release Date Release Number
002
Release Date:
September 1, 2023

ATLANTA – Ang mga pangkat ng FEMA Disaster Survivor Assistance (DSA o Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna) ay nagtatrabaho sa mga komunidad na naapektuhan ng Bagyong Idalia para tulungan ang mga residente na mag- apply para sa tulong ng FEMA at magbigay ng referrals sa iba pang mapagkukunan sa sakuna.

Ang mga pangkat ng DSA ay may kasuotang FEMA at mayroon silang pederal na tsapa na may litrato ng pagkakakilanlan. Ang mga kawani ng FEMA ay hindi nanghihingi ng pera. 

Maraming paraan para mag-apply: Pumunta online sa DisasterAssistance.gov, tumawag sa 800-621-3362 mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. Eastern Time (Oras sa Silangan), o gamitin ang FEMA mobile app. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS (serbisyo ng relay sa bidyo), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Ang mga tagasiyasat ng bahay ng FEMA ay makikita sa mga komunidad upang makipag-usap sa mga aplikante para beripikahin ang pagkawala. Makikipag-ugnayan ang FEMA sa may-ari ng bahay upang pag-usapan ang oras na gagawin para sa inspeksyon. Itong mga inspektor ay nagdadala ng tsapa na may litrato ng pagkakakilanlan at nasa kanila ang numero ng aplikasyon ng aplikante. 

Ang mga kawani ng FEMA at ang U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) ay hindi nanghihingi ng pera para sa kanilang serbisyo. Walang kasamang bayad sa pag-apply sa FEMA o SBA.

Para sa naa-access na bidyo kung paano mag-apply para sa tulong, pumunta sa youtube.com/watch?v=WZGpWI2RCNw.

Tags:
Huling na-update noong