Lahat Pantay-Pantay na Makakatanggap ng Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
007
Release Date:
Setyembre 27, 2021

NEW YORK – Lahat ng nakaligtas mula sa sakuna ay may pantay-pantay na karapatang makatanggap ng impormasyon mula sa mga pampederal na tulong sa sakunang programa, kasama sa doon ang paraan kung paano makakasali.

Ang Estado ng New York at ang FEMA ay nakahandang magbigay-tulong sa lahat ng naapektuhan ng Bagyong Ida, kabilang na doon ang mga may kapinsanan at nangangailangan ng tulong makakilos. Kung kayo ay nangangailangan ng matutuluyan o ng tulong dahil sa kapinsanan, ibigay-alam sa FEMA sa oras na kayo ay hihiling ng tulong o kahit kailan sa panahon ng sakuna na sila ay nagbibigay-tulong.

Ang tulong ay maaaring maibigay sa pamamagitan ng grant (kasulatan ng pahintulot).

Ang mga residente ng Bronx, Kings, Nassau, Queens, Richmond, Rockland, Suffolk and Westchester ay maaaring makahingi ng tulong mula sa FEMA para sa pag-aayos ng bahay at ibang gastusing naidulot ng sakuna. Ang pagkasira o pagkawala sa inyong tahanan ay dapat nangyari sa mga petsa noong Sept. 1-3.

Para makahingi ng tulong mula sa FEMA: Bisitahin ang DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA mobile app o tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 (711/VRS). Kung kayo ay gumagamit ng relay service (pantulong sa pakikipag-usap), tulad ng video relay service, captioned telephone service (may magsusulat ng inyong mensahe para sa inyo) o iba pa, ibigay ang numero ng serbisyong iyon sa FEMA. Nakahanda ang mga operator ng Helpline araw-araw mula 8 n.u. hanggang 7 n.g. at ibibilin kayo sa isang espyalistang kayang makipag-usap sa inyong wika.

Kakailanganin ninyo ang sumusunod sa inyong aplikasyon:

  • Pangalan ng pangunahing aplikante at Social Security Number (Numero ng Seguridad sa Lipunan)
  • Pangalan ng secondary/co-applicant (pangalawa/kahati) kasama ang SSN o Numero ng Seguridad sa Lipunan (hindi kinakailangan ngunit pinapayo)
  • Address (Lugar ng tirahan) nang kasalukuyan at ng panahon bago nagsakuna
  • Pangalan ng lahat ng nakatira sa bahay nung panahon bago
  • Kasalukuyang contact information (impormasyon para maikontak)
  • Uri ng insurance (seguro) na mayroon ang mga kasama sa bahay
  • Kabuuang kita ng lahat ng nakatira sa bahay sa panahon bago nagsakuna
  • Mga pagkawala na naidulot ng sakuna
  • Impormasyon sa bangko para sa direct deposit (diretsahang pagpasok ng pera sa inyong account sa bangko) o tulong pinansyal, kung hihingin

Ang FEMA ay nagbukas ng mga Disaster Recovery Centers (Sentro ng Pagbawi mula sa Sakuna) kung saan kayo makakapag-usap nang harapan sa mga kinatawan ng FEMA at ibang pampederal at pang-estadong ahensiya na makapagbibigay ng impormasyon sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta. Para makahanap ng malapit na recovery center, bisitahin ang DRC Locator (fema.gov).

Ang FEMA ay maaari ring makapagbigay ng interpreter (tagapag-gitna sa pagwika ng Ingles at iyong wika), real-time captioning (sabayang pagsulat ng mensahe sa inyong wika), at impormasyon sa iba pang paraan tulad ng Braille (para sa bulag), large print (kasulatan para sa mahina ang paningin), audio (mala-radyong pananalita) at iba pang paraang elektronika. Nagbibigay din ang ahensiya ng mga libreng serbisyo na makakatulong sa mga ataong makipag-ugnyan sa mga kinatawan ng FEMA staff at para maintidihana ng mga programa ng FEMA. Kabilang na sa mga tulong ang:

  • Nakahandang impormasyon sa madaling magamit at mabasang format sa website at social media ng FEMA
  • Kwalipikadong Tagapagsaling-wika ng American Sign Language sa mga pipe.
  • Kwalipikadong tagapagsaling-wika ng iba’t ibang wika
  • Impormasyon na nakasulat sa sari-saring wika

Nagtutulungan ang mga peryodiko, radyo, telebisyon, social media, lokal na opisyal at pribadong sektor partners para makibahagi sa pagbigay ng mahalang impormasyon tungkol sa pagbabawi.

Para makatanggap ng referral para sa mga ahensiya na nagsusuporta sa tiyak na pangangailangan ng isang komunidad, tumawag sa pinakamalapit na 211 Counts center (sentro ng Counts) sa https://www.211nys.org/contact-us. Sa New York City, tumawag sa 311. Sa mga nakapuwesto sa labas ng New York, tumawag sa 211.

Para sa mga online resources lalo na ang mga pampletang ma-da-download sa FEMA at iba pang mga aids (pantulong), bisitahin ang DisasterAssistance.gov at i-click ang “Information.”

Para sa pinakabagong balita tungkol sa programa ng pagbabawi ng New York mula sa Bagyong Ida, bisitahin ang  www.fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa Twitter sa twitter.com/femaregion2 at www.facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update