Huwag Magpaloko: Protektahan ang Iyong Sarili laban sa Pandaraya ng Kontratista

Release Date Release Number
R6-NR-002
Release Date:
Pebrero 22, 2021

DENTON, Texas – Hinihimok ng mga opisyal ng estado at pederal sa pagbawi  ang mga nakaligtas sa sakuna na abangan at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad o potensyal na pandaraya.

Ang mga sakuna ay kadalasang nagdudulot ng pagsasama-sama ng mga komunidad ngunit ang mga mapanlinlang na artista, mga nagnanakaw ng pagkakalinlan at iba pang mga kriminal ay maaaring tumuon sa mga nakaligtas.  Ang pinaka karaniwang tipo ng pandaraya matapos ang sakuna ay kasama na ang mga mapagpanggap na inspektor ng bahay, mga mandarayang kontraktor ng gusali, mga hindi totoong pagsusumamo para sa mga donasyon sa sakuna, mga hindi totoong alok ng tulong mula sa munisipyo o pederal at paniningil para sa mga libreng serbisyo.

Ang mga pagtatangka ng panloloko ay maaaring gawin sa pamamagitan ng telepono, sa koreo o email, sa pamamagitan ng internet, o sa personal.  Mahalaga na maging alerto, magtanong at laging manghihingi ng mga pagpapatunay kung mayroong nagsasabing kinakatawan sila ng FEMA o iba pang ahensiya ng gobyerno.  Ang mga mapanlinlang na artista ay malikhain at mapamaraan.  Kung ang alok ay tila napakaganda upang maging totoo, kailangan itong tanungin.

Narito ang ilang mga paalala upang maprotektahan ang iyong sarili:

  • Huwag magpadala ng pera o magbayad sa pamamagitan ng mga nakakargahang debit kards o mga kards na panregalo.  Walang lehitimong rason upang manghingi ng mga ganitong paraan ng pagbabayad.   
  • Huwag magbigay ng personal na impormasyong pinansyal sa pamamagitan ng telepono.  Alamin kung sino ang iyong kausap at palaging magtanong ng pagpapatunay.
  • Bigyan ng sapat na panahon ang sarili upang makapagdesisyon.  Sa Texas, ang mga kontratista ay kailangang magbigay ng isang Notice of Cancelation — na nagbibigay sa iyo ng karapatan na magbago ang iyong isip sa loob ng tatlong araw ng negosyo — kung ang transaksyon ay naganap sa iyong bahay.  Kahit na hindi naganap sa iyong bahay ang transaksyon, maaari ka pa
  • ring humingi ng tatlong araw; walang lehitimong rason na tanggihan ang iyong pakiusap.
  • Kunin ang kasunduan na nakasulat.  Basahing maigi ang kontrata, at kung hindi mo maunawaan ang bawat salita, dalhin mo ito sa isang eksperto.  Huwag pipirma sa isang kontrata na may mga blankong ispasyo para punuin.
  • Siguruhin na ang kontrato ay nagdedetalya ng lahat ng gawain na dapat gampanan, ang mga gastos, ang inaasahang petsa ng pagtatapos at kung paano mapag-uusapan ang mga pagbabago at pag-aayos ng mga pagtatalo.
  • Gumawa ng iyong pananaliksik.  Ang mga mapanlinlang na artista ay karaniwang pupunta sa iyo at mag-aalok ng kanilang mga serbisyo— alınman sa iyong pintuan, sa telepono o sa email—kaya maging lalong maingat sa mga nanghihingi.
  • Kumuha ng mga pagtantya sa maraming kontratista at sa iyong kumpanya ng seguro.  Tanggihan ang alinmang alok na mukhang napakaganda upang maging totoo.
  • Magtanong ng mga mapagsasangunihan mula sa mga dating kostumer.
  • Gamitin ang Better Business Bureau, www.bbb.org, at mga internet search engines. Ang mga mapanlinlang na kumpanya ay palaging nagpapalit ng pangalan, kaya hanapin sa web ang kanilang lugar at numero ng telepono, at isama ang mga salitang gaya ng “review,” “scam” and “complaint.”
  • Hindi nagpapatunay ang FEMA ng mga kontratista.
  • Patunayan ang seguro.  Kailangang magkaroon ng seguro para sa kapansanan at pagbabayad sa mga gumagawa (workers’ compensation) ang mga kontratista.  Kung wala sila nito, maaari kang managot sa mga aksidenteng naganap sa iyong pag-aari.
  • Siguruhin na ang mga kontratista ay may angkop na lisensya at sila ay may bono (bonded).
  • Siguruhin na ang mga kontratista ay makakakuha ng kailangang permiso upang magawa ang trabaho.
  • Humingi ng kasiyahan.  Huwag pumirma sa mga papeles ng pagtatapos o magbigay ng huling bayad hanggang hindi natatapos ng maayos ang paggawa.
  • Kunan ng litrato ang iyong kontratista, ang kanilang sasakyan at ang lisensya ng sasakyan.
  • Kunan ng litrato ang tarheta ng negosyo ng iyong kontratista at ang lisensya sa pagmamaneho.
  • Iulat ang iyong mga pag-aalala.  Ang mga potensyal na pandaraya ay kailangang iulat sa iyong lokal na ahensya ng pagpapatupad ng batas.  Maaari ka ring makipag-ugnay sa Texas Office of the Attorney General sa pagtawag sa 800-621-0508 o tumawag sa walang bayad na FEMA Disaster Fraud Hotline at 866-720-5721 na 24-oras sa isang araw.

Bilang isang paalala, ang mga may-ari ng bahay at mga umuupa sa Texas sa 77 lalawigan na itinalaga para sa tulong sa bawat isa na nagtamo ng pinsala ay maaari na ngayong mag-aplay para sa tulong sa sakuna sa FEMA.

Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para mag-aplay ay sa pamamagitan ng pagbisita sa www.disasterassistance.gov. Walang paghihintay upang makapagparehistro online at ito ay magagamit ng 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo.

Kung hindi makapagparehistro online, tumawag sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585). Ang mga toll-free na linya ng telepono ay bukas mula 8 n.u. hanggang 10 n.g. CDT, pitong araw sa isang linggo.  Ang mga gumagamit ng isang relay service gaya ng isang videophone, Innocaption o CapTel ay kailangang sabihin sa FEMA ang kanilang partikular na numero na ibinigay sa serbisyong ito.

Ang mga pautang sa sakuna na may mababang-interes mula sa Pangasiwaan ng Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration) ay magagamit ng mga may negosyo, mag may-ari ng bahay at mga nangungupahan.  Tumawag sa SBA sa 1-800-659-2955 (TTY: 800-877-8339) o bumisita sa www.sba.gov/services/disasterassistance.

Tags:
Huling na-update