Narito ang mga karaniwang dahilan kung bakit maaaring magpasya ang FEMA na ang ilang mga residente ng Maui na nagkaroon ng sira mula sa mga sunog sa kagubatan (wildfires) na nagsimula noong Agosto 8 ay maaaring hindi karapat-dapat para sa tulong sa sakuna. Kung sinabi ng FEMA na hindi ka karapat-dapat sa tulong, hindi ito pagtanggi. Kadalasan, kailangan mo lamang magpadala ng karagdagang impormasyon o suportadong dokumentasyon para sa FEMA upang ipagpatuloy ang pagsusuri sa iyong aplikasyon para sa tulong pinansyal.
Mga karaniwang dahilan para sa pagtanggi:
- Hindi mo naipadala sa FEMA ang mga dokumento o impormasyong hiniling. Basahin nang mabuti at maigi ang iyong mail sa FEMA at ipadala sa FEMA ang hinihiling na impormasyon.Kung hindi available ang impormasyong iyon, ipaalam sa amin kung bakit.
- Ang iyong nasira o nawala ay sakop ng insurance o iba pang mga mapagkukunan. Ayon sa batas, hindi makakapagbigay ng pondo ang FEMA kapag ang anumang iba pang mapagkukunan – insurance, crowdfunding, mga programang lokal o estado, o tulong pinansyal mula sa mga boluntaryong ahensya – ay sumaklaw sa mga gastos para sa kaparehong pangangailangang nauugnay sa kalamidad.Sa madaling salita, hindi maaaring magbayad ang FEMA para sa pagpapaayos ng bahay, halimbawa, kung nakatanggap ka na ng mga pondo mula sa iyong kompanya ng insurnace para sa parehong mga pagpapaayos.
- Kung nakatanggap ka ng mga pondo mula sa ibang mga mapagkukunan, magpadala ng dokumentasyon ng FEMA na nagpapakita kung paano ginamit ang tulong. Ang mga dokumentong iyon ay dapat patunayan na ang mga pondong natanggap mo ay hindi sapat upang mabayaran ang iyong mga gastos na nauugnay sa sakuna na karapat-dapat sa ilalim ng Individuals and Households Program. O, dapat patunayan ng dokumentasyon na ang mga pondo ay inilaan na gamitin para sa ibang layunin.
- Ang FEMA ay hindi nagbibigay ng kapalit na halaga para ipalit sa mga nasirang item o tulong sa mga hindi mahahalagang bagay. Ang FEMA ay nagbibigay ng mga grants para lamang sa mga pagpapaayos upang gawing ligtas, naa-access at magagamit ang bahay.
- Mayroong higit sa isang aplikasyon na na-file para sa inyong sambahayan. Karaniwan, pinapayagan ng FEMA ang isang aplikante lamang sa bawat sambahayan o address na mag-apply para sa Housing Assistance. Ang mga aplikante sa Maui ay maaaring mag-apela sa maagang desisyon na ito. Magpadala sa FEMA ng naka-sign na liham na nagpapaliwanag na ang iyong nasira na bahay ay ang iyong pangunahing tirahan (kung saan ka naninirahan ng higit sa anim na buwan sa isang taon) nang ang mga sunog sa kagubatan (wildfires) ay sumira sa Maui. Maaari mo ring ipaliwanag na ang iyong aplikasyon ay kumakatawan sa isang hiwalay na sambahayan mula sa orihinal na aplikante na gumagamit ng parehong address.
- Hindi ma-verify ng FEMA na ikaw ang may-ari ng bahay. Humihingi ang FEMA ng patunay ng pagmamay-ari mula sa mga nakaligtas sa kalamidad na nag-aapply para sa tulong pinansyal para makatulong sa pagpapaayos sa kanilang mga nasirang bahay. Bine-verify ng FEMA ang pagmamay-ari gamit ang mga rekord ng publiko at gobyerno o sa pamamagitan ng pag-review sa mga dokumentong iyong isinumite. Maaari ding i-verify ng FEMA ang pagmamay-ari sa oras ng inspeksyon ng nasirang property. Upang iapela ang desisyon ng FEMA, magsumite ng mga dokumentong nagpapatunay na pagmamay-ari mo ang bahay kasama ng iyong pinirmahang sulat ng apela. Mga dokumentong magagamit mo para i-verify ang pagmamay-ari:
- Deed o titulo
- Dokumento ng mortgage
- Mga statements ng homeowner’s insurance
- Resibo ng buwis sa property o bill ng buwis
- Sertipiko o titulo ng manufactured home
- Mga kontrata sa pagbili ng bahay (hal., Bill of Sale)
- Huling habilin at testamento (at sertipiko ng kamatayan) na nagngangalang ikaw ang tagapagmana ng property.
- Hindi na-verify ng FEMA ang iyong occupancy. Bine-verify ng FEMA ang occupancy gamit ang mga pampubliko at rekord ng gobyerno o sa pamamagitan ng pag-review sa mga dokumentong iyong isinumite. Maaari ding i-verify ng FEMA ang occupancy sa oras ng inspeksyon ng nasirang property.Upang iapela ang desisyon ng FEMA, magsumite ng mga dokumentong nagpapatunay ng occupancy kasama ng iyong napetsahan at nilagdaang sulat ng apela.
- Hindi ma-verify ng FEMA ang iyong pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng pag-verify ng iyong pagkakakilanlan, pinipigilan ng FEMA ang pandaraya at tinitiyak na makakatanggap ka ng karapat-dapat na tulong sa sakuna. Bine-verify ng FEMA ang pagkakakilanlan gamit ang mga rekord ng publiko at gobyerno o sa pamamagitan ng pag-review sa mga dokumentong iyong isinumite.Upang iapela ang desisyon ng FEMA, magsumite ng mga dokumentong nagpapatunay sa iyong pagkakakilanlan kasama ng iyong napetsahan at nilagdaang sulat ng apela.
- Ang nasirang bahay ay hindi ang iyong pangunahing tirahan. Nagbibigay ang FEMA ng tulong sa sakuna sa mga karapat-dapat na aplikante para sa pangunahing tirahan—kung saan ka nakatira nang higit sa anim na buwan ng taon.Hindi isasaalang-alang ng FEMA ang higit sa isang pangunahing tirahan para sa nakaligtas at sa kanyang asawa.
- Hindi gaanong nasira: Ang iyong tahanan ay ligtas na tirahan. Hindi gaanong nasira ang iyong bahay dulot ng sakuna o ang sira ay hindi nakakaapekto kung maaari kang tumira sa bahay. Ang sira sa mga hindi mahahalagang lugar, landscaping o sirang pagkain ay hindi saklaw para sa tulong ng FEMA.
- Wala kang ini-report na nasira sa iyong bahay. Kung nag-apply ka para sa pederal na tulong ng sakuna pero sinabi sa FEMA na wala kang nasira dulot ng kalamidad- tutukuyin ng FEMA na hindi ka karapat-dapat para sa tulong.
- Hindi mo gustong lumipat o hindi mo kailangang tumira sa ibang lugar habang ginagawa ang pagpapaayos. Kung matukoy ng FEMA na ang iyong bahay ay hindi matitirahan dahil nasira ito sa mga sunog sa kagubatan (wildfires), maaari kang maging karapat-dapat para sa FEMA Initial Rental Assistance.Kung sinabi mo sa pag-inspeksyon ng iyong bahay na hindi mo gustong lumipat o hindi mo kailangang tumira sa ibang lugar habang inaayos ang iyong nasirang bahay, hindi ka magiging karapat-dapat para sa pansamantalang tulong sa pag-upa ng FEMA. Kung nagbago ang iyong mga pangangailangan sa pabahay, makipag-ugnayan kaagad sa FEMA para i-update ang iyong pabahay at ipaliwanag kung bakit kailangan mo ng tulong sa pag-upa.
- Mga nangungupahan: Kung nakatira ka sa apartment at hinihiling ng may-ari na umalis ka para mapaayos ang apartment o gusali, tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 at i-update ang iyong katayuan. Maaari kang maging karapat-dapat para sa tulong. Ang Helpline ay bukas 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo.
- Hindi ka makontak ng inspektor ng FEMA sa kontak na impormasyon na iyong ibinigay. Dapat mong tawagang muli ang mga tawag sa telepono ng FEMA at mga kahilingan para sa impormasyon sa tamang oras. Kung hindi ka makontak ng FEMA, o hindi mo naibigay ang hiniling na impormasyon, maaaring tukuyin ng FEMA na hindi ka karapat-dapat para sa tulong.
- Hindi ka nakipagkita sa inspektor. Importante na mabasa mong mabuti ang lahat ng sulat ng FEMA. Ikaw o kinatawan na tinukoy mo sa FEMA nang maaga ay dapat na naroroon sa anumang appointment sa mga opisyal ng FEMA, o maaaring matukoy ng FEMA na hindi ka karapat-dapat para sa tulong sa ngayon. Kung kailangan mo pa rin ng inspeksyon, tawagan ang FEMA Helpline sa 800-621-3362 at humiling nito.
- Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA, may karapatan kang umapela. Ipadala ang iyong pinirmahang sulat ng apela sa:
FEMA Individuals & Households Program
National Processing Service Center
P.O. Box 10055
Hyattsville, MD 20782-8055
- Madaling mag-apply para sa tulong ng FEMA. Narito kung paano:
- Tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng video relay service, captioned telephone service o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-apply ka. Ang mga operator ng helpline ay nagsasalita ng maraming wika at ang mga linya ay bukas 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Pindutin ang 2 para sa Espanyol. Pindutin ang 3 para sa tagapagsalin na nagsasalita ng iyong wika.
- Pumunta sa DisasterAssistance.gov
- Gamitin ang FEMA mobile app
- Para sa American Sign Language video kung paano mag-apply, pumunta sa https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI&list=PL720Kw_OojlKOhtKG7HM_0n_kEawus6FC&index=6
- Maaari mo ring bisitahin ang alinmang Disaster Recovery Center para sa mga update tungkol sa iyong aplikasyon sa FEMA o mga sagot sa mga tanong. Maghanap ng center dito: DRC Locator (fema.gov)
- Bilang karagdagan sa pag-apply para sa tulong ng FEMA, ang mga nakaligtas ay hinihikayat na magparehistro sa American Red Cross sa 800-RED-CROSS (800-733-2767). Ang Red Cross ay nagbibigay ng tulong pinansyal, pansamantalang pabahay sa mga hotel at iba pang serbisyo sa mga tao, kabilang ang mga nakaligtas na hindi karapat-dapat para sa ilang programa ng FEMA.
- Manatiling nakikipag-ugnayan sa FEMA at sa Red Cross.
Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon mula sa sunog sa kagubatan (wildfire) sa Maui, bisitahin ang mauicounty.gov at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema.