Mga Madalas Itanong Tungkol sa Mga Sakuna

Nagbibigay ang pahina na ito ng mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa Indibidwal na Tulong para sa mga nakaligtas sa sakuna.

Mga Sagot sa Mga Madalas Itanong

Gamitin ang dropdown menu upang salain ayon sa uri ng katanungan o i-type ang isang keyword.

Maaasahan mong makatanggap ng sagot sa iyong apela sa loob ng 90 araw pagkatanggap ng iyong mga dokumento.

Kung tatanggapin mong nahihirapan ka pagkatapos ng isang sakuna, narito ang ilang aktibidad na maaari mong subukan mo upang makatulong na mapawi ang stress:

  • Makipag-usap sa iba. Lumapit sa isang mapagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya, o pinuno sa pananampalataya upang tuklasin kung ano ang maaaring kahulugan ng kaganapan para sa iyo.
  • Banatin at galawin ang iyong katawan upang alisin ang pagdami ng mga dagdag na stress hormone. Sumubok ng mga simpleng pagkilos tulad ng paglalakad, o pagmumuni-muni kung posible
  • Huminga nang malalim at kalmado
  • Makinig sa musika. Gumawa ng nakaka-relax na playlist para sa sarili mo at pakinggan ito nang madalas
  • Mahalaga ang pag-aalaga sa sarili. Maglaan ng oras upang matiyak na nakakapagpahinga ka nang sapat at uminom ng maraming likido

Para sa higit pang mga paraan upang makatulong na makayanan, tingnan ang fact sheet ng Pang-aabuso sa Substansya at Mental Health Services Administration

Hindi. Kung ang Transisyonl na Tulong sa Kanlungan (Transitional Sheltering Assistance, TSA) ay inaprubahan ng iyong estado, teritoryo, o tribal na pamahalaan at nakumpleto mo ang isang aplikasyon para sa tulong sa kalamidad ng FEMA, isasaalang-alang ka para sa programa. Aabisuhan ka ng FEMA kung karapat-dapat ka para sa programa.

Hindi. Gayunpaman, maaaring saklawin ang mga sumusunod na uri ng gastusin para sa mga nagseserbisyong hayop:

  • Mga gastusin sa veterinarian para sa mga pinsalang dulot ng sakuna.
  • Mga gastusin sa pagpapalit at/o pagsasanay para sa isang bagong nagseserbisyong hayop
  • Nawala o nasirang kagamitan (gaya ng dalubhasang tali,harness o vest).

*Kakailanganin ng karagdagang dokumentasyon tulad ng mga nakasulat na pahayag mula sa aplikante o kasamang aplikante at (mga) medikal na provider upang patunayan ang pagkawala ng o pinsala sa nagseserbisyong hayop.

Kung hindi ka nasisiyahan sa halaga ng iyong paghahabol o kung nakatanggap ka ng sulat ng pagtanggi para sa ilan sa o lahat ng iyong paghahabol, maaari kang:

  • Makipagtulungan sa kumpanya ng iyong seguroupang malutas ito.
  • Maghain ng apela sa FEMA.
  • Humiling ng pagtatasa.
  • Maghain ng demanda

Ang pangunahing proseso ng deklarasyon ng sakuna ay nagsisimula kapag ang isang Gobernador ng estado o Punong Ehekutibo ng Tribo ay nagdeklara ng estado ng emerhensya at humiling ng tulong na pederal. Ang Gobernador o Ehekutibong Pinuno ng Tribo ay magsusumite ng kahilingan sa Pangulo, na may awtoridad na magdeklara ng isang malaking sakuna na may mga programang tulong pederal para sa mga indibidwal at pampublikong imprastraktura.

Kung hindi kasama ang iyong county, munisipalidad, o parokya sa unang deklarasyon, patuloy na sumubaybay dahil maaari itong idagdag sa ibang pagkakataon.

Kung kasalukuyang wala sa pederal na idineklarang lugar ang iyong lokasyon, maaaring makapag-apply ka pa rin online ngayon. Ang sistema ng online na aplikasyon ay hahayaan kang magpatuloy kung ang maagang pagpaparehistro ay bukas para sa iyong estado o county. Ipoproseso ang iyong aplikasyon kung idaragdag ang iyong county sa isang aktibong deklarasyon. 

Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong tanggapan ng pamamahala ng emerhensiya ng estadono upang iulat ang iyong pinsala. Para sa mga pang-emerhensyang pangangailangan, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong chapter na lokal ng American Red Cross 

Pagkatapos mag-aplay, maaari kang i-refer sa Administrasyon ng Maliliit na Negosyo ng E.U. (Small Business Administration, SBA) para sa SBA na pautang tulong sa kalamidad bilang bahagi ng proseso ng tulong sa kalamidad.

Nakikipagtulungan ang FEMA sa SBA upang matukoy kung dapat kang makakuha ng pera para sa personal na ari-arian o tulong sa transportasyon mula sa FEMA o SBA. Ang FEMA ay hindi pinapayagan na magbigay ng pera para sa mga pagkalugi na ito sa mga taong maaaring maging kwalipikado para sa isang SBA na pautang.

Awtomatikong ire-refer ka ng FEMA sa SBA upang maisaalang-alang para sa isang pautang para sa kalamidad kung matutugunan mo ang mga pamantayan ng kita ng SBA. Gagamitin ng FEMA ang taunang kabuuang kita ng iyong sambahayan at bilang ng mga umaasa upang matukoy kung ire-refer ka nito sa SBA.

Hindi mo kailangang tumanggap ng alok na pautang sa SBA; gayunpaman, kung ikaw ay naaprubahan at hindi mo ito tatanggapin, hindi ka ire-refer pabalik sa FEMA para sa personal na ari-arian o tulong sa transportasyon. Maaari kang tumawag sa Pantulong na linya ng FEMA sa 800-621-3362 kung mayroon kang mga karagdagang tanong o kailangan mo ng karagdagang impormasyon.

Hindi. Magkaiba sila.

Ang TSA ay isang programa ng FEMA na inaprubahan para sa mga kwalipikadong sakuna. Nagbibigay-daan ito para sa pansamantala at panandaliang panunuluyan sa isang kalahok na hotel/motel, na direktang binabayaran ng FEMA. Hindi maaaring humiling ang mga nakaligtas ng TSA. Makikipag-ugnayan ang FEMA sa mga karapat-dapat tungkol sa kanilang pagiging karapat-dapat.

Kung kailangan mo ng panandaliang paniniirahan sa isang hotel o motel dahil hindi ka maaaring manatili sa iyong tahanan dahil sa sakuna, maaaring mabayaran ng FEMA ang iyong mga gastos sa panuluyan mula sa bulsa (kuwarto at buwis) sa pamamagitan ng Pagsauli ng Gastos sa Panunuluyan.

Ang tulong sa pag-upa ay pera para umupa ng mga alternatibong tirahan, tulad ng isang apartment, habang inaayos ang iyong tahanan o hanggang sa makakita ka ng permanenteng solusyon sa pabahay pagkatapos ng kalamidad Para sa mga aplikanteng dokumentado, ang patuloy na pansamantalang pangangailangan sa pabahay, ang Tulong sa Pag-upa ay maaaring makuha hanggang 18 buwan mula sa petsa ng sakuna.

Kung nakatanggap ka ng tulong sa pabahay mula sa HUD at naging hindi na matitirahan ang iyong tahanan dahil sa sakuna, maaari kang maging karapat-dapat para sa pansamantalang tulong sa pabahay ng FEMA kung walang magagamit na pabahay ng HUD pagkatapos ng kalamidad, at hanggang:

  • lumipat ka pabalik sa pampublikong pabahay;
  • lumipat ka pabalik sa pribadong pabahay na tumatanggap ng tulong ng HUD; o
  • pumirma ka ng paupahan sa isang pribadong may-ari ng ari-arian gamit ang tulong ng HUD.

Karagdagan pa, ang tulong pinansyal para sa mga nangungupahan bago ang kalamidad, na tinulungan ng HUD ay maaaring sumaklaw sa pagsasauli ng nagugol para sa mga panandaliang gastos sa panuluyan, mga pondo para palitan o ayusin ang kinakailangang personal na ari-arian, isang sasakyan; walang seguro na gastos sa libing, medikal, dental, pangangalaga sa bata, paglipat at pag-iimbak. Maaaring kabilang sa hindi nakasegurong gastos sa medikal at ngipin ang nawala o nasira na kagamitang medikal o pinsalang dulot ng sakuna.

Maaaring makapagbigay ng pera ang FEMA sa mga nangungupahan bago ang sakuna upang tumulong sa pagbabayad para sa mga panandaliang gastos sa tuluyan, mga gastos sa pag-upa ng pansamantalang pabahay, at mga gastos sa pagpapalit o pagkukumpuni ng sasakyan at iba pang kinakailangang personal na ari-arian. Maaaring makatulong din ang FEMA sa pagbabayad para sa mga gastos sa medikal, dental, pangangalaga sa bata, paglipat at pag-iimbak ng walang seguro.

Kung ang Direktang Tulong sa Pabahay ay awtorisado para sa sakuna, ang mga nangungupahan bago ang kalamidad ay maaaring maging karapat-dapat kung hindi nila magagamit ang tulong pinansyal upang makakuha ng pansamantalang pabahay.

Huling na-update noong