Pagtugon sa Bagyong Helene Mga Sabi-sabi at Panloloko

Release Date

Ang mataas na dami ng mga sabi-sabi at maling impormasyon sa resulta ng Bagyong Helene ay nagdulot ng kalituhan at nagbabanta sa mahalagang pagtugon at mga pagsisikap sa pagbawi. Habang ang mga pederal na ahensya ay nakikipagtulungan nang malapit sa mga estado, mga Katutubong Tribo at mga lokal na komunidad upang maibalik ang mga kritikal na serbisyo at makapagbigay ng tulong sa mga nakaligtas, mahalagang malaman kung ano ang totoo at kung paano protektahan ang iyong sarili mula sa mga panloloko. 

Sabi-sabi #1 – Kinumpiska ng FEMA ang mga Donasyon 

May mga sabi-sabi na kumakalat na ang FEMA ay tinatalikuran ang mga donasyon, pinahihinto ang mga trak o sasakyan na may mga donasyon, nangungumpiska at nang-aagaw ng mga suplay ay kadalasang kumakalat pagkatapos ng isang sakuna. Ang mga ito ay hindi totoo. 

Ang FEMA ay hindi kumukuha ng mga donasyon at/o pagkain mula sa mga nakaligtas o mga boluntaryong organisasyon. Ang mga donasyon ng pagkain, tubig, o iba pang mga kalakal ay pinangangasiwaan ng mga boluntaryong ahensya na dalubhasa sa pag-iimbak, pag-uuri, paglilinis at pamamahagi ng mga bagay na donasyon.

Kung nais mong tumulong ngunit hindi sigurado kung paano, tingnan ang 

webpage ng Pagboluntaryo at Donasyon.

Sabi-sabi #2 – Ang Pagpopondo ng FEMA ay Inilihis sa Border

Walang pondo para sa tulong sa sakuna ang inilipat upang suportahan ang mga migrante. Ang badyet ng FEMA ay nakatuon sa pagtugon sa mga sakuna. 

Walang pera na inililihis mula sa pagtulong sa mga tao bago, habang at pagkatapos ng mga sakuna. Ang FEMA ay may sapat na pondo para sa pagtugon at mga pagsisikap sa pagbawi – kabilang ang tulong para sa mga indibidwal at sambahayan – at hinihikayat namin ang mga taong apektado ng Helene na mag- aplay para sa tulong sa kalamidad. 

Ang mga pagsisikap sa pagtugon sa sakuna at indibidwal na tulong ng ahensya ay pinondohan sa pamamagitan ng Pondo para sa Tulong sa Kalamidad (Disaster Relief Fund), na isang dedikadong pondo para sa mga pagsisikap sa kalamidad. 

Sabi-sabi #3 – Ang FEMA ay Nagbibigay Lamang ng $750 

Ito ay hindi totoo. Upang matulungan ang mga tao na mabilis na makakuha ng mga mahahalagang bagay tulad ng pagkain, tubig o gatas ng sanggol, magbibigay ang FEMA ng $750 bilang tulong, na kilala rin bilang Seryosogn Pangangailangan ng Tulong (Serious Needs Assistance) – ngunit hindi lamang ito ang paraan ng tulong na magagamit sa mga nakaligtas sa kalamidad. 

Pagkatapos makatanggap ng Seryosong Pangangailangan ng Tulong (Serious Needs Assistance), hinihiling ng FEMA sa mga nakaligtas na mag-aplay para sa iba pang anyo ng pangmatagalang tulong tulad ng tulong sa pabahay o pagkukumpuni sa bahay. Upang mag-aplay, dapat bisitahin ng mga nakaligtas ang disasterassistance.gov, i-download ang FEMA App o tumawag sa 1-(800) 621-3362. 

 

Protektahan ang Iyong Sarili mula sa Mga Panloloko 

Sa kasamaang-palad, madalas na tinatarget ng mga manloloko ang mga nakaligtas na may mga pangako ng mabilis na tulong sa pananalapi o mga kahilingan para sa mga donasyon sa mga pekeng kawanggawa pagkatapos ng isang sakuna, kapag sila ay pinaka-mahina.

Suriin ang mga paalala na ito upang manatiling ligtas: 

Tiyakin ang pinagmulan: Mag-ingat sa mga hindi hinihinging mensahe, email o tawag na nagsasabing mula sa FEMA o iba pang organisasyong nag-aalok ng tulong. Hindi kailanman hihilingin ng FEMA ang iyong personal na impormasyon sa pananalapi sa telepono o sa pamamagitan ng email. 

Makikipag-ugnayan lamang sa iyo ang FEMA kung nauna kang tumawag sa FEMA o nakarehistro para sa tulong. Kung makatanggap ka ng mga kahina-hinalang email o tawag sa telepono, maaari mong tawagan ang Helpline ng FEMA sa 1-800-621-3362 upang tiyakin kung lehitimo ang isang tawag o email ng FEMA.

Iwasan ang mga pekeng kawanggawa: Ang mga manloloko ay madalas na nagtatayo ng mga pekeng kawanggawa na mukhang lehitimo. Bago magbigay ng donasyon, tiyakin na ang charity ay isang tunay na organisasyon na nagbibigay ng tulong sa mga tao. Magsagawa ng mabilisang pagsaliksik online at tiyaking na mayroon ng organisasyon bago pa man ang sakuna. 

Maaari mong isumbong ang mga pekeng pagkakawanggawa o mga panloloko sa National Center for Disaster Fraud.

Suriin muli ang impormasyon bago ibahagi: Mabilis na kumalat ang maling impormasyon. Kung makakita ka ng post o mensahe na mukhang kahina-hinala, tingnan ang pinagmulan bago ito ibahagi. Maghanap ng impormasyong magmumula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon, gaya ng FEMA, mga lokal na pamahalaan o mga organisasyon na walang layuning kumita. 

Bisitahin ang FEMA.gov o sundan ang aming beripikadong mga pahina sa social media upang makahanap ng mga eksakto na mga pinakabagong balita sa mga programa sa pagtulong sa kalamidad. 

 

Karagdagang Mga Mapagkukunan

Tags:
Huling na-update