Mga Espesyalista sa Preserbasyon sa 2 Florida Disaster Recovery Center ay Mag-aalok ng Payo sa Pagliligtas ng Mahahalagang mga Gamit

Release Date Release Number
NR-020
Release Date:
Oktubre 28, 2024

TALLAHASSEE, Florida. — Habang bumabawi ang mga Floridian mula sa pinsala sa bagyo, ang mga espesyalista sa preserbasyon ay nasa dalawang Disaster Recovery Center ngayong linggong ito upang mag-alok ng payo tungkol sa pagliligtas ng mga nasirang mga gamit tulad ng mga larawan, likhang sining, tela at iba pang mga item.

Ang FEMA at ang Smithsonian Institution ay nag-i-sponsor ng Heritage Emergency National Task Force, isang pakikipagsosyo ng higit sa 60 pambansang organisasyon ng serbisyo at pederal na ahensya na nilikha upang maprotektahan ang pamanang kultura mula sa nakakapinsalang epekto ng natural na sakuna at iba pang mga emerhensiya.

Ang mga espesyalista sa Save Your Family Treasures Program ay nasa Disaster Recovery Center sa Sarasota Municipal Auditorium, 801 N. Tamiami Trail, at sa isang mobile Disaster Recovery Center sa 1303 17 th St. W. sa Palmetto mula 9 ng umaga hanggang 5 ng gabi Oktubre 28 hanggang Nobyembre 1.

Para sa mga hindi makikipagkita sa mga espesyalista, nag-aalok ang programa ng payong ito:

Mga Pangkalahatang Patnubay

  • Ang banayad na pagpapatuyo sa hangin sa loob ng bahay ay pinakamahusay para sa lahat ng inyong mga pag-aari. Ang mga hair dryer, iron, oven at matagal na pagkakalantad sa sikat ng araw ay magkakaroon ng hindi maibabalik na pinsala. Dagdagan ang panloob na daloy ng hangin gamit ang mga fan, bukas na bintana, air conditioner at dehumidifiers. 
  • Maging maingat sa paghawak ng iyong pamana, na maaaring maging marupok lalo na kapag basa. Paghiwalayin ang mamasa-masa na materyales: alisin ang mga nilalaman mula sa mga drawer; alisin ang mga litrato mula sa mamasa-masa na mga album; alisin ang mga painting at mga print mula sa mga frame; maglagay ng mga tuwalyang papel sa pagitan ng mga basang pahina ng libro
  • Dahan-dahang alisin ang dumi at basura sa mga marupok na bagay ng malambot na mga brush at tela. Iwasan ang pagkuskos, na maaaring maggiling sa dumi. 
  • Linisin ang mga litrato ng maingat sa pamamagitan ng pagbanlawan ng mga ito sa malinis na tubig. Patuyuin ang mga larawan sa hangin sa isang plastic screen o tuwalyang papel, o sa pamamagitan ng pagkabit ng mga ito sa sulok na may mga plastik na sipit. Huwag hayaang madikit ang imahe sa anumang iba pang mga bagay habang pinatutuyo ito.
  • Maaaring hindi mo mai-salba ang lahat, kaya tumuon sa kung ano ang pinakamahalaga sa iyo, maging sa pangkasaysayan, pera o sentimental na mga kadahilanan.

Mga Litrato

Maingat na alisin ang mga basang litrato mula sa mga plastik/papel na mga lagayan; maaaring mas ligtas na punitin at balatan ang isang lagayan na malayo sa larawan kaysa sa alisin ang larawan mismo. I-save o kopyahin ang mga nakasulat na pangalan, atbp. Ang mga basang larawan at negatibo na nagdikit na ay hindi dapat paghiwalayin. Ibabad ang mga ito sa malinis na tubig hanggang sa maghiwalay sila, hanggang sa 48 oras hanggat sa maaari mo nang patuyin sa hangin o i-freeze ang mga ito. (Huwag i-freeze ang mga glass na negatibo o plato.) Banlawan ang mga ito ng malinis na tubig. Huwag hawakan o mansahan ang mga ibabaw. Patuyuin sa hangin ang mga litrato sa pamamagitan ng pagkabit ng mga ito gamit ang mga clip na inilagay sa mga gilid, o ilagay ang mga ito nang patag, nakaharap pataas, sa isang sumisipsip na papel. Panatilihin ang mga larawan na magkakahiwalay mula sa  sa mga katabing bagay.

Mga Libro

Kung kinakailangan ang pagbabanlawan, hawakan nang sarado ang mga libro. Kung ang mga materyales na balat, tela, o papel ay magkadikit o malagkit, ilagay ang wax paper sa pagitan ng mga ito. I-pack ang mga libro, ang spine pababa, sa isang single layer sa matibay na lalagyan. Ilagay ang mga dokumento upang hindi mawasak ang mga ito. Ilagay ang mga lalagyan sa isang freezer, mas mabuti na may frost-free setting, at itakda ito sa pinakamababang posibleng temperatura. Inaasahan na tumatagal ang proseso ng pagpapatayo na ito mula sa ilang linggo hanggang ilang buwan, depende sa temperatura ng freezer at lawak ng pinsala.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Hurricane Milton, bisitahin ang fema.gov/disaster/4834. Para sa Hurricane Helene, bisitahin ang fema.gov/disaster/4828. Para sa Hurricane Debby, bisitahin ang fema.gov/disaster/4806. I-follow ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/fema.

 

Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

Nakatuon ang FEMA na tiyakin ang tulong sa sakuna ay natutupad nang pantay, nang walang diskriminasyon

sa batayan ng lahi, kulay, nasyonalidad, kasarian, oryentasyong sekswal, relihiyon, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o katayuan sa ekonomiya. Ang sinumang nakaligtas sa sakuna o miyembro ng publiko ay maaaring makipag-ugnayan sa Opisina ng Karatapang Sibil ng FEMA kung nararamdaman nila na mayroon silang reklamo ng diskriminasyon. Ang Opisina ng Sibil ng FEMA ay maaaring kontakin sa FEMA-OCR@fema.dhs.gov o toll free sa 833-285-7448.

Tags:
Huling na-update