HONOLULU –Ang mga online classified na advertisement ay umaakit sa mga nakaligtas sa sunog sa Maui gamit ang mga hindi totoong alok ng mga available na rental unit, at huli na nalaman ng mga tao na ang perang binayaran nila para sa security deposit ay napunta na lang sa mandaraya (scammer).
Dapat malaman ng mga nakaligtas sa kalamidad na sinusubukan ng mga mandaraya na kumuha ng pera o magnakaw ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng pandaraya o pagnanakaw ng pagkakakilanlan pagkatapos ng sakuna. Humihingi sila ng tulong para sa mga nakaligtas sa sakuna sa pamamagitan ng telepono, email, sulat o face-to-face.
Maghinala sa mga presyong napakaganda para maging totoo at hindi kailanman magbayad gamit ang cash o digital currency. Upang maiwasang mabiktima ng isang pandarata, makipag-usap sa mga espesyalista sa FEMA Helpline (800-621-3362) at mga kinatawan ng American Red Cross sa Lahaina Disaster Recovery Center.
Sa pinakahuling pandaraya, nakahanap ang mga nakaligtas sa sunog ng mga apartments sa mga online ads na may kasamang mga larawan ng mga unit. Nang ito ay kontakin, humihiling ang mga advertisers ng pakikipagkita sa isang lokal na negosyo sa Maui at iminumungkahi ang taong interesado sa apartment na magdala ng pera. Bilang kapalit, ang naghahanap ng apartment ay binibigyan ng isang mukhang opisyal na lease na nagpapatunay na ito pala ay walang halaga. Ang taong nakatanggap ng security deposit ay hindi ang may-ari at hindi nagmamay-ari ng unit.
Kung naniniwala kang ikaw o ang isang mahal sa buhay ay naging biktima ng pandaraya, i-report ito kaagad sa Maui Police Department sa 808-244-6400. Ang mga consumers ay maaari ding mag-file ng reklamo ng pandaraya sa Commerce and Consumer Affairs’ hotline sa 808-587-4272, Opsyon 7.
Kung pinaghihinalaan mo ang anumang uri ng pandaraya na nauugnay sa tulong sa sakuna o mayroon kang kaalaman sa pandaraya, pag-aaksaya o pang-aabuso, i-report ito sa FEMA Fraud Investigations and Inspections Division sa FEMA-OCSO- Tipline@fema.dhs.gov o tumawag sa 866-223- 0814
Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon mula sa malaking sunog (wildfire) sa Maui, bisitahin ang mauicounty.gov, mauirecovers.org, fema.gov/disaster/4724 at Hawaii Wildfires - YouTube. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires.